Chapter 22

10 1 0
                                    

"What was the sorry for, Sandy?"

Napatunghay ako mula sa pagkakasubsob ko dito sa lamesa ko nang marinig ko si Hans. Kasunod niya si Gretch.

Nakita ko naman sina Mandy at Mark na sumisilip sa labas ng office ko. Nang mapansin nilang kinakausap ako ng kambal, hindi sila pumasok sa loob. Nagthumbs up nalang sila sa akin. Itinaas ni Mark ang phone niya at nagsenyas na tatawagan nalang ako mamaya to report.

Nabalik ang atensyon ko sa kambal nang nakaupo na si Hans sa harapan ko.

"Well?"

"Well... sorry for disturbing your work earlier."

"That's it?"

"Ahm, yes? Nakakahiya kasi talaga kanina kaya nagsorry nalang din ako sa'yo kasi naabala ko kayong lahat sa gitna nang trabaho."

"Ayun lang? Grabe. Eh hindi mo naman kasalanan un eh. Hindi mo naman makocontrol kung mabubulunan ka o hindi. Hindi mo naman sinasadyang gawin un para magulo kaming lahat kanina."

Hindi nalang ako sumagot. Si Gretch naman ang nagsalita.

"Pero maiba tayo. What's with you and Greg?"

Nagsalubong naman talaga ang kilay ko sa pagtataka. Anong klaseng tanong un, Gretch?

"What do you mean anong meron? Di ba friends nga kami? Anong tinatanong mo diyan?"

"Friends? He's just a friend? Or a friend trying to court you?"

Umiling ako sa kanya.

"Or baka naman friends with benefits kayo?"

"No! Kadiri ka, Gretch!"

"Eh ano nga kasi. Imposibleng wala yan dahil sobrang oa nang closeness niyo, promise."

"Friends lang talaga."

Tumayo na ako at naglakad palabas ng office. Agad akong nilapitan ni Mark nang mapansin ako.

"May kailangan po ba kayo, Ma'am?"

"Mark, send out a message to everyone to remind them of their tasks for tomorrow. Lalo na ung mga sasama sa Batangas bukas."

"Yes, Ma'am. Oo nga po pala, bilin po ni Sir Kyle na magdala raw ng swim wear dahil ung rest house nila ay malapit-lapit na po sa dagat. Baka dalhin niya raw po tayo dun."

"Okay. Sige. Thanks. Sabihan mo nalang din sila. Okay na ba ung sasakyan natin bukas?"

"Si Sir Greg po nagpabook nung mini bus na dadalhin natin."

"Sige. Ikaw nang bahala, Mark, ha. Pauwiin mo na rin sila. Mas nakakapagod ang trabaho bukas. Tutal, malapit na rin namang magfive."

"Sige po."

Bumalik ako sa loob ng office. Parehong nakaharap sa mga DSLR nila sina Hans.

Lumapit ako sa desk ko at nagsinula nang mag-ayos ng gamit. Napatingin sila sa akin.

"Uuwi na tayo?"

"Oo. Mag-iimpake pa tayo para sa Batangas bukas."

"Ay. Oo nga pala. Daan na rin tayo sa mall para mamili ng mga pwedeng dalhin. Wala akong masyadong gamit dito sa Pinas eh."

"Okay lang naman sa akin. Okay lang ba kay Hans?"

"Ayos lang din sa akin. Huwag lang tayong magtagal nang sobra dun, else, iiwanan ko talaga kayo."

Natawa ako kay Gretch nang nagtaas ito ng kanang kamay na parang nanunumpa sa flag ceremony.

"Yes, boss. Promise. Cross my heart."

ABTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon