Chapter 37

39 1 0
                                    

Hindi pa rin tapos ang kantiyawan ng grupo pero lumayo na ako sa kanila at lumangoy sa ibang parte ng dagat. Narinig ko si Hans na tinawag ako para bumalik sa may bonfire, pero hinayaan na ako nang hindi ako sumagot.

Swimming here now, I've thought about the last time I visited a beach. I realized that after graduating, I haven't had a proper vacation.

Ginagamit ko naman ung vacation leave ko kapag holidays when Granny and I visit Hans and Gretch in LA. Pero parang hindi ako kasing carefree like I feel now. I was always worried about the work that I had to leave, and anxious if I would have enough time to finish them on time after I return to the Philippines.

Pero in some way, nagiguilty ako na ang carefree ako ngayon. Not only am I in charge of Aster Mag now, we're working on this big project featuring Kyle. I have yet to check their outputs today; hindi pa rin ako nakakatawag sa office to check on them simula nang pumunta kami dito.

Tapos nasa hospital pa si Granny.

I sighed and did some backstrokes. Tumigil lang ako nang mapansin kong may naglangoy papalapit sa akin. I was floating on my back, staring at the bright moon above us.

"Never thought that the clumsy Sandy is a good swimmer."

Napangiti ako sa sinabi ni Sir Greg, pero hindi ko pa nililingon.

"Ni hindi nga ako makapagfloat nang ganyan. Nakakalangoy ako, pero sumisisid ako."

Hindi ko napigilang matawa nang sinagot ko siya.

"Is this your way of complimenting me?"

"Hahaha. Maybe?"

Binaba ko ang paa ko para makatayo na at maharap siya, pero nang lumubog na ako at hindi pa rin naaabot ang sahig ng dagat ay napaahon akong muli.

"Shit! Ang lalim na pala dito!"

Natawa lalo si Sir Greg sa nangyari.

"See what I mean? Hahaha. Kanina ka pa dito pero hindi mo napapansin?"

"Nagpapaagos lang ako."

"Kaya nga pinuntahan na kita. Madala ka pa sa malayo, ang dilim pa naman."

"Teka, lapit muna tayo sa pampang, sumasakit paa ko!"

Agad na nanlaki ang mata ni Sir Greg at nilapitan ako.

"Kapit ka sa akin, akayin kita!"

Medyo nagpapanic ako dahil sinusubukan ko pa ring balansehin ung sarili ko habang magkacramps ung kanan kong paa.

Nakuha naman agad ni Sir Greg ang nangyayari kaya siya na mismo ang kumuha ng kaliwang kamay ko at pinaakbay sa kanya. Hinawakan niya ang bewang ko para maalalayan ako paayos.

Nagmamadali siyang naglakad pabalik sa pampang. Hindi ko napigilan ang sarili kong magsalita sa paghanga.

"Ang tangkad mo pala talaga?! Ni hindi ko maabot ung sahig, tas naglalakad ka lang!"

Napangisi si Sir Greg sa sinabi ko.

"Iba ka talaga. Nagawa mo pang magbiro."

I wasn't able to answer to that because I was already exhaling loudly through my mouth as I breathe. Nakabalik na kami sa pampang, at sinusubukan kong i-distract ang sarili ko habang maingat akong tinutulungan ni Sir Greg na makaupo sa buhangin.

I instictively reached out to my right leg. Hindi ko na napigilang magmura dahil sa sakit.

"Excuse me."

Napalingon ako kay Sir Greg at napakunot ang noo ko nang makita siya lunuhod sa harap ko.

"Huwag kang magalit ka. Tulungan lang kita."

ABTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon