Chapter 3

16 2 0
                                    

"Good morning, Granny!"

"It really is a good morning dahil nandito na kayong tatlo."

Nginitian ko si Granny bago lumapit sa kanya at yakapin.

"Oh, did you sleep well? No jetlags?"

"Hindi ako nausuhan nun, Granny. Haha. Sina Gretch po?"

"Nako, tulog mantika pa rin pala ung pinsan mong un. Di pa rin nagising! Samantalang ung kakambal niya, nagwoworkout na sa gym."

"Haha. Ako na po bahalang gumising kay Gretch. Kumain na po ba si Hans?"

"Hindi pa. Sasabayan daw kayo eh."

"Oh sige po, Granny. Tawagin ko na po sila para makapagbreakfast na kami."

"Mabuti pa nga. Ah, Lydia!"

Nagsimula na akong maglakad palabas ng dining nang lumapit si Ate Lydia kay Granny.

"Bakit po?"

"Pakihain na nga dito nung mga hinanda nating pagkain para sa mga apo ko."

"Sige po."

Umakyat na ako papunta sa kwarto ni Gretch. Pagdating ko sa tapat ng kwarto ay kinatok ko na siya. Pero hindi siya sumagot.

Tulog mantika nga talaga.

Sinubukan kong buksan ang pinto at dun ko nalaman na di pala ito nakalock. Pinasok ko na ang pinsan ko para gisingin siya.

"Gretch."

Nagtaklob siya ng kumot.

Aba. Nananadya ah.

Umupo ako sa gilid ng kama niya.

"Gretch. Gising na."

Pumihit siya patalikod sa akin habang nakatalukbong pa rin ng kumot.

"Gretchen! Bumangon ka na kasi kakain na tayo ng breakfast."

At di pa rin siya sumasagot.

"Bahala ka nga diyan."

Tumayo na ako at naglakad palabas ng kwarto. Ang hirap namang gisingin nung isang un. Tsk. Mapuntahan na nga lang si Hans.

Bumaba na ulit ako at tinungo ung gym sa bahay ni Granny. Nakita ko sa loob si Hans na natakbo sa threadmill.

"Yo, handsome Hans."

Inabot naman niya ang kamay niya para makipag-apir.

"Good morning, beautiful."

"Tara nang kumain. Ipinaghahain na tayo nina Ate Lydia."

"Si Gretta?"

"Nako, ayaw bumangon. Ginising ko na eh."

"Tsk. Kahit kailan talaga. Sandali."

Tinigil na ni Hans ang threadmill tsaka kinuha ung towel at nagpunas ng pawis. Hinablot niya ang mineral water at dire-diretsong lumabas.

Nagtataka naman akong sumunod sa kanya. Pagkalabas ko sa gym, nakita ko siyang umaakyat ng hagdan. Napatakbo naman ako para habulin siya.

Pumunta siya sa kwarto ni Gretch at pumasok doon.

"Gretta, tumayo ka na diyan."

Di kumikibo si Gretch. Hinigit naman ni Hans ang kumot na nakatalukbong sa kanya.

"Bumangon ka na sabi. Kakain na tayo."

Di pa rin kumikilos si Gretch.

"Gretta, I'm going to count to 3, and if you're still lying there when I reached 3, I swear you're going to regret it."

ABTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon