"Sasalubungin natin ang kinabukasan,
Nang walang takot at walang pangamba
Tadhanang merong tip na makapangyarihan
Kung ayaw, may dahilan.
Kung gusto'y palaging merong paraan."Nasa may dagat na kami at nagkakatuwaan na sa kantahan at kwentuhan habang nakapaikot sa isang bonfire. Pagkakain namin ng hapunan kanina ay nagsipaghanda na ang lahat para magpunta dito sa beach.
Katabi ko sa kanan ko si Sir Greg na kinakausap ni Hans sa tabi niya. Kasunod ni Hans sila Mark at Mandy na maligayang nakikipagkantahan sa katabing sila Yana, Kate, Nica at sa naggigitarang si Dom.
Nagdala sila Yana ng mga snacks, na kanina pa naming kinakain. Si Chris at Jeff naman ay kasama ni Kyle at RJ na umalis para bumili ng alak.
Kami ni Tiya Luz ay may sariling usapan sa gilid habang nagkakatuwaan sila. Kinukwentuhan ko siya tungkol sa mga nangyari sa akin pagkagraduate namin ng college. Sinabi ko sa kanya lahat hanggang sa makabalik ako galing New York.
Habang nagkakasiyahan kami ay narinig naming tumunog ang cellphone ni Kate.
"Oh, Dom. Asan na kayo?"
Tumigil muna sila Mark sa pagkanta samantalang kami nila Tiya Luz at sila Hans ay hininaan ang boses habang patuloy ang kwentuhan.
"Ay, paubos na. Kinakain na namin. Hahaha. Bili nalang kayo ulit, kayo na bahala. Tas patak-patak nalang sa magagastos niyo. Sige, sige, ingat kayo!"
Pagkatapos ng tawag na iyon ay nagsimula na uling tumugtog si Dom sa gitara ng bagong kanta.
"May isang umaga
Na tayo'y magsasama..."Pagkakanta niya nito'y nagsigawan ang mga katabi namin kaya naman natigil talaga ang kwentuhan namin ni Tiya Luz. Napansin kong huminto rin sila Sir Greg at Hans sa kwentuhan nila at napangiti na rin dahil sa mga kasama namin.
"Haya at halina sa alapaap."
Sa sobrang tuwa nila Yana ay napakanta na rin sila.
"O, anong sarap, haa..."
Ginawa pang drums ni Mark ung lata ng Pringles na dala namin, at tumutugtog na kasabay ni Dom. Nakakahawa sila. Maya-maya, lahat kami ay kumakanta na. Tuwang-tuwa namang nanonood si Tiya Luz sa amin at napapapapalakpak kasabay ng kantahan.
"Masdan mo ang aking mata
Di mo ba nakikita
Ako ngayo'y lumilipad at nasa langit na
Gusto mo bang sumama?"Sobrang nostalgic ng kantang ito. Wala yatang tao sa generation namin ang hindi nakakaalam sa kantang ito. Kahit saang gig, makakarinig ka ng kanta ng Eraserheads.
"Hindi mo na kailangan ang magtago't mahiya
Hindi mo na kailangan humanap ng iba
Kalimutan lang muna
Ang lahat ng problema
Huminga ka ng malalim at tayo'y lalarga na
Handa na bang gumala?"Nagulat kami na sa susunod ay may nakikikanta na sa amin na bagong dating. Ayun pala ay sila RJ na un na may hawak na mga supot galing convenience store. Kasunod niya sila Chris at Jeff na may buhat na cooler. Tsaka si Kyle na nangingiting nanonood sa katuwaan namin.
"Ang daming bawal sa mundo..."
Habang kinakanta ang part na to, tumigil ang mga babae at hinayaang ang mga lalaki ang kumanta. Nagulat ako saglit ngunit naliwanagan nang kumanta sila as second voice.
Nakakatuwang panoorin ang team ko. Bago ako magtraining, sobrang tensed at nakakapressure ang environment sa office. Pero naalala kong may naging batch kami ng trainees na sobrang kukulit. Kaso dahil sa busy na sched ay hindi ko na sila masyadong nabigyan ng pansin. Maaaring sila na iyon.