Nagbigayan ng mga award para sa mga nanalo sa laro at maya-maya'y pinamigay na namin ang mga bag na dala namin para sa mga bata.
Doon bumalik si Kyle na nakatshirt na, walking shorts at sneakers. Ganitong-ganito siya manamit kapag wash day namin sa QU nung college pa kami. So some things never change, huh?
Tumulong siya sa mga staff na namimigay naman ng pagkain na siya pala ang may dala. Sandali pa'y lumapit ito sa akin at inabutan din ako ng box ng pagkain.
"Here."
"Thanks."
Tumalikod agad ito sa akin at lumapit sa mga batang nakain sa may unahan ng hall.
Bigla namang may sumiko sa akin.
"Hey."
Lumingon ako para tingnan kung sino iyon. And I saw Gretch beside me.
"Gretch."
"I'm sorry about what happened. Dumulas ung kamay ko at naout of balance. Napabitaw si Hans sa lubid para saluhin ako."
So that's what happened.
"Sorry, Sandy, kasi nagtaob kayong dalawa dahil sa nangyari."
"It's fine. Nangyayari naman talaga un sa tug of war."
Nginitian ko pa ang pinsan ko para ipaalam sa kanya na okay lang talaga ako.
Bigla namang nagsigawan ang mga tao dun sa may unahan kaya napalingon kami ni Gretch.
"What the fuck's wrong with you?!"
"Teka lang, baka ikaw ang may problema?!"
Nagkatinginan kaming dalawa dahil kahit hindi namin alam pareho kung anong nangyayari, one thing's clear. Boses nina Hans at Kyle un.
Tumakbo kami ni Gretch palapit sa kumpol ng tao.
"Teka lang. Kumalma nga kayo. Tama na. Tinatakot niyo ung mga bata."
Umiiyak na ang mga bata at hindi mapakali ung mga staff kung papatahanin ba nila ung mga batang un or tutulong sila kina Luke at Ma'am Rabillo sa pag-awat kina Hans at Kyle.
"Hans!"
Lumapit si Gretch sa kakambal niya at inawat ito. Pilit pa ring pumapagitna si Luke para paghiwalayin ang dalawa.
Nilapitan ko naman si Kyle at hinawakan siya sa braso niya.
"Kyle. Tama na."
He looked at me, his brows furrowed. Again, I convinced him.
"Kyle. Let go. Please."
Marahas na binitawan ni Kyle ang kwelyo ni Hans, at tumalikod. Mabigat ang sunod-sunod na paghinga niya. Halatang-halata ang galit sa kanya.
Nag-ayos naman ng damit si Hans na pinapakalma ni Gretch.
Napalingon ang lahat kay Ma'am Rabillo nang magsalita ito at kausapin sina Hans at Kyle.
"Both of you, come with me."
Humarap naman si Ma'am sa akin.
"Sandy, kayo rin ni Gretchen. Pumunta kayong apat sa opisina ko. Now."
Dirediretsong lumabas si Ma'am Rabillo sa function hall. Nilapitan naman kami ni Luke.
"Sandy, mabuti pa, sumunod na kayo agad kay Tita. Ako na ang bahala dito."
Nagsimula nang maglakad palabas si Kyle. Ang kambal naman ay nag-usap pa.
"That guy's so unbelievable."