Chapter 6

18 2 4
                                    

Bumukas na ang pinto ng kwarto ko. Nakita namin si Kuya Reynaldo na tatawa-tawa sa amin.

"Mga batang ito. Haha. Ano na namang kalokohan ang ginawa niyo at ikinulong kayo dito ng lola niyo?"

Si Hans naman ay tumawa lang din at inakbayan si Kuya Reynaldo.

"Wala po, Kuya. Haha."

Lumabas na kami sa kwarto at bumaba. Nakita ko si Granny na inaayos ung maleta at backpack na naiwan ko pala sa sala.

"Granny, sasama kami ni Gretta kay Sandy sa Bahay Pangarap."

"Ah, ngayon na pala kayo pupunta?"

Dali-dali akong lumapit kay Granny para kuhanin dito ung maleta at backpack ko.

"Granny, akin na po iyan."

"Ay, hindi. Ipapalinis ko muna ito para maitago na. Reynaldo, pakibigay ng mga ito kay Lydia."

"Sige po, madam."

"Pagkatapos, pumunta ka kina Sally at kuhanin mo dun ung mga papeles na pipirmahan ko."

"Okay po."

Kinuha na ni Kuya Reynaldo ung gamit ko mula kay Granny. Hinabol ko naman siya at binulungan bago siya tuluyang makaalis.

"Kuya Reynaldo, pakisabi kay Ate Lydia, itago ung kahon na nasa loob ng backpack ko, at huwag na huwag bubuksan. Okay?"

"Eh bakit ayaw mo pang kuhanin dito?"

"Basta po."

"Sige na nga. Puntahan ko na si Lydia."

Umalis na si Kuya Reynaldo. Lumapit naman ako kina Hans at Gretch na kinakausap si Granny.

"Napagkasunduan na po namin kahapon bago pa kami umuwi dito sa bahay niyo na sasama kami sa kanya sa foundation."

"Yes, Granny. Para nga pong gusto na rin naming maging sponsor ng Bahay Pangarap eh. Di ba, Hans?"

Tumango naman si Hans bilang sagot. Doon na ako sumingit sa usapan.

"Talaga?! Nako! Matutuwa panigurado si Ma'am Rabillo dahil diyan. Lalo na ang mga bata."

Napangiti naman si Granny.

"Ang bait-bait talaga ng mga apo ko. Lalo kayong dadagsain ng blessings dahil diyan."

"Oo nga pala, Granny. May mga string bags pa po ba diyan? Ung katulad nung mga ginamit natin dati dun sa medical mission?"

"Nako, Sandy. Naubos na un eh. Pero may ibang mga bag diyan sa bodega. May tatak din ng Mayapa Farms un."

"Talaga po ba? Marami pa po un?"

"Oo, hija. Bakit ka ba naghahanap? Saan mo gagamitin?"

"Paglalagyan ko po ng mga pasalubong ko para sa mga bata dun sa foundation. Ayokong sa supot lang ilagay eh."

"Sakto! Pambata ang mga iyon, hija. Ipapakuha ko nalang kina Paeng sa bodega. May mga school supplies pang laman un eh, ibigay mo na rin sa kanila."

Humarap si Granny kay Hans.

"Hans, puntahan mo sina Paeng at Domeng. Sabihin mo dalhin dito ung mga bag dito. Ilan ba ang mga bata dun, Sandy?"

"Ang huli ko pong tanda ay 36. Pero para po sa 50 na bata ung pasalubong ko. Nagpalabis po ako kasi may mga dumagdag pa raw dun na mga bata."

"Siya, sige, Hans. Singkwenta raw na mga bag. Tumulong ka na rin dun."

Tumango si Hans sa kanya at umalis. Hinigit ko naman si Gretch at isinama sa akin para humingi ng tulong kina Nadia at Ate Diday.

ABTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon