Chapter 39

15 1 0
                                    

"Ah, ganun? Hmm. Sige. Mark, may gusto ka ba sa isa sa mga babae dito?"

Kung malakas na ang tawanan nung inaasar kaming dalawa ni Sir Greg, mas magulo na ngayon ang grupo. Napatayo na ang boys at pinagtututulak si Mark sa pwesto niya.

Nangunguna si Sir Greg sa pambubuyo sa kanya, maligayang nakakuha ng pagkakataon na makabawi sa lahat nang pang-aasar sa kanya buong gabi.

"Lagot ka, gago! Hahahaha."

"Pasimuno ka kasi kagabi sa Foodstrip eh! Hahaha."

"Binabawian ka na ni Ma'am! Hahaha."

Sumabat ako sa nga sinasabi nila.

"Oh, this is not my revenge yet, my dear EA."

Kinindatan ko pa si Mark pagkasabi ko noon. Hindi ko napigilang matawa nang mapalunok siya sa sinabi ko.

Siniko siya ni Mandy na katabi niya habang natatawang nagtanong.

"So? Meron nga ba?"

Mga ilang segundong tinitigan ni Mark si Mandy. Ang mga kasama namin ay nagsipagbalikan sa pwesto nila habang nagpipigil na tumawa. Pero nabigo sila at bumalik sa pang-aasar nang marinig ang sagot ni Mark.

"Meron."

Napainom nalang siya nang alak dahil sinimulan na naman siyang asarin. Pati si Mandy ay namumula ang mukha dahil pinagtitripan na rin siya nila Kate.

Natigil lang kami sa tawanan nang magtanong na si Mark.

"Sir RJ."

Tumingin si RJ sa kanya pero bago pa makapagtanong si Mark ay inunahan niya ito.

"RJ. Huwag niyo ako tawaging sir. RJ lang."

Tapos ay ngumiti siya sa aming lahat. Naghagikhikan sila Nica at parang kinikilig sa ginawang iyon ni RJ. Natatawa naman si Hans sa tabi niya.

Really, these two. Magkakasundo talaga sila. Parehong-pareho silang dalawa ni Hans at RJ. Alam nila na guwapo sila and they're making advantage of it every chance they get.

Nabalik ang atensyon ko nang magsalitang muli si Mark.

"RJ. Okay. RJ, matagal na kayong magkakilala ni Ma'am Sandy?"

Napatingin sa akin si RJ at parang nagtatanong sa akin kung sasagutin ba niya ung tanong. I just nodded at him cause I really don't mind.

He looked back at Mark and answered him.

"Yes."

Everyone was schocked, except for Hans and Kyle. Tumatango si Mark pagkarinig nang sagot na para bang nakumpirma na niya ang kanina pa niyang iniisip. Sa bagay, sila lang naman ang may alam sa nangyari kaninang umaga nang magalit ako kay RJ.

Hindi na napigilan ni Yana na magtanong din.

"Teka po. Di ba kaibigan niyo po si Sir Kyle?"

RJ answered her.

"Yes, I am Kyle's friend."

"So kailan po kayo nagkakilala ni Ma'am Sandy?"

Natatawa nalang si RJ nang humarap siya kay Nica.

"No explanations, di ba, Nica?"

Mukhang disappointed si Nica pero sumang-ayon nalang din kay RJ dahil siya ang nagpasimuno sa game na to.

Nakangiting iniikot ni RJ ang panginin niya sa aming lahat na para bang naghahanap ng susunod niyang tatanungin. Tumigil ito sa katabi niyang si Hans.

ABTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon