"Then make up your fucking mind!"
Suddenly, Kyle was lying on the ground, holding his cheek that just got punched. However, Hans was away from him, katabi ni Chris. Jeff was stunned, looking at RJ.
"Matagal ko na dapat ginawa to eh."
RJ said this just loud enough for all of us to hear. Pinapagpag niya ang kamay na ipinangsuntok niya nang humarap siya kay Kyle.
Parang natauhan bigla si Jeff nang umupo siya sa tabi ni Kyle na ngayon ay pinanlilisikan ng mata si RJ. He looked confused, betrayed and angry all at the same time.
"Sir, ayos ka lang?"
Pero si RJ ang sunod na nagsalita.
"Jeff, Chris, iwan niyo muna kami."
Lumingon sa amin si RJ.
"Mandy, Greg, pasensya na. Pumasok muna kayo."
Napatingin silang apat sa akin, na parang nagtataka. Nababasa ko sa nga mukha nila ang pag-aalala na iwan kami rito.
Ako sa sarili ko ay hindi rin sigurado kung bakit sinabi ni RJ un. Pero tumango ako sa kanila, kaya naman nagsipasok na rin sila. Pero ramdam ko ang pag-aalinlangan nila, lalo na nila Mandy at Sir Greg nang tumayo sila at umalis sa tabi ko.
Di ko rin alam kung ayos lang ba talagang maiwan kami dito nila RJ, Hans at Kyle kung kailan lasing kaming lahat, and tensyado sa nangyaring sigawan kanina.
Ewan.
Di ko na alam.
Naguguluhan na rin ako.
Akala ko kakayanin ko. Akala ko magiging handa ako sa kung anumang magiging reaksiyon niya. Akala ko kakayanin kong tanggapin kung mapatawad man niya ako o hindi.
Kasi nagkamali ako eh. Ako naman talaga ang may kasalanan kung bakit kami nandito.
Alam ko naman na di niya ako gusto. Ako lang ang may gusto sa kanya. Alam ko na iba ang tipo niya, pero umasa ako sa kanya dahil lang niyaya niya ako maging date sa prom. Alam ko naman ang pinasok ko nang pumayag ako sa kanya noon. Hindi naman siya obligadong magustuhan din ako.
When I got pulled out of my fantasy, I was so selfish and bitter that I acted immaturely. I snapped at him every chance that I got. I already love him then, but then... did I really love him?
He was there during my darkest days, and still stayed by my side despite treating him indifferently for years just because of a single night in high school. And yet, I had the nerve to blame him for everything when he did everything he could to return us to how we were used to be.
Was that really love? Hurting the person you care for? Realizing how shitty you became just when he lets go?
Bumalik ang atensyon ko sa mga lalaking nasa harap ko nang marinig kong sabihan ni RJ si Hans na daluhan ako. My cousin then looked at me, and got even more pissed seeing me slumped on the floor. Medyo kalmado na ako, pero di pa rin tumitigil ang mga luha sa mga mata ko. Naglakad siya papunta sa akin, at bago makalapit ay kumuha ng isang upuan na nadaanan niya.
Inalalayan niya ako para makaupo.
"How many times do I have to pick you up from the floor because of that asshole?"
Mahinang sinabi sa akin iyon ni Hans nang tumayo siya nang maayos sa harap ko. Ngunit nahagip pa rin ito ng tenga ni Kyle. Napalingon ako sa kanya nang mabilis siyang tumayo at akmang susugurin muli si Hans.
Ngunit napigilan siya ni RJ nang itulak niya ito palayo.
"Tama na kasi sabi! Ano ka ba, Kyle?!"
