Chapter Seven

106K 3.5K 403
                                    

Fuck you never sounded the same again. Matapos ng murahan namin ni Spencer, iba na ang naging impact nito sa akin, and I have no idea if that was thing ba 'yun or bad thing. Sanay naman akong laging nagmumura, pero that curse, para bang nagkaron na ng something doon.

Kanina pa ako nakatitig sa conversation namin ni Spencer at kahit sobrang walang sense ng pinag-uusapan namin ay parang nagkakaintindihan pa rin kami. Like duh, anong sense meron ang:

Fuck you, too. ;)

Hmm.

Fuck you more!

Hard?

Super!

Now?

Fuck you!

Aww ;)

Diba? Parang tanga lang. Nakakatuwa na nakakaasar.

"Uy, si Ally, kinikilig sa cellphone." Halakhak ni Kimberly sa tabi ko. I immediately turned the screen of my phone off and noticed the stupid smile plastered all over my face. Why the hell am I smiling?! Agad kong binawi ito at sumimangot. Kakatapos lang ng first part ng welcoming party kaya't free na ulit kami hanggang bukas. Napagdesisyunan naming magstay na lang sa beach para panuorin ang sunset.

Humiga ako sa sand katabi nina Kim at Irene at nagsimula kaming magselfie, or groufie, whatever. Naka-ilang shots na kami nang sikuhin ako ng katabi kong si Kim. Nang nilingon ko siya ay may tinititigan siya sa likod ko habang namumula ang buong pisngi. When I looked at my back, nakita ko si Kuya Steven na papalapit sa amin. He's wearing his beach shorts and aviator shades habang nakaakbay sa kanyang long-term girlfriend na si Kristelle. Umirap ako and excused myself nang napagtanto kong sa akin nga siya papunta.

Nakipag-beso ako kay Ate Kristelle.

"What?" I turned to Kuya and crossed my arms against my chest.

"Kailan ka uuwi, Ally?" Tanong niya sa akin.

I shrugged.

"Sino maghahatid sa'yo pauwi?" Tinaas niya sa kan'yang ulo ang aviator and looked at my group. I looked back at them as well at nakita ang iilan na mariing nakatitig sa aming tatlo.

"Tatawag na lang ako ng driver." I replied, returning my gaze back at him. "Uwi na kayo lahat?"

"Nah, kami lang." he said.

"May date pa?"

Tumawa si Ate Kristelle. "No, itong kuya mo kasi, pagod na. Tumatanda na."

Ngumiti ako. She's too sweet!

"Alright. Ibibilin na lang kita sa grupo." Kaswal na sabi ni Kuya na rason kung bakit agad napawi ang ngiti ko.

"Kuya! What the hell, I'm not 12!" I gasped upon the realization. "Don't tell me pumunta kayo dito para bantayan ako like last year? Seriously? I'm turning 20 tapos sobrang bantay sarado ko pa rin?"

"Oo nga, babe. Let her be. She's old enough naman na." Ate Kristelle agreed. Thank all the heavens for her!

Pero hindi niya iyon pinansin. "Just text me if you need something." Aniya at tumalikod nang hindi pinapansin ang outburst ko. Ate Kristelle looked at me apologetically and kissed my cheek. "Intindihin mo nalang." She whispered before following Kuya.

Badtrip na badtrip akong bumalik sa kinauupuan nina Kim. I know for a fact na seryoso siyang ipapabantay ako sa grupo.

"Shit, sayang! Hindi ako nakapagpapicture." Ani Lyka na diehard fan ng grupo nila, pero hindi ko iyon pinansin.  Dumaan ang buong araw na hindi ako nag-enjoy dahil nakikita kong malapit lang ang grupo. Hindi man nila pinapahalata, pero alam na alam kong binabantayan talaga nila ako. Everytime I'd look at them, makikita kong nakatingin sila sa akin then they'd smile and look away.

For His EntertainmentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon