"Ms. Mayapa."
Napamulat ako dahil sa paggising sa aking iyon. Naningkit nga lang ang mata ko nang makita kong sobrang liwanag dito.
"Ms. Mayapa."
Napatingin ako sa gumising sa akin, at laking gulat ko nang mapagtantong si Kyle pala un.
Napamura ako nang mahina sa sarili ko.
"Shit!"
Nakakahiya!
Awtomatikong tinungo ng kanang kamay ko ang mga pisngi ko, at nagpunas doon kahit wala namang basang dapat na punasan.
Umupo ako at nailibot ang mga mata ko sa paligid. Nasa kwarto pala ako.
"Good. You're awake now."
Tumingin ako kay Kyle. Hindi ako makaimik nang kahit ano lalo na at naalala ko ung ginawa ko kagabi.
"Good morning, Alice."
Naramdaman kong lumakas at bumilis ang tibok ng puso ko.
Tinawag niya ulit akong Alice. Binati niya pa ako nang isang magandang umaga na may kasamang isang napakatamis na ngiti na ang sarap makita sa araw-araw.
Nang mapansin kong naghihintay pala siya ng sagot, binati ko na rin siya.
"Good morning, Sir Kyle."
I smiled at him as well, and then stood up to start fixing the bed.
"Mandy and the boys are already having their breakfast."
"Oh. Sorry, hindi ako nagising agad. Ginising mo pa tuloy ako."
"Oh, no, it's okay! Tulog pa rin naman sa kabilang room sina Nica."
Pinatong ko sa kama ang natiklop kong kumot, tsaka dinampot ang kumot ni Gretch para tupiin. Kyle was just there standing, pinapanood ako.
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kaya nanatili nalang akong tahimik kahit na nagiging awkward na.
Sa huli, si Kyle pa rin ang nagsalitang muli.
"Sorry kung inistorbo ko ung tulog mo. Di nga muna sana kita gigisingin kaya lang..."
Napatingin ako sa kanya habang itinutuloy niya ung sinasabi niya.
"...I have something to discuss with you and Greg."
"Ah. Is it something urgent? Cause I'll just fix this later if it is."
"No, take your time. I'll just wait for you downstairs. Let's talk over breakfast. Sabay-sabay na tayo nina Greg. Kagigising lang din niya eh."
Tumango ako sa kanya at binilisan nang mag-ayos ng kama.
"Okay, then. I'll be there in 5."
"Okay."
Lumabas na si Kyle sa kwarto at sinara ang pinto. Agad naman akong umupo sa kama at hinawakan ang didbdib ko na mas lumakas ang kabog.
Good job, Sandy. You managed to keep a normal conversation with Kyle.
Huminga ako nang malalim at pumikit nang sandali habang pinapakalma ko ang sarili ko. Matapos ang ilang sandali ay tumayo na akong muli at tinapos na ang pag-aayos ng kama.
I checked my phone for any messages or e-mails. Napatingin ako sa oras at nagulat akong 5:57 am palang.
Nakain na sila nang ganito kaaga? Nagsitulog pa kaya sila?
Ang aga nilang gumising, samantalang kagabi, halos hatinggabi na, wala pa sila. Naghintay ako sa kanila sa sala...
Wait.
