Isang linggo na rin ang lumipas mula nung makita kong muli si Kyle. Four days ago, nagbigay ng clearance ung doktor sa akin na pwede na akong hindi magsaklay. Nakabalik na rin ako sa trabaho ko kahapon.
Sa dami naman ng kailangan kong tapusin, kahit papaano ay di ko masyadong naiisip si Kyle.
"Sandy, bakit ngayon ka lang sumagot? I've been trying to reach you. Pinapapunta ka ni boss sa office niya mamayang 5pm."
"Ha? Bakit daw, Sir Greg?"
"Di ko rin alam eh. Di pa naman kayo nagkakaharap ever, di ba?"
"Hindi pa."
"Daanan mo nalang ako sa office ko mamaya para maintroduce kita formally. Sige na. I got to go. Sobrang daming paperworks dito."
"I feel you, bro. Sige. Bye. See you later."
"See you later."
Medyo magulo dito sa kompanya sa mga panahong ito dahil nagkakaroon ng maraming pagbabago.
Pinamana ng dating major stockholder sa anak-anakan niya ang mga shares niya sa Aster Group. He and his wife will migrate to US for medical purposes. Ang kaso lang, maraming nagpull-out na investors dahil wala silang tiwala sa pumalit.
Tapos may nagkalat pa ng balita na magbabawas daw ng tao. Dagdag stress sa lahat ng empleyado, lalo na at ang daming pinapapasa sa taas by the end of the week.
May kumatok sa pinto ng opisina ko and after I acknowledged her, pumasok na siya at nilapitan ako.
"Ma'am Sandy, nandito na po ung mga hinahanap niyong old issues."
"Sige, pakipatong nalang diyan, tapos makikisara na rin muna ng pinto paglabas mo. Salamat."
"Sige po, Ma'am."
Tatakbo siyang lumabas at dali-daling sinarado ang pinto. Nang lumagapak ito, sumigaw siya ng "Sorry" na ikinatawa ng mga kasama niya sa labas. Nagbiruan pa sila tungkol sa staff na iyon.
Napangiti naman ako dahil at least, hindi pa sila nilalamon nang todo ng trabaho.
Ang department namin ay walang pinagkaiba sa ibang opisina ngayon. Pinagpepresent ako sa board ng proposal namin about the next issue.
Sa susunod na buwan, 10th year na ng Aster Mag. Nabasura nang ilang beses ang proposals nina Ma'am Rica habang nasa New York ako. Kailangan naming makapaglabas ng special issue next month para sa anniversary na ito.
So just imagine how stressed I am right now. Dadalawang araw ko palang ninanamnam ang bago kong posisyon, heto na agad ang mabigat na trabaho.
Ang laking pressure sa akin dahil ang 1st issue ko ng magazine namin bilang bagong EIC, ung anniv special pa. At hindi lang basta anniv ha. Pang10 years. I need to step up the game para mabigyan ng hustisya ang 1 dekada ng Aster Mag.
I started to browse our old issues lalo na ung mga nilabas bago pa ako magtrabaho rito. Nagkocompile ako ng highlights nila, tapos isasama ko dun sa mga ipapasa sa akin ng EB.
After some minutes, a good idea popped into my mind. Dali-dali akong pumunta sa pintuan ko at binuksan ito. Nabigla ang mga tao sa labas, at nagtinginan sila sa akin lahat.
