Chapter 34

18 1 0
                                    

The shoot started. Pero dahil marami akong kailangang tapusin ay hindi na ako nanood sa kanila.

Nandito na kasi ako sa mismong dining area. Humiwalay na talaga ako nang tuluyan sa kanila para makapagfocus ako.

Maya-maya ay may tumabi sa akin.

"Now you've heard my story."

Napatingin ako sa nagsalita at ikinagulat ko na si Kyle pala iyon.

"Do you still want me back?"

Nang mga sandaling iyon, parang tumigil ang mundo ko. Grabe, akala ko kalokohan lang ang mga sinasabi nila sa mga libro at mga palabas. Pero nangyayari pala talaga.

Ung tipong lahat sa paligid niyo, hindi gumagalaw. Parang nalipat kayo sa ibang mundo kasi oras niyo lang ang hindi tumigil. Ang kaso lang, malala, nakaslowmo kayo.

Oo, slowmo. Dahil kitang-kita ko kung paano nagsilay ng ngiti ang seryoso niyang mukha. Isang mapang-asar na ngiti.

Kasabay nito ang pagbilis at paglakas ng tibok ng puso ko. Sa sobrang lakas nito, wala na akong narinig kung hindi iyon. Nakakahiya. Baka naririnig rin ni Kyle.

"Are you just gonna stare at me, Alice?"

Mas lumapad ang ngiti niya. That smirk made my heart quiver more. Bakit ka ba ganyan, Kyle? Damn you and your handsome looks.

"Hahaha. I like that. You're blushing again, Alice."

Napalunok ako at sandaling huminga ng malalim para pakalmahin ang sarili.

"Sorry. What did you just say?"

At that, Kyle laughed, just loud enough for the two of us to hear. Wala pa ring nakakapansin sa amin dahil busy sila kay Tiya Luz na nakulit din yata nilang interviewhin.

"Nakakawindang ba ang kagwapuhan ko para hindi mo makuha ung sinabi ko? Hahaha. I don't think you're deaf, Ms. Mayapa. Stop pretending to be one."

Tumikhim ako at umayos ng upo. Nag-init lalo ang mukha ko sa hiya. Pero pinilit ko pa ring magsalita.

"Mr. Natanauan. Please, spare me from all this. I have no time for jokes right now."

Sinubukan kong magtype ulit sa laptop ko. Pero hindi ako makafocus dahil nakatitig pa rin sa akin si Kyle.

"You call me Mr. Natanauan now? Hahaha. You never fail to amuse me, Alice. Pasaya nang pasaya ang project na 'to ah."

Ngumiti na naman siya nang nakakaloko. At tsaka tatawa-tawang tumingin sa mga kasamahan naming nasa sala.

Litong-lito na ako sa mga nangyayari nitong mga huling araw. Hindi ko na maintindihan. Ano ba talagang pinapahiwatig ni Kyle?

Before we came here, I'm starting to lose hope that we'll be friends again. That we're nothing more than a boss and an employee now.

And yes, I might be thankful that he's not aloof anymore, pero hindi ko pa rin maintindihan kung bakit biglang bumait ito sa akin ngayon.

Ayoko sanang umasa pero pinangunahan na ako ng puso ko. Umaasa itong unti-unti na akong pinapatawad ni Kyle. Na dapat gumawa na ako ng paraan para magkaayos na talaga kami.

Ngunit kinakabahan ako. Baka panaginip lang ang lahat. Baka panandalian lang ito. At pagbalik namin ulit ng Maynila, mabubura nalang ang lahat.

Wala na ulit kaming kwento.

Wala na namang Alice at Kyle.

"Actually..."

Masayang-masaya siyang lumingon sa akin nang magsalita ako.

ABTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon