Chapter Eleven

107K 3.4K 417
                                    

"Good morning, my princess." Theodore's voice on the other line hinted na bagong gising lang din siya. "Happy birthday."

Ngumiti ako. "Thank you."

"I'll see you later?"

Tumango ako kahit na hindi niya naman ako nakikita. "Okay."

"I miss you already."

Kinagat ko ang labi ko. I still can't say it back to him kahit na ilang buwan na siyang nanliligaw sa akin. He kept on reminding me that he's not on a rush, na maghihintay siya hanggang sa masabi ko na rin ang mga katagang iyan sa kan'ya. Hindi niya ako pinepressure, pero ako ang nagpepressure sa sarili ko. I want myself to at least like him back.

Later that day, pumasok ako sa school. Naging maayos naman lahat, normal routine. Sa katunayan, hindi ko pa alam ang plano ko sa birthday ko. Ang alam ko uuwi si mommy at daddy pero hanggang ngayon hindi pa rin naman nila ako kino-contact.

N'ong vacant period ko ay tumambay ako sa kiosk ng organization namin. Dito madalas ginaganap iyong mga meeting at minsan ay tambayan lang ng mga orgmates kong walang magawa, tulad ko ngayon. Tinext ko sina Kimberly na makipagkita sa akin ngayon kaya't hinihintay ko sila rito. Si Theodore ay mamayang alas singko pa ang klase kaya sigurado wala pa 'yon dito sa school.

"Huy, Ally!" Napatalon ako sa biglang pagkalabit sa akin ni Irene. Ngumiti ako sa kanila. Magkakasama na naman itong tatlong 'to, si Kimberly, Irene, at Lyka. Sa likod nila ay naroon si Chelssy na nakangiti sa akin ng malaki. Nginitian ko rin siya pabalik.

"Happy birthday!" Halakhak ni Lyka saka umupo sa tabi ko. "20 ka na! Yuck! Tanda mo na."

Shocks. Hindi na ako teenager! Nakaramdam ako ng pangingilabot and at the same time thrill. Napangisi na lang ako. Pakiramdam ko ang tanda ko na nga.

Umupo na rin iyong tatlo pang babae. "Naks naman, Ally," Si Irene. "Parang kailan lang dumedede ka pa sa nanay mo. Ngayon ikaw naman magpapadede kay Theo."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. "Gago ka. Anong dede sinasabi mo?"

"Ano ba naman 'yan, Ally." Umiling si Kimberly kahit na nakikihalakhak rin. "20 ka na pero virgin ka pa rin. Hindi na 'yan uso, jusko naman. Alam mo, itong mundong ginagalawan natin, it's starting to be cruel. Ang mga lalaki ngayon, sasabihin n'yan lahat para makuha ka sa kama. Sasabihin n'yang mahal ka n'ya, papakasalan ka n'ya, bullshit! Di 'yan totoo. Gusto niya lang makascore sa'yo. Kaya dapat matuto ka makipaglaro para hindi ka natatalo."

"And by pakikipaglaro, you mean kailangan ko isuko ang bataan ko ganon?" I raised a brow at them.

"Hindi naman, ang sinasabi lang namin bebegirl, dapat alam mo kung paano babaliktarin ang set-up." Tango ni Irene.

"Uy, tanga. 'Wag mo nga ginagaya si Baby Ally sa inyo." Hinampas ni Lyka ang dalawa sa braso ng mahina.

"What? Sinasabi lang namin ang totoo, lalo na 20 na siya pero wala pa ring alam. You need to grow up, Ally." Ngumisi ng makahulugan si Irene. Pa-joke ang pagkakasabi niya nito pero alam kong may iba siyang gustong iparating.

I shrugged it off. "Basta punta kayo mamaya ha?" Lumingon ako kay Chelssy na nakikitawa lang pero hindi nagsasalita. "Chelssy punta ka ha?"

Tumango siya.

"Teka, anong party ba 'yan? Formal din like last year?" Tanong ni Kim.

"Hindi ah! Casual lang. Tayo tayo lang din naman." Ngumisi ako sa kanila.

"Oh my gosh, I'm sure andun 'yung A-Illusion 'di ba? Sina kuya mo? Like last year?" Pinaypayan ni Lyka ang sarili. "Shit, Ally. I love you talaga. Buti kuya mo ang leader ng grupo nila. They are so dayum hot."

For His EntertainmentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon