I felt Spencer hug me from behind. Hindi ko napansin na nakatulog na pala ako kakaiyak. I turned to look at him and grimaced at the sight of his face. His lip was still bleeding.
"My God, are you okay?" I whispered.
He smirked. "I'm okay, babe."
I didn't buy that. Agad akong tumayo para pumunta sa kusina at kumuha ng yelo. Ibinalot ko iyon sa puting twalya at babalik na sana sa kwarto pero nadatnan ko siya sa sala. Winawalis niya pa rin ang mga bubog sa sahig.
Nang matapos na siya ay pinaupo ko siya sa sofa para lagyan ng cold compress ang mukha niya.
"Naks, wala na siyang morning breath." Humalakhak siya habang pinapahid ko iyong twalya sa mukha niya.
Umirap muli ako at diniin ko pa lalo ang yelo sa mukha niya.
"Hey!" Ngumiwi siya. "Ang sakit mo namang magmahal!"
"Wala ka talagang magawa sa buhay mo, ano?" Dinahan dahan ko na ang pagpahid ng yelo sa kan'yang mukha.
"I'm just trying to lighten up your mood, my Margarette," He sighed.
I smiled weakly. I appreciate him being here for me, but I know that this is my problem and I need to face this on my own.
"May pasok ka ba?" I asked.
"I can absent..." Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at binigyan ako ng mababaw na halik sa aking labi.
"No, Spencer. You have to go to school. Malapit na ang graduation mo." Umiling ako.
"Why?"
"Anong why ka dyan? Hindi porket nandito ako dito ka na lang din. Wag ka ngang gaya gaya!"
Ngumisi siya. "You and your bitchy remarks." Muli niya akong hinalikan sa labi. "Pano ka rito?"
"I can manage. Lilibangin ko na lang ang sarili ko sa panunuod ng porn mo na nakatago sa ilalim ng kama."
"The fuck..." Natatawa niyang sambit. "Kailan ka pa naging detective?"
Tumawa na rin ako. Being with him just makes me forget my problems. "Akala mo may itatago ka pa sa akin? Hoy, gagong Feledrico, mag-isip isip ka muna bago ka magsekreto."
"Yes, commander." Umiling iling siya, sumasayaw ang pagkamangha sa kan'yang mata. "Pero anong gagawin mo dito? I have class until 4 and I'll be teaching dance lessons until 7."
"I'll be fine. Pinapapunta naman ako sa work mamayang 1, so no need to worry."
Nilagyan ko ng ointment iyong mga pasa niya bago tuluyang tumayo para ipagluto siya. "Maligo ka na, ipagluluto na lang kita ng breakfast."
Hinalikan niya ako sa pisngi bago dumiretso sa banyo.
Tapos na ako magluto nang lumabas siya, wearing his uniform. Nilapitan ko siya para tulungan. I can't believe I'm doing this. He draped his arms on my waist while I was buttoning his uniform.
"Para tayong mag-asawa," humalakhak siya. "I find it cute."
"Is this your first time?" I cleared my throat. On second thought, hindi ko rin naman pala gustong malaman dahil baka hindi ko gustuhin ang sasagutin niya. I've a lot on my mind right now kaya binawi ko rin iyon. "Don't answer that."
He creased his forehead. "First time with what?"
Umiling ako at tumalikod para umupo sa kan'yang dining table. Sumunod niya at umupo sa tabi ko. Nilagyan ko ng bacon at itlog iyong plato niya.
"First time with what?" Pag-uulit niya habang pinapanuod ako na naglagay ng fried rice sa plato niya.
"Na ganito. Living with someone. Pero wag mo nang sagutin."
BINABASA MO ANG
For His Entertainment
General FictionMelvin Spencer Feledrico is the worst. He plays it well because he likes to play it dirty. Aleandra Margarette Estero knows this very well. She grew up with Spencer dahil kaibigan siya ng kuya nito, and ever since, she had always been in love with h...