Chapter Six

168K 4.1K 452
                                    

Nagising akong may ngiti sa aking mga labi. Today is the outing the organization has been so busy about and I'm really excited! This is an annual two-day celebration kaya isang maleta ang dala ko. I can't help it! Masyado akong naexcite at hindi ako makapili sa mga susuotin ko, kaya ayun. Dinala ko na lang lahat.

I greeted some of the members na nakisabay sa akin papunta roon sa venue. There's a lot of space in the car anyway, so it's better to have company.

"Manang Lia, alis na po kami!" pagpapaalam ko. Siya rin ang yaya ko simula nang bata pa ako kaya't sobrang close namin. "Asan po pala si Kuya Steve?" bigla kong tanong dahil napansin kong walang maingay sa bahay.

"Maagang umalis ang kuya mo. Kasama iyong mga kaibigan niya. Mag-iingat ka doon, hija. Magtext ka lang kung may problema." Ngumiti si Manang Lia sa akin kaya't niyakap ko siya. Kahit madalas wala sina mommy at daddy, napupunan naman iyon ni Manang.

Nakasuot ako ng cropped top at high-waist shorts. Sa loob ay nakasuot na rin ako ng kulay orange kong bikini although I wasn't sure if kasama sa program ang paglangoy today. Ibinaba ko ang ray-ban ko mula sa ulo patungo sa mga mata ko nang nakapasok na ako sa sasakyan namin. Dala-dala naman ng driver ang maleta namin at inaayos ito sa likod ng kotse.

Mahaba ang byahe namin dahil malayo ang resort na pupuntahan namin kaya't nagkaroon ako ng pagkakataon para makausap ang ilan sa mga newbies. One of them is Chelssy na agad na gumaan ang loob ko.

"So, bakit pinili mo sa Entablado?" Ibinaba ko ang earphones ko at hinarap siya.

She shrugged. "Gusto ko lang talagang umarte. Alam mo yun? Everytime aarte ako, feeling ko akin ang mundo," bumuntong hininga siya at ngumiti na parang may pinanghuhugutan siya sa sinabi niya.

"Yung parang kapag aarte ka, alam mo yung purpose ng buhay mo?" Napangiti ako. Her smile is contagious. Hinarap niya ako at tinitigan sa mga mata, at doon pa lang ay alam kong nagkakaintindihan na kami. "Passion mo talaga, 'no?"

Tumango siya. "Ako rin, eh." Napawi ang ngiti ko. "One day, I'll be big. We'll be big."

She smirked and I know there and then we have a connection.

Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa wakas sa resort. Naaninag ko na ang sasakyan nina Ate Inah na nakapark bago ang isang malaking WELCOME sign. Ipinark ng driver ang sasakyan at napangiti na lang ako nang tuluyan kong binuksan ang pintuan.

"Wow," I breathed. Ang ganda! Finally, a vacation! Malayo sa stress at malayo sa lecheng Spencer na 'yon! Humampas sa akin ang preskong hangin at naririnig ko na ang mga alon mula rito kahit na hindi ko pa naman nakikita ang mismong beach. Ibinaba ng driver ang mga gamit namin at sabay sabay kaming nagtungo sa reception area. Naroon sa lobby ko nakita sina Ate Inah, Kuya Jao at iba pang kasama namin sa organization. Mabilis na tumayo si Theodore nang makita ako at lumapit sa akin.

"Yo, Ally!" Ngiti niya sa amin. Theodore is way taller than me kaya tiningala ko talaga siya. Inangat ko ang sunglasses ko at nilagay iyon sa ulo ko. Nakipag-high five ako kay Theodore at lumapit sa iba pa naming orgmates.

Si Theodore ang pinakaclose ko dito dahil sabay kaming nag-audition noon, basically, kami lang ang batch-mate back then, but I'm still happy with the company of my other orgmates. Nakangiti ngayon si Ate Inah which is a bit unusual because she always puts up a straight face. Bilang head ng org namin, she needs to be intimidating, pero tuwing may mga outing naman kami tulad nito ay nakikisama din naman siya.

Anim ang room na kinuha nina Ate Inah. Tatlo para sa girls, tatlo para sa boys. Binigyan niya kami ng isang oras para makapagprepare para sa lunch namin. Kasama ko sa room sina Chelssy, Lyka, Kimberly, Irene, at dalawa pang girls na baguhan lang kaya't hindi ko pa kilala. Family suite ang kinuhang room sa amin kaya't maluwag talaga ang kwarto at may tatlong malalaking kama.

For His EntertainmentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon