"Guys, I'd like you to meet our official photographers, Hans and Gretchen Mayapa."
Nakipagkamay ang kambal sa mga katrabaho kong pinapakilala rin ang kanilang mga sarili.
Nandito kami ngayon sa Aster para pag-usapan ang timeline/sched namin for this week. Kailangan naming matapos lahat ng articles ngayong linggo dahil editing and printing na dapat next week.
Kaya lahat ng photoshoots and travels, ngayong linggo rin nakasched.
Hans and Gretch will take majority of the pics for our anniv issue.
Mabilis kami dati dahil sa dami ng team ni Janine pero dahil dadalawa ang kambal, we are expecting to work overtime para kayanin ang isang buong linggo lang.
Tapos ang sariling photography team ng Aster na naghahandle ng dirty works sa set, tsaka natulong sa Art team ng pag-eedit ng pics, sobrang bawas dahil nagkabulutong nga ung iba.
But despite all that, I have high hopes na matatapos kami on time, basta walang mangyayaring extraordinary para makapagpadelay sa amin. Kasi ibang lebel naman ang pagiging professional ng mga pinsan ko. They are used to these kind of situations.
Matututo rin ang buong photography team ng Aster Mag sa kanila kaya alam kong tama ang desisyon kong kuhanin sila para sa anniv special.
"So we'll be here tomorrow for the CEO's interview, tapos pupunta tayong Batangas the next day para puntahan ung Rest House nila?"
Si Mark ang sumagot sa tanong.
"Yes, Sir Hans. The food courts to be featured in Food and Travel are in Batangas as well."
Tumango-tango naman siya. Kinausap naman ako ni Gretch.
"So how long are we going to be there, cous?"
"Isa pa yan sa concerns ko. The CEO could spare just a day for the photoshoot. Napakiusapan lang siya na isingit ang interview bukas about work. We'll finish the 2nd part of the interview in Batangas but that might consume the whole morning. Can you get a lot of various shots in just half a day? On different locations?"
Hans shrugged his shoulders. I don't know if it means he's not sure that they can do it in a day, or that was an of-course-we-can-handle-anything kind of shrug.
Mark raised his hands and spoke when I acknowledged him.
"Ma'am Sandy. I received a call from Sir Greg earlier."
Napansin kong tumaas ang kilay ni Hans pero nang sipatin ko siya ay umubo ito at inayos ang sarili na parang walang nangyari.
"Hindi raw po niya kayo matawagan kaya pinasabi nalang niya sa akin na pwede raw po tayong magextend to 3 days and 2 nights sa Batangas."
"What? Why?"
"Hindi raw po kasi talaga kayang bakantehin kahit isang araw sa sched ng CEO. But they managed to keep 1-2 meetings a day at max for Wednesday to Friday. He just requested all of them to be held at his rest house in Batangas, so the interview and the photoshoot could still be done on those days."
Nagpakastress pa ako tapos papayag din naman pala si Kyle na lumagpas ng isang araw ung interview at photoshoot.
Nagsalita si Hans.
"Kaya naman namin tapusin nang isang araw un. Kahit pa may meeting siya. Pero ang problema natin, paano ung food courts na ififeature kung kailangan na nating bumalik sa Manila para sa fashion show ni Jake sa Thursday?"
Nagulat ang mga staff ko dito dahil sa pormal na tawag ni Hans kay Jake Salazar na isang sikat na Fashion Designer.
The twins are friends with him back in US dahil nagtraining pa dati si Jake sa isang fashion designer na nakatrabaho nina Gretch doon.
