"Pasalamat ka at good mood si boss. San ka ba galing?"
Naglalakad kami ni Sir Greg sa Marketing Department. At pinapagalitan niya ako kasi nalate ako.
"Nagpameeting ako sa staff ko para sa anniv issue."
"Oh."
Nagkamot siya ng ulo.
"Sorry, Sandy."
I smiled at him.
"Okay lang. It's my fault anyway."
Tumahimik na siya hanggang sa makarating kami sa may pintuan ng VP Marketing.
Sir Greg knocked on the door, and when we were acknowledged, pumasok na kami.
Dirediretso si Sir Greg palapit sa boss niya. Ako naman ay nakasunod lang sa kanya.
"Good evening, Sir Lee. I'm with Miss Alessandra Bridgette Mayapa, the new EIC of Aster Mag."
Tumayo siya at umikot mula sa likod ng kanyang lamesa para lapitan kami ni Sir Greg.
Tumabi naman si Sir Greg sa akin, at inilagay ang kanyang kanang kamay sa likod ko para alalayan ako palapit sa boss niya.
"Sandy, this is Mr. David Lee, the VP Marketing of Aster Group."
I held out my hand to him.
"Pleased to meet you, Sir. I'm Alessadra. Just call me Sandy."
Inabot naman niya ito at ipinakilala ang sarili.
"I'm Dave. It's nice to meet you, Sandy."
Tumawa nang malakas si Sir Greg kaya napatingin kami ni Sir Dave sa kanya.
"Haha. Sir Lee! Mga galawan niyo ha. Haha."
Tumawa rin si Sir Dave.
"Shut up, Greg. Haha."
Napangiti nalang ako sa kanila para hindi naman mahalata na wala akong naiintindihan sa sinasabi nila.
"Bakit nga ba pag mga babae eh Dave na kaagad ang pakilala niyo sa sarili niyo? Haha. Tapos kami, Sir Lee pa rin ang tawag namin. Kayo, Sir, ha! Haha."
"Pinipigilan ko ba kayong tawagin akong Sir Dave? Luko ka talaga. Haha. Sige na! Leave us alone. May kailangan kaming pag-usapan."
Natatawang naglakad palabas si Sir Greg sa opisina. Pero bago pa niya maisara ang pinto, tinawag niya pa ako.
"Sandy! Ingat ka diyan ha? Baka lamunin ka niyan. Haha."
Dali-dali niyang isinara ang pinto dahil hinagisan siya ng tissue box ni Sir Dave.
Tumikhim si Sir Dave kaya bumalik ang atensyon ko sa kanya.
"Pasensya ka na dun ha. Puro kalokohan kasi ung si Greg."
"Don't worry, Sir. Sanay na po ko sa kanya."
Tsaka hindi ko rin naman po talaga naintindihan ung mga pinag-usapan niyo. Kaya okay lang talaga.
"Please, have a seat."
Umupo ako sa upuan sa harap ng desk niya habang naglalakad naman siya pabalik sa swivel chair niya.
"By the way, your surname sounds familiar. Mayapa, right? Tama ba ang pagkakarinig ko?"
"Yes, Sir. Perhaps you've heard about Mayapa Farms?"
Sandali siya napaisip habang umuupo siya. Bigla namang lumiwanag ang mukha niya pagkatapos ng ilang segundo.
"Oh, right! Do you know Doña Milagros Mayapa?"
