Napasimangot ako sa nakita sa billboard. Talagang sabay dapat kami nina Spencer sa photoshoot?
"Next week na pala," Tugon ni Theo sa tabi ko. It didn't help at all. As much as possible, gusto kong iwasan si Spencer. Pero paano ko 'yun magagawa kung ganito palagi?
The inevitable came, and now I'm looking at myself in the mirror. I'm wearing a heavy eye make-up and nude lipstick. Malaki rin ang bilog na dangling earrings ko sa magkabilang tenga. And now, inaayos ng hair stylist slash make-up artist ang buhok ko na nakahawi sa isang side, making it look like an undercut at makakapal na curls ang ginagawa sa gilid emphasizing the color. Mukha akong kasali sa music video ng Bad Blood ni T. Swift dahil sa itsura ko.
"Kinakabahan ka ba?" Tanong ng baklang make-up artist sa akin habang kinukulot ang buhok ko.
"Hindi naman." Ngumisi ako sa kan'ya.
Nang matapos ay pinatayo niya ako para titigan ang sarili ko. Nakasuot ako ng cropped top na plain white, hanggang ilalim lang ng dibdib ang natatakpan nito, exposing my tiny waist. Isang leather leggings naman ang pambaba at dahil hapit ito sa akin ay nakikita ang kalakihan ng aking balakang.
A pair of combat boots matched my outfit.
Maya maya pa'y tinawag na kami para sa mismong shoot. I shrugged all the worries away. Nahagip ng mga mata ko si Spencer na kausap si Chelssy, who was also styled the same as me. Theo immediately approached me, at ngayon ko lang napansin ang hubog ng katawan niya. I know he was fit, but I didn't pay much attention dahil lagi naman siyang nakauniform tuwing nagkikita kami. Nakasuot din siya ng puting fitted sando, leather jacket matching my leather leggings and a black ripped jeans. His and Spencer's get up were almost the same, Spencer is just carrying it arrogantly.
Hindi ako sanay makita si Theo na ganito. Sure, we had a lot of roles for our Entablado but he's always the good guy. Ngayon ay naka-gel ang kanyang buhok at may suot din siyang eyeliner, it was subtle, but it gave emphasis on his eyes.
"You look gorgeous," Ngumisi siya sa akin. Tumingin naman si Spencer nang marinig si Theo.
"Thank you. You look good yourself." I said dahil totoo naman.
"Everyone, this is Mr. Jeric Verga. He is our official photographer for this project." Pagpapakilala ni Ate Inah nang matapos ang pagseset up nila. "Sir, this is Theo, Ally, Chelssy, and Spencer. Sila yung highlight so as much as possible, gusto sana namin na nasa kanila yung exposure."
Tinitigan ko ang lalaking tinukoy ni Ate Inah bilang Mr. Jeric. Maayos ang kan'yang itsura, wearing only a plain polo shirt and jeans. Base sa kan'yang itsura, he looks young, maybe on his late 20's. Maaliwalas ang kan'yang mukha as if he's not capable of getting angry, siguro ay dahil na rin sa mukha niyang parang nakangiti kahit hindi naman talaga.
"Susundin niyo ang gusto niya, okay?" Tugon ni Ate Inah. "He knows what to do."
Ngumiti sa amin si Mr. Jeric. "Masyadong pormal. You can call me Jeric." Inilahad niya ang kamay niya sa akin na agad kong tinanggap. He also shook their hands.
"Shall we start?"
Shit! I'm doing an actual photoshoot, and damn, ito na ang simula! I excitedly nodded at agad akong tumayo sa gitna ng studio. Sumunod sila sa akin. Ang ibang crew ay pumunta na sa likod ng kani-kanilang sariling equipment. Tinutok sa akin ang dalawang ilaw sa magkabilang gilid.
Pumunta si Jeric sa likod ng camera at tripod. Nilingon niya ang screen nito then stared at us. "Alam niyo naman ang theme ng shoot di ba? We are trying to portray romance, equality, and empowerment. and in order to do that, you must find a connection."
BINABASA MO ANG
For His Entertainment
Fiksi UmumMelvin Spencer Feledrico is the worst. He plays it well because he likes to play it dirty. Aleandra Margarette Estero knows this very well. She grew up with Spencer dahil kaibigan siya ng kuya nito, and ever since, she had always been in love with h...