Chapter 28

14 1 0
                                    

"Kasabay nang pagbuklat ng mga pahina ay ang pag-alala sa nakalipas. Bawat guhit na naisulat ay siyang naging bakas. Isang asul na kwaderno ang naging saksi sa lahat ng mga nakapagpabagong pangyayari."

Sa pagsisimula kong iyon, unti-unting tumatahimik ang mga tao. Kahit ang mga kasamahan kong inaasar-asar pa kanina si Mark ay tahimik na rin.

"Isang diary, na dati'y hindi ko nasusulatan... ngayon ay puno ng kwento nang nakaraan. Laman ba nito'y ibig niyong malaman?"

The silence is a little worrisome. I like doing things like this, but it's a first to  do it in front of a huge audience.

I'm not sure if they'd like my style, kaya medyo kinakabahan ako. Buti nalang talaga, nakashot na ako ng ilang baso.

Work a little more, alcohol. I need tons of courage right now.

I felt relieved that some from the audience responded when I said the last line.

"Oo!"

I smiled, tapos itinuloy na ang piyesa.

"Ika-una...

"Pinalipat ako ng bahay para raw hindi na malumbay. Ngunit mahirap makisabay sa takbo ng buhay.

"Nagkaroon naman ako ng kaibigan ngunit hindi agad napag-alaman na ito'y makakagaanan at magiging matalik na kaibigan.

"Sa panahon nang pangangapa at pag-iingat na hindi madapa, lumbay ko'y humupa dahil siya'y laging kasa-kasama."

While I was standing there, I roam my eyes around to see the audience's reaction. I started to calm down when I realized that I got everyone's attention. That they're really interested in hearing my story.

"Ikalawa...

"Bawat pagkikita ay nakakasabik. Walang panahong hindi humagikhik sa bawat lakad at gimik dahil sa mga banat niyang walastik.

"Bigla ko nalang nalaman na nagbago na ang nararamdaman. Puso't isip, siya ang nilalaman sa bawat araw na nagdaan.

"Kinailangan niya ang aking tulong para sa kahihiyan ay di siya makulong. Nang dahil lang sa payong, nasagot ko ang kanyang tanong.

"Wala na akong ibang naiwika nang kulitin niya akong samahan siya kung hindi 'Oo na. Sige na. Tutulungan na kita.'

"Hindi ko naman ikakaila na sumaya ako nang bahagya na sa lahat ng babae ay ako pa ang pinili niyang makasama.

"Ngunit panandaliang saya'y may kapalit. Nakaramdam ng sakit. Walang karapatan subalit ako'y sadyang nagalit."

I looked at our table. Nakatakip ang mga kamay ni Gretch sa kanyang bibig. Hindi ko alam kung kinakabahan ba siya o sadya lang siyang nagulat sa akin.

Hans is so serious. Alam ko ung mukhang iyon. Malalim ang kanyang iniisip.

Si Sir Greg ay nakakunot ang noo sa di ko alam na dahilan.

Ang iba naming kasamahan, mga nakangiti naman. I can even see Kate, holding her cam, just pointing at me. Is she recording this?

Pero sa lahat talaga ng nakaupo sa mesa namin, it's Kyle that really caught my attention.

I know for a fact that he has already guessed, I'm telling our story to the public. That's very evident because he has this serious look on his face that I've only seen when he's close to losing his patience.

But that did not stop me. Not now when I've already mustered up the courage to tell him my side of the story. Well, indirectly, at least.

So ignoring everyone's reactions, I went on and spoke once more.

ABTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon