Chapter Two

158K 3.9K 365
                                    

Buong linggo akong kinukulit ng gago. Kaklase ko siya sa dalawang subject, isa para sa MWF schedule, at isa ay para sa TTh. My life is doomed. I am doomed. I need to see him everyday and ayoko maging irrational na magdrop ng subject just for him. Sabi nila, wag na lang pansinin ang mga bagay na nakakapagpainis sa'yo, pero paano mo yun gagawin kung masyado siyang papansin?!

"Ay putang ina mo!" Napasigaw ako nang makita ang ipis na tumalon sa armchair ko. "Aaaahh! Shit! IPIS!"

"Oh? Bakit?" Nag-aalalang tanong ni Spencer. Mabilis niyang tinanggal ang ipis sa armchair ko. Magpapasalamat na sana ako pero nang makita kong hindi man lang gumagalaw iyong ipis ay doon ko lang napagtanto na isang laruan lang pala iyon. Pinandilatan ko siya ng mata at humagalpak siya sa tawa "Niligtas na kita, you should thank me, Ally."

"Ms. Estero and Mr. Feledrico!" Umalingawngaw ang boses ng prof namin dito sa Literature.

Napatalon ako at binaling ang tingin sa unahan. My heart was racing when I acknowledged the fact that everyone was staring at us. At me. At my filthy mouth. I peeked at Spencer at umaasang ililigtas niya kaming dalawa ngunit lalo lang akong nabadtrip nang makita siyang kagat-labi at halatang pinipigilan ang pag-ngisi. As if he didn't care.

"I do not tolerate pranks and profanity in my class! Both of you, OUT! I will not accept you in my class unless you have a written excuse letter signed by your Dean." Nanlilisik niyang sambit.

"Pero, ma'am, si Spencer po—" I was trying to explain myself.

"Did you not hear me, Ms. Estero?!" Singhal niya. Nakita ko ang iba't ibang reaksyon ng mga kaklase ko. Ang iba ay naaawa sa akin, ang iba ay naglalaway kay Spencer. What the. Bumuntong hininga ako at padabog na kinuha ang bag ko saka naglakad palabas ng room. Hindi ko na pinansin pa ang mga titigan at usap usapan ng mga kaklase namin, I just have to end this misery.

Magrereklamo ako sa Dean. Mageexplain ako na hindi naman ako ang may kasalanan. Totoo naman. Ang offense ko lang ay nagmura ako, pero siya pa rin ang may dahilan non. Siya pa rin!

"Uy, sorry na..." Aniya ng pamilyar na boses sa likod ko.

His mere voice is annoying the hell out of me.

Umirap ako. Lakas ng loob magsorry matapos niya ako pahiyain sa klase. Nagpatuloy ako sa paglalakad nang hindi siya nililingon. Bwisit siya.

"It wasn't my intention." Sambit niya sa mas mahinahong boses. Kung hindi ko lang siya kilala ay malamang nauto na niya ako, pero kilalang kilala ko siya at alam kong labas sa ilong ang sorry niya.

"Leche, 'wag na 'wag mo 'kong kinakausap." Hindi ko pa rin siya nililingon.

"I did not mean it, babe. Forgive me?"

Natigilan ako. Aba lakas maka-kapal muks! "Yuck! Wag mo nga akong bine-babe!" Nilingon ko siyang nasa likod ko pero nalaglag ang panga ko nang tinaasan niya lang ako ng isang kilay. Hawak niya ang cellphone niyang nasa tenga niya, as if talking to someone. Naramdaman ko ang pag-init ng buong mukha ko.

"I'm sorry. Don't fuss about it, that was nothing. I'll call you later, babe, alright?" Binaba niya ang phone niya. Lalong kumulo ang dugo ko nang tinapunan ako ng titig. A mocking gaze. Ngumuso siya at alam kong ginawa niya iyon para pigilan ang pagtawa. Kinagat ko ang labi ko sa kahihiyan. Damn it!

He cleared his throat. "Yes, Ally? Diba pupunta tayo sa dean's office?"

Humugot ako ng malalim na hininga. Kung araw araw ganito ang pambibwisit niya, baka mamatay na ako ng maaga. "Heh! For all I know, wala ka namang kausap. Gusto mo lang mang-asar."

"Wow, that's a strong accusation there, lassie," Tumawa siya, hindi na napigilan. "Feeling ka rin 'no?"

"Pumunta ka mag-isa mo!" Singhal ko sa kanya at mabilis na naglakad. Thank God, hindi na niya ako hinabol. I can't stand being with him anymore. But I can picture him laughing at me, that fucker.

For His EntertainmentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon