"Eto, Sandy. Para sa'yo."
Binigay sa akin ni Sandy ung box na hawak niya.
"Hala siya. May pasalubong din para sa akin. Haha."
"Regalo yan talaga. Not really pasalubong."
Binuksan ko ung kahon at kinuha mula rito ang laman. Nung napagtanto ko kung ano ito, dali-dali kong ibinalik ito sa kahon. Alam kong pinamulahan ako ng mukha dahil ang init sa pakiramdam.
"What the hell?!"
Tawa naman nang tawa ang kambal sa akin. Mukhang may alam din tungkol dito sa Hans. Napatingin naman si Granny sa amin.
"Ay. Sandy. Watch your words, please."
"Sorry, Granny."
"Ano ba yan, ha?"
Marahas akong napailing at itinago ung kahon sa likod ko para di na ito pagtuunan ng pansin ni Granny.
"A-ah, wala po! Wala po ito!"
Lalo naman akong tinawanan nina Gretch. Nagkibit-balikat naman si Granny at patuloy na binuklat ung issue ng magazine na binigay ko sa kaniya.
Hays. Buti nalang.
"Hans. Gretch. Explain yourselves, please."
Itinaas ko ung kahon at inilalapit sa mukha nilang dalawa.
"Haha. Cous, stop it. Matatamaan na kami sa mukha."
"Anong stop?! Gretch naman! Nakakainis ka eh. Sa lahat ng pwede mong ibigay?!"
"Bagay naman sa'yo ah. Haha."
"Hans! Agrh. Ang baboy niyong dalawa!"
Padabog kong nilagay ung kahon sa backpack ko. Baka may makakita pang iba, nakakahiya.
Binigyan ako ng kambal ng lingerie. Ung super body hugging type.
"Uy. Joke lang. Haha. I love you, cous."
"Tigilan mo ako, Gretch."
Nilapitan naman ako nung kakambal niya.
"Uy, Sandy. Sorry na. Haha. Namiss ka lang namin."
"Isa ka pa, Hans! Lingerie? Seriously?! Ang manyak niyo sobra!"
"Haha. Ito naman. Joke nga lang! Parang di tumira to sa US. Di ka pa ba sanay makakita ng ganyan?"
"That's not the issue here, Hans! Argh. Tigilan niyo muna ako, please."
Nagkatinginan silang dalawa. Sinubukang lumapit ni Gretch sa akin.
"Sandy. We're sorry. We didn't mean to offend you."
"I said, tigilan niyo muna ako."
Napatigil si Gretch sa paglapit sa akin. Nakasurrender stance naman si Hans sabay lakad palayo.
I sighed. Alam kong lagi nila akong binibiro na bibigyan ng lingerie para makaakit ng manliligaw. Pero di ko inakalang aabot sa puntong binilhan na talaga nila ako. As if I'm going to wear just this around and say, "Hey, I'm hot and sexy. Be my lover!"
Alam kong gusto lang nila akong magkalovelife at dinadaan lang nila ako sa biro para i-convince akong magpaligaw. But this is too much.
Pumunta ako sa kusina at saktong naabutan ko si Kuya Paeng. Tinawag ko siya at isinama sa kwarto ko para ipabuhat sa kanya pababa ung isa ko pang bag.
"Eto, Kuya Paeng. Pakisabi po kay Ate Diday, siya na bahala sa mga damit ko. Gusot-gusot na kasi basta ko nalang pinaglalalagay diyan nung nag-iimpake ako. Kung may mapansin man po siyang kailangang labhan o tahian, siya na rin po ang bahala."
