Chapter 29

17 1 2
                                    

Hppy birthday to my friend who's very supportive of my stories. I miss you a lot! May all your wishes come true. Love you ❤️

----------------

Para akong naestatwa dahil sa narinig ko. Hans was looking at me; Gretch was on the verge of crying.

Bigla akong nakaramdam ng pagsuka kaya naman napaduwal ako. Mabilis na nakareact si Hans at nilapitan kaagad ako.

"Damn, Sandy! See? I told you to stop drinking! Tsk. Huwag ka dito magkalat!"

Hinila niya ako papunta sa may garbage bin na malapit lang sa kinatatayuan namin.

Lalong umikot ang tiyan ko nang maamoy ang basurahan, kaya naman nasuka na ako nang tuluyan.

Hinawakan ni Hans ang buhok ko pataas, para hindi ko ito masukahan. Gretch was brushing my back, and then handed me tissue after I was done.

When I felt better, I faced the twins.

"Wait... anong nangyari kay Granny?"

Tiningnan lang ako ng dalawa. Walang nagsasalita sa kanila.

"Guys, ano ba?!"

Tumungo si Hans. Umiwas din ng tingin si Gretch.

"Oh, wait. Joke lang yan no?"

Nagkatinginan silang dalawa. Nang harapin ulit nila ako, sinagot na ni Gretch ang tanong ko.

"Bigla nalang daw bumagsak ni Granny sa may kitchen habang naghahayin sila ni Ate Lydia."

Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanila, looking for any signs that they were just really saying a bad joke. Pero mas lalo lang silang sumeryoso.

"Tapos... tapos..."

Napatakip na ako ng bibig dahil sa panginginig ng boses ni Gretch. Kahit si Hans ay mahinang nagmura nang tumulo ang luha niya.

"Tapos sina Kuya Paeng... sinugod nila si Granny sa... sa ospital."

Nanlambot ako bigla at napahagulgol. If it weren't for Hans who caught me, I might be on the ground now.

"No..."

I looked at Hans, who's holding me right now.

"Hans... Hans, si Granny... no!"

Niyakap niya ako pati ang umiiyak ring si Gretch na lumapit na sa amin.

"Shh..."

I felt my hair getting wet. That's when I realized that Hans was crying as well. Ilang minuto rin kaming nanatiling ganun. Buti nalang ay walang tao dito sa parking lot.

Kumawala na ako sa pagkakayakap ko sa kambal at sinubukang pakalmahin ang sarili.

In between my sobs, I asked the both of them.

"Kamusta na raw si Granny?"

Hans answered my question while brushing his sister's back.

"Hindi pa rin siya nagising, but the doctor said she's fine. Natutulog nalang daw si Granny ngayon."

"But why did she faint?"

"We don't know yet. The doctor is still waiting for the results of the tests."

Bigla akong nahimasmasan dahil sa mga nangyayari. Parang hindi ako nalasing kanina.

I started pacing back and forth in front of the twins as I was trying to sort things out.

"Teka lang. Paano niyo nga pala nalaman ang nangyari?"

Kumalas si Gretch mula sa pagkakayakap niya kay Hans at hinarap ako. Pinunasan niya ang mga luha niya bago ako sinagot.

ABTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon