Chapter Three

152K 3.7K 275
                                    

"Ally,"

Mula sa pagkakatitig sa librong hinahawakan ko ay nag-angat ako ng tingin kay Kuya na ngayo'y nasa likod ko. Adjacent to him is Ate Kristelle who's reading a book.

Nakaharap si Kuya sa salamin dito sa sala at inaayos ang kan'yang buhok. Pansin ko sa mga 'to, gustong gusto nilang pinapatayo ang buhok nila. Nilingon niya ako sa repleksyon ng salamin at tinaasan ko siya ng kilay.

It's Sunday and the group was still practicing. Para bang hindi sapat na limang araw na kami nagkikita ni Spencer sa klase. Kuya is still active with the dance troupe kahit na graduate naman na siya. He still contributes to the choreography and my parents didn't mind that they were practicing here for as long as hindi mapapabayaan ni Kuya ang pagaaral sa business namin.

My parents started from scratch, and had their fair share of trial and error. Ilang business na rin ang lumipas sa kanila, at itong nasa food industry lang ang nag-boom. It's because of my mother's "secret recipe". She told me she'll teach it to me in due time. Dahil rin doon, they forced me to take up food technology, kahit fine arts naman ang gusto ko talaga. Kuya has a degree in engineering but he didn't take the boards because my parents wanted him to focus on our business, kahit wala siyang alam doon.

I understand them, they were almost homeless before, halos wala kaming makain noon, and they only wanted the best for us. Ayaw nilang maramdaman namin iyon so I know they're just making sure our future was secured.

"Can you tell Michael I need him? Nasa dance studio siya." He said then carried on sa pagaayos ng buhok. I rolled my eyes. Ganyan siya kabait sa akin tuwing may kailangan siya. Ibinaba ko ang libro ko sa mesa at tumayo na para magtungo sa dance studio.

Mom and dad transformed some guest rooms to a dance studio per kuya's request since siya naman ang nag-organize ng dance troupe namin. Okay lang din naman because sometimes the Entablado org also uses the studio for our rehearsals.

Malayo pa lang ako ay rinig ko na ang malakas na musika mula sa loob. Kumatok ako sa pinto pero mukhang balewala naman iyon dahil sa lakas ng musika doon. Binuksan ko na lang iyon at bumungad sa akin ang magulo nilang dance studio.

The dance studio is a spacious hall full of mirrors. Inikot ko ang paningin ko. Nakakalat kung saan saan ang mga sapatos nila at napailing na lang ako. Boys.

"Yes, Ally?" Ngumisi sa akin si Royce at agad pinatahimik ang mga kagrupo. Suddenly I was the center of attention dahil lahat sila ay nakatingin sa akin. Ngumiti ako sa kanila. Nasanay na ako sa kanila at sanay na rin akong tinatrato nila akong parang prinsesa—except for Kuya Steven and Spencer.

"Si Michael? Pinapatawag siya ni Kuya sa sala." Tugon ko.

Agad silang nagtinginan para hanapin si Michael and suddenly he emerged from the crowd of dancers.

"Here." Aniya at dumiretso patungo sa akin. Tumango siya at naglakad palabas ng dance studio. Aalis na sana ako nang maaninag ng mga mata ko si Spencer na nakasandal sa dingding habang nginunguya ang kan'yang bubblegum. Bawat pag taas baba ng panga niya ay ang pagsilip ng kan'yang dimples. Suot niya pa rin ang kan'yang fitted sando at kumikinang ang kwintas sa kan'yang leeg. May earphones sa kan'yang tenga at mukhang busy siya sa pagkalikot ng kan'yang cellphone.

"Hey, Ally, mind if you watch our new dance number?" Tanong bigla sa akin ni Jorge.

Nagangat ako ng tingin sa kan'ya dahil mas matangkad siya sa akin. Natanaw ko agad ang tatlong piercing sa kan'yang tenga at ang malaki niyang ngiti. I, sure, am their favorite girl after all. Isa pa, I'm always an exception. Dito lang sa studio sila hindi nagpapapasok ng kahit sinong babae when they're practicing, even Spencer didn't dare bringing her bitches here. This is like their haven, a sacred place. Ako lang ang pwedeng pumunta rito.

For His EntertainmentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon