Caveat:
For His Entertainment, along with Intoxicated, One Sinful Night and other stories were unpublished in 2016 due to the following reasons:
1. I was young when I wrote the series. Hence, I wasn't mature enough to write a story based on a sensitive topic. I didn't know any better.
2. I wasn't proud of my work because please refer to number 1 above.
3. While re-reading, I've seen a lot of plotholes, grammatical & typographical errors, and things that made me cringe. I didn't see the most important thing that should be written in the book - the character development.
I have since edited For His Entertainment to align with my present writing style and principles in life. Hence, you may see newer scenes that are different from that of the original, and I have also deleted scenes that, based on my judgment, isn't essential to the story. I hope you still trust me and give this another chance.
Thank you, and I hope you support my newer stories.
I owe you all an apology for unpublishing this story. I just needed time to recollect my thoughts and again, I apologize for taking my stories with me. While I was on hiatus, I kept on going back to this story and edited it, so to those who have already read this before, please expect some changes. I suggest you just reread ;)I keep track of the hashtag (IG and Twitter):
#ForHisEntertainment
#ForHisEntertainmentWP
#MalditangYsa
PROLOGUE
It all started when Melvin Spencer Feledrico first set foot in our house. Grade 3 pa lang ako at Grade 5 naman siya. Kagrupo siya ng kapatid kong si Kuya Steven sa sayaw at naging kaibigan na rin. Matapos mabuo ang grupo nila, madalas na siya sa bahay kasama ang mga iba pa nilang kagrupo. Minsan ay naglalaro sila ng basketball at minsan nama'y naglalaro sila sa computer ni Kuya Steven. Sa murang edad ay natuto akong humanga sa kan'ya.
Dahil madalas wala ang parents ko at wala akong ibang makalaro ng aking mga manika ay natuto na rin akong makisama sa grupo nina Kuya. Dahil doon, lalo akong napalapit sa kan'ya kahit na madalas niya akong pinagtitripan at pinagtatawanan.
"Ano'ng pangalan niya?" Tanong niya sa akin habang tinuturo ang hawak kong manika. Nag-angat ako ng tingin sa kan'ya at napangiti sa nakita kong dimples sa kanang bahagi ng pisngi niya.
"Ansherina," inabot ko sa kan'ya ang manika ko.
"Ang pangit naman niya." Kinuha niya sa akin ito at napahagulhol na lang ako nang makitang unti-unti niyang tinatanggal ang buhok ng manika ko "Ayan, maganda na siya." Humalakhak siya habang nakapamulsang tumalikod at naglakad palayo. Niyakap ko ang manika kong ngayon ay mukha nang monster. Iyak ako nang iyak dahil ito ang favorite doll ko.
Simula noon ay gusto ko nang mainis sa kan'ya. Pero tuwing gustuhin kong mainis ay magpapakita siya ng rason para muli ay magustuhan ko siya.
"Steven, bakit ba hindi mo binabantayan mabuti ang kapatid mo? Look at her bruises!" Iyan ang unang sinabi ni mama nang makauwi siya sa bahay.
"Mom, hindi naman kasi siya dapat sumasali sa games namin! She's a girl pero pinipilit niya pa rin magshoot ng bola!" Pagdidipensa ni Kuya sa sarili niya.
Simula pa lang ay hindi na ako ganoon kalapit kay Kuya. May pakiramdam akong ayaw niya sa akin at hindi ko maintindihan iyon. Kaya't simula nang mapagalitan siya ni mommy ay hindi na niya ako pinasali sa mga laro nila.
Ngumuso ako habang pinagmamasdan sila na naglalaro ng Patintero. Gusto kong sumali pero alam kong maiinis lang sila sa akin dahil bukod sa mabagal ako tumakbo, ay madalas pa akong madapa. Walang gustong makipag-team sa akin at madalas akong ginagawang saling-pusa.
BINABASA MO ANG
For His Entertainment
Fiksi UmumMelvin Spencer Feledrico is the worst. He plays it well because he likes to play it dirty. Aleandra Margarette Estero knows this very well. She grew up with Spencer dahil kaibigan siya ng kuya nito, and ever since, she had always been in love with h...