"Sabi niya kanina, kakausapin ka niya. Tuwang-tuwa naman ako kasi akala ko mag-aayos na kayo. Tanginang un, pinaiyak ka na naman."
Hanggang ngayon ay pinapatahan ako ni RJ. Buti nalang at busy ang lahat kay Tiya Luz at sa pag-eedit kaya walang nakakapansin dito.
Ayoko rin munang isipin kung paano ko na naman ikukwento kay Hans ang nangyari. Baka magalit lang siya lalo kay Kyle.
"RJ, ba't ganun? Kahit anong paliwanag ko, hindi niya ako pinaniniwalaan?"
"Tsk. Tahan na. Huwag mo munang isipin si Kyle. Emotional lang un dahil ngayon niya lang ikinweto sa mga tao ang nangyari sa kanya."
"Paano kung hindi? Paano kung..."
Hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil bumigat ang pakiramdam ko. Para akong kakapusin sa hangin.
"Tahan na sabi. Papakinggan ka rin nun kapag ayos na siya, kaya ikaw, huminahon ka muna."
At that, sinubukan ko na talagang ayusin ang sarili ko. Tinulungan ako ni RJ na punasan ang mga luha ko. Pumunta rin siya sa may counter para kumuha ng tubig sa ref. Inabot niya sa akin ang bottled water para inumin.
Sandali pa ay kumalma na ako.
"Ma'am Sandy! Mag-o-overnight daw tayo sa beach sabi ni Tiya Luz!"
Napatingin kami ni RJ kina Mandy na excited na excited sa nalaman nila.
"Reward daw po ni Sir Kyle. Pero iyon daw ay kung papayag kayo."
All of them are looking at me expectantly, kaya ngumiti ako sa kanila.
"Our work here is almost done. Kaya na naman gawin sa Manila ung ibang pending natin, so... sige."
"Yes!"
Nagkasigawan pa sina Dom at Mark. Halatang excited na excited para mamayang gabi.
"Just make sure to wrap up here and finish everything in your list for today. Am I clear?"
"Yes, Ma'am!"
Mabilis na kumilos sina Mark. Tatlo na ang nakahilerang laptop sa may sala, mga nag-eedit ng pictures, maliban kay Mandy na naglilipat ng recording sa laptop niya. Sina Hans at Dom naman ay nagliligpit ng equipments.
Nagpasalamat ako kay RJ na dumalo sa akin. Nagpaalam naman siya na hahanapin muna si Kyle kaya umalis na ito. Bumalik ako sa laptop ko at tinuloy na rin ang trabaho ko.
Sobrang struggle ang magfocus dahil naaalala ko pa rin ang mga nangyari kanina. This project is the most stressful sa lahat ng natrabaho ko. I've been to New York pero hindi ako nahirapan nang ganito.
Mahirap pala talagang balansehin ang trabaho at personal na buhay. Dati, pinoproblema ko lang ang tungkol sa amin ni Kyle pagkakauwi galing opisina. Kapag wala akong kasama. Kapag tapos na lahat ng obligasyon ko sa mga tao.
Ngayon? Katrabaho ko mismo si Kyle. To make things worse, we're not on good terms. And our past keeps on haunting us because we still have no closure. Nabigyan nga ako nang chance kanina, for the first time, but it did not work as I hoped it would.
Hays. Sandy. Ano? Ganyan ka nalang ba, nakatanga?
"Cous, Gretta called."
Napatingin ako kay Hans na tumayo sa harap ko. At the mention of his twin sister, nanlaki ang mata ko.
Si Granny! How could I forget about her?! Hapon na, pero hindi man lang ako tumawag sa mga kasama niya para kamustahin siya.
"How's Granny?"
