Chapter 23

13 1 0
                                    

"May meds ka ba diyan?"

"Anong gamot po ba kailangan niyo?"

"Paracetamol? Or kahit sa sakit ng ulo lang."

"Nako, wala po eh."

"Eh white flower?"

"Wala rin po, Ma'am. Pang-ubo, sipon at diarrhea lang ang meron ako. Pasensya na."

I sighed. Kahit kay Mark, wala akong nahingi.

We finally arrived at Batangas. After more or less 3 hours of drive from Manila ay narating namin ang rest house ni Kyle dito. And it's just 7am tapos mainit na agad.

"Hey, you okay?"

Gretch stood next to me.

"Ang sakit ng ulo ko, Gretch."

"Why? Ayos ka naman nung umalis tayo kina Granny ah."

"Lack of sleep siguro."

"Hindi ka ba natulog sa biyahe?"

I glared at her. What kind of question was that?

"Paano ako makakatulog kung ako ung nasa passenger seat?"

"Eh ano naman?"

"Baliw ka talaga! I had to stay awake to keep Hans from getting sleepy. I can't have him lose his focus while driving."

"Sus, ayos lang un kay Hans. Sanay naman un."

"Ikaw, grabe ka. Whether it's okay or not with Hans, wala akong pake. I had to keep us safe, Ms. Sleepyhead."

Gretch made a face at me. Siya talaga ang dahilan kung bakit hindi kami nakasabay sa bus. Ayaw niya pang bumangon kahit inis na inis na si Hans. Nalate tuloy kami.

Buti nalang, they're kind enough to wait for us at SLEX. Simula dun hanggang dito sa Batangas ay nakasunod lang kami sa bus. Sila lang naman may alam ng daan papunta dito kasi nakasakay din sa bus si Kyle.

Yes. To my surprise, Kyle preferred riding the bus with everyone else than bringing his own car. Magkakasama sana kami sa loob ng bus if it weren't for Gretch.

But I guess okay na rin to. Ang awkward pa rin kasi namin ni Kyle.

"Alam mo, Gretch, tama na 'to. Tulungan mo nalang akong manghingi ng meds. Ang sakit na kasi sobra ng ulo ko."

"Okay."

We parted. Nakapasok na nang tuluyan ang mga lalaki sa loob pagkatapos magbuhat ng mga gamit namin. Nanghihingi pa rin kami ng gamot kaso wala talagang may dala eh. Puro pang diarrhea at motion sickness ung meds na meron sila.

Nilapitan na ako ni Hans.

"Cous, ayos ka lang? Bakit ipinanghihingi ka ni Gretch ng gamot?"

"Masakit kasi ulo ko."

"Bakit?"

"Lack of sleep. Tapos ang lamig pa sa biyahe kanina. The headache became worse pagkarating natin dito kasi super init naman."

"You want me to buy meds for you?"

"No, okay lang. Hanap nalang ako ng mabibilhan later pag lumabas na tayo."

Hans nodded.

Biglang lumabas si Kyle mula sa isang pintuan sa dulo.

"Pasensya na kayo ha. Padating palang kasi ung caretaker galing palengke kaya hindi pa nalilinis nang ayos ung rest house."

Nagkabiruan naman ang mga lalaking kasama namin.

"Sir, hindi pa po ba linis tong lagay na to? Eh basurahan na pala ung unit ko eh. Hahaha."

ABTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon