Di ko napigilang umiyak. Hindi dahil sa sakit ng pagkakabagsak ko dito sa sahig, pero dahil sa sakit ng katotohanang naisampal sa akin ngayon.
"Sandy...?"
Napalingon ako sa pinsan ko, at patakbo siyang lumapit sa akin nang makitang umiiyak ako.
"Oh my gosh, cous. Anong nangyari sa'yo? Bakit ka umiiyak?"
"Gretch, si Kyle..."
Napakunot naman ng noo si Gretch.
"Si Kyle... wala na akong kwenta sa buhay niya."
Niyakap na ako ni Gretch at pinatatahan.
"Tsk. Ayan ka na naman eh. Tumigil ka nga diyan. Bakit ka ba nakasalampak dito sa sahig? Ang dungis-dungis mo oh."
Di ko siya sinagot bagkos ay umiyak pa nang todo. Iniharap naman ako ni Gretch sa kanya at pinasadahan ako ng tingin. Inis na inis sa akin si Gretch nang mapansing malaki ang galos sa braso ko.
"Stupid Sandy! Inuna mo pa ang pag-iisip kay Kyle kaysa dito sa sugat mo! Ano ba kasing nangyari?!"
Umiling lang ako nang marahas sa kanya habang pinagpatuloy ang pag-iyak.
"Sandy! Ano ba, tumigil ka nga diyan! Can you stand?"
Hinigit ako ni Gretch at sinubukang patayuin pero kumirot ang kaliwang paa ko.
"Tsk. Sandali nga. Tatawagin ko si Hans. Aalis na tayo!"
Tumakbo si Gretch papasok sa loob. Pagkatapos nang ilang minuto, kasama na niya si Hans na patakbo akong nilapitan. Bitbit ni Gretch ang mga gamit namin habang kinakausap sina Ma'am Rabillo at Luke na sumunod sa kanila papalabas.
Kinausap ako ni Hans.
"Ano bang nangyari? Nasaan si Kyle, ha? Bakit hindi ka makatayo? Tsaka bakit ka may sugat?"
Hindi ko masagot ang mga tanong niya dahil medyo nahihirapan akong huminga kakaiyak.
"Damn, Sandy. Calm yourself!"
Niyakap ako ni Hans at hinagod ang likod ko habang pinapatahan ako. Nang medyo bumuti na ang pakiramdam ko at tumigil na rin sa pag-iyak, tsaka ako kumalas sa pagkakayakap kay Hans.
Sakto namang lumapit si Gretch sa amin."Baka raw nasprain yang paa mo, sabi ni Ma'am Rabillo. We better get it checked sa hospital. Let's go, Hans."
Ayoko nang pumunta pa kami sa ospital, pero hindi na ako makakontra pa dahil wala na akong lakas para dun. Binuhat ako ni Hans at isinakay sa pick-up. Pagkatapos ay isinara niya ang pinto at sumakay na rin sa driver's seat.
Hinarap ni Gretch si Hans.
"Sabi ni Luke, may malapit na ospital dun sa may crossing na dinaanan natin kanina."
"Okay."
Pinatakbo na ni Hans ang sasakyan at tinungo ang ospital. Pagdating namin dun, nilapitan kami ng guard na nakapwesto sa pinto ng Emergency.
"Boss, ano pong nangyari?"
"Hindi po maituon ng pinsan ko ung paa niya. Baka po nasprain. Tsaka may malaki po siyang sugat sa braso."
"Ah, ganun ba? Sige po, boss. Papasok lang po ako sa loob at ihahanap kayo ng nurse na pwedeng umasikaso sa inyo. Medyo marami pong isinugod dito kanina kaya po toxic sa ER."
"Sige, Sir, salamat."
Itinabi naman ni Hans ang sasakyan namin para hindi kami nakaharang sa may tapat ng ER.
Matapos ang ilang minuto, bumalik si Manong Guard at may kasamang lalaking nurse na may itinutulak na wheel chair. Bumaba sa sasakyan si Hans at binuksan ang pinto ko. Binuhat niya ako at isinakay sa wheel chair.
