"Bakit hindi mo sinabi sa akin, RJ?"
He was taked aback by my question and guilt registered on his face.
"Ilang beses kong kinamusta sa'yo si Kyle, RJ. Hindi mo man lang binanggit sa akin?"
Ang tagal niyang natahimik pero nang sa wakas ay nagsalita na siya, ito lang ang nasabi niya sa akin.
"Sorry, Sandy."
"That's it? That's all you could say?! Akala ko ba magkaibigan tayo, RJ? Ang daya mo naman eh!"
Tumulo ulit ang mga luha ko sa sobrang frustration.
Kung nabanggit niya sa akin ang nangyari kay Kyle at sa magulang niya, sana natulungan ko ung tao. Sana nakiramay ako sa kanya. Sana nandun ako para samahan siya. Sana hindi niya kinailangan magmakaawa sa taong nanloko sa kanila. Sana nandun ako para kay Kyle.
"I am, Sandy. Pero kaibigan ko rin si Kyle. At mas nauna ko siyang nakilala kesa sa'yo."
"And so?! Ganun ba un? First come, first serve?! Cause that's bullshit!"
"Hindi naman sa ganun. Pero alam ko, sa mga panahong iyon, mas kailangan niya ang tulong ko. Kaya kahit gustong-gusto na kitang tulungan para makipagbati kay Kyle, kahit gusto ko nang ituro sa'yo kung nasaan siya at sabihin sa'yo kung paano siya makokontak... hindi ko magawa."
"Ang labo mo naman, RJ!"
"Sorry... sorry talaga... and about Tito and Tita... hindi ko alam na hanggang ngayon, wala ka pang ideya. Naisip ko kasi na malalaman mo pa rin naman ang tungkol sa mga nangyari nang hindi nanggagaling sa akin. Lalo na at kilala sa business industry ang lola mo."
"Well, guess what? Ngayon ko lang nalaman! After five long years, RJ... five long fucking years!"
Hindi ko napigilan ang sarili ko na mapasigaw kaya naman nakakuha talaga kami ng atensyon. Mabuti na lang, tanging si Mark at Kyle nalang ang naiwan dito sa sala. Lahat sila ay nasa labas at nagmimeryenda.
Pinunasan ko ang luha ko at kinuha ang mga gamit ko dito sa counter. Tumakbo ako paakyat ng hagdan.
Naririnig ko si RJ na tinatawag ang pangalan ko.
"Sandy. Sandy! Sandy, I'm sorry!"
Hindi na ako lumingon pa. Nagdire-diretso ako sa kwarto at nagkulong doon. Agad akong sumalampak sa kama at umiyak nang todo.
Ang daya naman. Sobrang daya ni RJ.
Naisip man lang ba niya na baka makatulong ako kay Kyle sa problema niya noon? Na baka nakatulong kung pati ako ay nakiramay sa kanya? Na aalalayan ko rin si Kyle mula sa pagkalugmok niya? Naisip niya ba un?
Saglit pa ay narinig ko ang sunod-sunod na pagkatok sa pinto ng kwarto namin.
"Sandy. Sandy, come on, open the door!"
It was Hans. Siguro nasabi na sa kanya ni Mark ang nangyari.
Tumayo ako at pinagbuksan siya ng pinto. Nang makita niya ang hitsura ko ay agad niya akong niyakap.
"Shh..."
"Hans..."
"Sandy... stop crying."
Pero imbes na tumahan ako ay lalo akong napaiyak.
"Tell me what's going on."
Kaya naman pumasok kaming muli sa kwarto at naupo sa kama. Doon ay ikinwento ko sa kanya ang lahat ng napag-usapan namin ni RJ.
"If I were in his shoes, I would've done the same thing."
Nag-init ang ulo ko sa narinig ko kay Hans. Akala ko ba pinsan ko to? Pati ba naman siya, ganun ang gagawin?