Chapter Five

145K 3.4K 426
                                    

ASSHOLE.

That is the best way to describe Spencer. Bukod sa hindi niya ako pinatulog ng gabing 'yon dahil sa sobrang baho niyang utot, ang lakas niya pang mantrip sa akin! Napakalakas ng kan'yang pagpapasoundtrip, at kung kailan naman ako sa wakas nagkaroon ng pagkakataon matulog, kung anu-ano ang idinrawing niya sa mukha ko gamit ang permanent marker, at tawa ng tawa ang loko kinabukasan.

I can't believe I slept in that same room as him. Wait, scratch that. I can't believe he slept in my room!

"So all set na ba ang lahat?" Ani Ate Inah "wala na tayong problema ha? This weekend, okay?"

I was taken aback nang marinig ko ang pangalan ko. Tinitigan ko si Ate Inah at tumango. Hindi ko napansin na kanina pa pala ako wala sa sarili ko habang nagmemeeting ang Entablado group members. Kasalukuyan naming pinagpaplanuhan ang traditional welcoming party namin para sa mga baguhang members, at para sa taong ito, isang beach party ang napag-usapan.

Inayos ko ang bag ko at tumayo nang magsipag-tayuan na ang lahat.

I decided to help them sa pagaayos ng kwarto kung saan ginanap ang meeting kanina. Pupulutin ko pa lang sana ang mga papel nang bigang magvibrate ang phone sa bulsa ko. Mabilis ko itong kinuha. Kumunot ang noo ko nang makitang isang unregistered number ang tumatawag.

"Hello?"

"I've been waiting for hours." Si Spencer. I scanned the room for any signs of him at sa kaunting space ng bukas na pinto ay nakita ko ang pagkaway niya sa akin, sabay ngisi. Mabilis niya ring binalik ang kamay sa kan'yang bulsa.

Kumunot ang noo ko sa kan'ya. Shit. "Ano'ng ginagawa mo dito?"

"Pupunta tayo sa Dean's Office, remember? Kung hindi ka ba naman kasi sumigaw non-"

"wow! Kasalanan ko pa pala?" Umirap ako at tumalikod sa kan'ya. "Pumunta ka mag-isa mo, busy ako."

"Magpapapilit pa? Feeling mo talaga ganda ganda mo 'no?" May halong pagkairita ang kan'yang boses.

"Tss. Sinabi ko bang pilitin mo 'ko? Umalis ka na." I immediately hung up. Nagsimula akong magpulot ng mga basura pero natigilan din ako nang maramdaman ang kakaibang kilabot dala ng presensya ng kung sino sa likod ko.

"Babe," Aniya sa malambing na tono. Tumaas ang mga balahibo sa batok ko. Hinarap ko siya at nakita ko ang mapanganib na ngisi sa kan'yang labi.

"I'm sorry, babe." Ngumuso siya at hinawakan ang siko ko, pero mabilis ko iyon hinawi. Napatitig ako kay Ate Inah na nakatingin ng diretso sa akin. Kahit siya ay napatigil sa kan'yang ginagawa. She crossed her arms against her chest and raised a brow at me. Kung may natutunan man ako sa kan'ya, iyon ay ang makuha ka sa tingin.

Binalik ko ang tingin ko kay Spencer. "Shit, anong ginagawa mo?" Pinandilatan ko siya ng mga mata pero kumindat lang siya sa akin. Mapapagalitan ako ni Ate Inah dito! She hates public display of affecti-I mean, public display of kunwaring affection. Or worse, baka may makakita sa amin na fangirl niya and I'm doomed!

"Do you want me to kneel down, babe? Anything, tanggapin mo lang ang sorry ko." Halos nagmamakaawa na ang boses niya, at kung hindi ko lang siya kilala, malamang naniwala ako. But hell, this is Melvin Spencer Feledrico, and he can do anything he wishes to do! Dapat hindi siya dncer eh, dapat nag-artista na lang siya.

"Umalis ka na dito, mapapagalitan ako." Nagmamakaawa kong sambit. I can feel their stare, iyong mga officers ng Entablado.

"Hindi ako aalis dito hangga't hindi mo ako kinakausap," he lowered himself down and readied himself to kneel down. He winked at me. Napasapo ako sa noo ko at mabilis siyang hinigit palayo sa room na iyon. Hiyang hiya ako sa mga organization officers na hindi ko magawang salubungin ang titig nila. I was formulating the curses I will say to him on my head pero mukhang anytime ay magbuburst out na ako sa sobrang galit.

For His EntertainmentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon