Chapter 14

16 1 0
                                    

Pagdating ko sa bahay, nagulat ako nang makita ko ang pinsan kong kambal.

"Hi, dear cousin. Why are you late?"

Nilapitan ako ni Hans at nagbeso.

"I ate dinner outside."

Ako na ang lumapit kay Gretch para bumati sa kanya dahil nakaupo rin sa tabi niya si Granny. Sumunod naman sa akin si Hans.

"Hi, Gretch. Hi, Granny."

Nagbeso ako sa kanilang dalawa. Saktong pasok ni Sir Greg na nanggaling pa sa garahe. Umuna kasi ako sa kanya pagpasok.

"Good evening, Madam Beautiful."

Napangiti nang todo si Granny nang mapansin si Sir Greg.

"Gregorio! You're here! Haha."

Sinalubong na ni Granny ang lumalapit nang si Sir Greg. Hinawakan niya ang mukha nito at pinupog siya ng halik.

"I miss you, too, Doña Milagros. Ramdam na ramdam ko pong mahal na mahal niyo ako. Haha."

Natawa kaming dalawa ni Granny. Pero napalingon ako sa kambal nang kulbitin ako ni Gretch. Pareho sila ni Hans na nakataas ang kilay at masamang tinitingnan si Sir Greg.

Nagtataka siguro sila kung
sino ang lalaking dumating at bakit sobrang close nito kay Granny.

"Who's he, Sandy?"

Tinawag ko naman si Sir Greg para maipakilala sa kambal. Habang lumalapit siya sa amin, kumapit sa braso niya si Granny. Lalong tumalim ang tingin ni Hans kay Sir Greg.

"Guys, meet Sir Greg. We're working in the same company. Sa marketing department nga lang siya."

Ngumiti si Sir Greg sa kambal pero ung dalawa, hindi pa rin nagrereact.

"Sir Greg, these are my only cousins. Hans and Gretchen Dela Cueva. They're twins."

Inabot ni Sir Greg ang kamay niya paharap sa dalawa.

"Gregorio Lavadia. Just call me Greg. Pleased to meet you."

Tinitigan lang ito ni Hans. Tumingin naman ako kay Gretch na napatingin din sa akin.

'Come on, Gretch. Huwag mong ipahiya ang bisita ko.'

Nagets naman niya ang ibig kong sabihin sa tingin ko. Napabuntong-hininga siya bago kinamayan si Sir Greg.

"Gretchen. Nice to meet you."

Itinapat naman ni Sir Greg ang kanyang kamay paharap kay Hans. Nang di pa niya ito abutin, sinitsitan siya ni Granny. Wala na siyang nagawa kung hindi kamayan na rin siya.

"Hans."

Ngumiti si Sir Greg sa kanilang dalawa at pagkatapos ay humarap kay Granny.

"Anyway, hinatid ko lang po talaga si Sandy pagkatapos naming magdinner. Bumaba lang po ako ng sasakyan ko para batiin kayo. Baka sabihin niyo po, ang suplado ko na dahil di na ako nagpaparamdam. Haha."

"Hay nako! Magtatampo talaga ako sa'yo kung sa'yo kung di ka nagpakita sa akin. Haha."

"Sige po. Alis na po ako. Matrapik po eh. Good night, Doña Milagros."

Nagbeso sa kanya si Granny.

"O siya, hijo, mag-ingat ka ha."

Sa akin naman nagpaalam si Sir Greg.

"Good night, Sandy."

"Night, Sir Greg. Thanks for tonight. Ingat pagdrive ha. Huwag tanga."

Natawa naman silang dalawa ni Granny. Ung kambal, wala pa ring reaction.

ABTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon