"So we were thinking, Ma'am Sandy, na mas magfocus sa food kesa sa travel for this issue. We'll save time and lessen the cost without sacrificing the quality of the article."
Pumalakpak si Dom sa sinabi ni Nica.
"Eh paano ung mga pinabook niyo na reservations? Wala bang bayad un?"
Tumayo naman si Chris at tumikhim bago sagutin ung tanong ko.
"Don't worry, Ma'am. Nagawan na ng paraan ng kagwapuhan ko un."
Imbis na suportahan ay nauna pang tumawa si Jeff sa aming lahat.
"Ulol! Hahaha. Kung magmakaawa ka nga dun sa kausap mo sa telepono, parang do or die na. Tapos sasabihin mong kagwapuhan mo ang dahilan? Hanep! Hahaha."
Nadala sa pagtawa niya ang lahat, lalo na sina Dom at Mark na kinantiyawan na si Chris.
"Gago! Porket nakahalik ka lang kay Nica, nambubully ka na. Yan tayo eh!"
Lalong nagkantiyawan dito sa study room ni Kyle. Maging sina Hans at ang mga girls ay nakipagkulitan na rin. Tanging sigaw lang ni Nica ang nakapagpatigil sa kanila.
"Sinabi nang tantanan niyo ako eh! Huwag niyo nga akong idamay diyan sa asaran niyo!"
Nagsiupo nang maayos sina Chris at Jeff. Nakita ko ring natakot ang mga kasama ko pati na si Hans.
Tumikhim ako para makuha ang atensiyon nila.
"Mamaya na natin pag-usapan yang halikan na yan."
May mga naghagikhikan pero agad na tumigil nang samaan sila ng tingin ni Nica. Malungkot naman siyang humarap sa akin.
"Ma'am Sandy..."
I smiled at Nica and winked at her.
"So you were saying?"
She sighed and continued explaining her proposal.
"Ayun nga po. Para po hindi naman kami maging bias sa Foodstrip over the other similar establishments dito sa Batangas, gusto po muna naming i-drop ung idea na magfeature nang galaan dito sa Batangas. Anyway, common na naman ung ganun. But with food, ayos lang, kasi di naman nakakasawa na magbasa tungkol sa pagkain."
Jeff seconded her.
"Oo nga, Ma'am. Tsaka sabi nga ni Nica, mas makakatipid at mapapabilis tayo pag ganun. Anyway, part na rin naman ng food searching dito ung pagtravel kaya okay lang na huwag muna tayong magpakita ng mga lugar na sikat dito."
I could hear the others whispering 'yiee' pero hindi naglakas-loob sabihin iyon nang malakas. Di ko naman ikakaila na napangiti rin ako. Hindi ko alam kung bakit pero kinikilig din ako kay Nica at Jeff.
Siguro kaya lang nagagalit si Nica ay inaasar siya ni Jeff tungkol kay Jimboy. Baka boyfriend niya un kaya ganun.
"So what's the plan, cous?"
Napalingon ako kay Hans nang kausapin niya ako.
"Mas kakayanin kong gabayan ang team na 'to kung susundin natin ung proposal ng Food and Travel. I'd have to go with them in Gretta's stead if we'll stick to the original plan."
Nagkumento sa gilid ni Hans so Chris.
"Sayang naman talaga, nakauwi na si Ma'am Gretchen. Excited pa naman akong magbeach kasama niya."
Sinamaan siya agad ng tingin ni Hans.
"May emergency nga kasi siya. Pero kahit hindi naman siya umuwi, you won't go anywhere near her sa beach cause I won't let you. Magkamatayan na."