Chapter 20

8 0 0
                                    

"Sir Dave texted me. Pabalik na raw ung CEO sa office. Pinapaakyat na nila tayo."

Hans gave me a thumbs up.

Magkakasabay kaming pumasok dito sa office. May kaunting katamlayan pa rin simula palang nang nagsigising kami. Malamang ay kagaya ko rin silang iniisip pa rin kung may problema ba si Granny. Pero walang naglalakas loob na banggitin iyon para pag-usapan namin.

Lumabas na kaming dalawa sa office ko at sinundo si Gretch na nasa conference room kasama ang Fashion Team.

"Sis, we have to go."

Napatingin si Gretch sa amin bago nagpaalam sa mga kasama niya. Isinama ko na rin sina Mandy at Mark nang sumunod kami sa kambal na nasa hallway na.

Hans was holding the elevator door as they were waiting for us. We hurriedly walked towards them nang mapansin namin iyon.

I pressed the top floor button at binigyan ng reminders sina Mark.

"I hope you both know kung bakit kayong dalawa ang pinili ko para maghandle ng interview na to. I've read your profiles and learned that you both have a lot of experience working with big personalities before. Lalo ka na Mark dahil natrain ka ni Ma'am Rica."

Pareho silang tumango sa akin.

"But I'd like to remind you that you're going to work with the CEO of the Aster Group this time. You have to be extra careful with this one because he is still our big boss. Am I understood?"

"Yes, Ma'am."

"Don't worry kasi hands-on naman talaga ako magwork kaya I'll be there for you, guys, all the way."

Nang makarating kami sa floor kung nasaan ang offices ng mga directors ng Aster Group, dumiretso kami sa pinakadulo kung nasaan ang office ni Kyle.

Sinalubong ako ni Sir Greg na nakatayo sa may pintuan ng office. He kissed my cheek as I did his. Nakipagkamay siya kina Mark at Mandy, tsaka binati ang kambal.

"Hi. Nice seeing you again. Thanks for working with Aster."

Malapad na ngiti ang sinalubong ni Sir Greg sa kanilang dalawa. Natuwa naman ako nang batiin din siya ni Gretch. Pero nang makita ko kung paano bumati pabalik si Hans sa kanya, ramdam kong napilitan lang ang pinsan ko. Alam niya kasing magagalit na naman ako pag hindi niya ito pinansin.

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung bakit bwisit na bwisit si Hans sa kanya. Pero hindi ko nalang siya tinatanong ulit tungkol dun dahil paniguradong away na naman un para sa aming dalawa.

Sir Greg guided us inside. Sir Dave is already inside sitting in the sofa infront of the CEO's desk. Si Kyle naman ay nakaharap sa bintana at may kausap sa cellphone.

Tumayo si Sir Dave para batiin kami. Sir Greg did the introductions para kina Mandy, Mark, Gretch at Hans.

Ako naman ay pasimple lang na nangiti sa kanila dahil na kay Kyle ang atensyon ko.

This is it.

Paano ko kaya ihahandle ang sitwasyon na ito? Hindi pa rin kasi alam ng kambal na si Kyle ang CEO ng Aster na makakatrabaho namin sa anniv issue na ito.

Lumapit na sa amin si Kyle. Nabigla pa ako nang pagkaharap niya sa akin ay nakita niya agad akong nakatingin sa kanya. Napaiwas agad ako at humarap kay Sir Greg na kinausap ako.

"Naglunch ka na?"

Umiling ako bilang sagot bago siya nginitian. Nakarating na agad si Kyle sa tabi niya at bumati sa amin.

"Sorry for that. Hello, everyone."

Tumingin ako sa kambal para makita ang reaksyon nila. At hindi ako nagkamali sa paghihinalang magiging ganito sila.

ABTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon