Nagpasya akong pumunta na sa kusina at kumuha ng tubig para pakalmahin ang sarili.
Sandy, get yourself together. Marami ka pang gagawin.
Galing ako sa study, nadaanan ko sila sa sala na nagsisimula na sa interview. Saglit akong napatingin kay Kyle na napangiti dahil sa kumento ni Mark, na agad rin namang nawala nang mapatingin siya sa akin.
Nagulat ako at nahiya nang mahuli niya akong nakatingin sa kanya. Agad akong tumalikod at nagmadali sa paglalakad.
Sobrang bilis na naman ng tibok ng puso ko. Bakit ba lagi nalang akong ninenerbyos pagdating kay Kyle?
Agad kong nilapag ang laptop ko sa may bar counter na nasa pagitan lamang ng dining at sala. Kumuha ako saglit nang tubig sa may ref at umupo na rin kalaunan sa harap ng laptop ko. Nakadistansya ako sa kanila pero sapat lang para malapitan o makausap nila sakaling kailanganin nila ako.
Nakaharap ako sa kanila at pasulyap-sulyap sa kanilang lahat habang ginagawa ko ung report ko.
Ganadong-ganado si Dom sa pagtatrabaho. Pabalik-balik siya kay Hans at kay Yana na nagpipicture pareho sa mga nag-iinterview pero sa magkaibang anggulo. Nag-aassist siya sa kanila, tapos nabalik din sa nakaset-up nilang lamesa ni Kate kung saan sila nag-eedit ng pics.
Binalikan ko na ang paggagawa ng report ko habang nakikinig sa kanila.
"Hahaha. Huwag kayong magpapaniwala sa kaibigan ko ha. Wala lang magawa sa buhay yan kaya gawa nang gawa ng kwento."
Napatingin ako ulit sa kanila dahil sa narinig kay Kyle.
Oo nga pala. May bisita nga pala siyang dumating. Sino kaya iyon at nasaan na siya?
"Hindi bagay sa'yo ang nakaupo lang at nagtatype lang sa laptop niya. Mas gusto ko pa ung Sandy na hindi maawat maglaro ng volleyball."
Nasagot ang tanong ko nang lumingon ako sa nagsalita sa likod ko. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat nang makilala ko kung sino siya.
"RJ?!"
Natawa siya sa reaksyon ko at agad na tinakluban ang bibig ko dahil medyo napalakas ang pagkakasabi ko noon.
Napatingin ako sa sala sa pag-aalalang nagambala ko sina Mark. Buti nalang at mukha namang walang nakapansin sa nangyari.
Binalik ko ang atensyon ko kay RJ na humahagikhik sa kapipigil ng tawa niya.
"Ang OA mo pa rin, Sandy. Hahaha."
Tinanggal na niya ang kamay niya mula sa pagkakatakip nito sa bibig ko.
"Oh my God, RJ! Ang tagal nating hindi nagkita! Anong ginagawa mo dito?"
Bumungisngis lang siya sa akin.
"Teka... ikaw ba ung bisita na sinasabi ni Kyle? Ung kaibigan niyang darating?"
Tatawa-tawa siyang sumagot.
"The one and only!"
Sa lakas ng pagkakasabi niya noon ay naglingunan silang lahat sa amin.
Ang epic. Oo. Kung OA ako, mas OA siya. Siya ang pinakamaingay sa lahat ng kabarkada ni Kyle na naging kaibigan ko rin.
"Shut the hell up, RJ."
Ang sama ng tingin ni Kyle kay RJ nang sabihin niya ito sa kanya. Ito namang katabi ko ay nakabungisngis pa rin na nagpeace sign sa kanya.
Napangiti nalang sina Mark at Mandy, pagkatapos ay itinuloy ang interview.
"Ikaw kasi eh."
Napataas ang kilay ko sa sinabi ni RJ.
