Chapter Nine

111K 3.1K 309
                                    

It was no dream.

When I had breakfast, umupo sa tabi ko si Theodore. While Spencer, he's out of sight. As if I care about his endeavors. Pero what I'm actually concerned about now is... Nanliligaw sa akin si Theodore, for real. I don't know what to feel, ang awkward lang. Yes, he does sweet stuff kahit noon pa man, pero before was different. Before, I was oblivious to his feelings. Actually I wasn't, I just pushed the possibility away. And now na alam kong may meaning ang bawat kilos niya, it kinda makes me feel uncomfortable.

Also, Spencer and I are now Facebook friends.

Kinaumagahan sa school, everything was again back to normal, except for Spencer na absent sa dalawang subject na magkaklase kami. Okay. . . Maybe that is normal. At hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko para i-stalk ang Facebook niya. Ito ang ayoko, eh-stalking him. Isa sa mga rason kung bakit ayaw ko i-accept ang lintek niyang friend request.

Hindi masyadong updated ang Facebook ni Spencer. Well, he doesn't need to do that. Updated ang lahat sa mga nangyayari sa indibidwal na buhay ng dance troupe dahil sa admins ng Facebook fanpage nila. Perks of being popular.

Nakasuot si Spencer ng cargo pants, Nike, at white V-neck shirt sa kan'yang profile picture. Mukhang candid shot niya ito dahil nakapamulsa siya at nakatingin sa malayo, his brows are furrowed na parang ang lalim ng iniisip.

4,000+ ang likes. He sure is popular. Huminga ako ng malalim at pinatay ang phone ko. I am completely aware that I am finding him attractive once again, and it is so not good. Humarap ako sa whiteboard at sa matanda naming professor. My eyes are locked on the board but my brain is not with me. It's with that damn hot picture I just saw seconds ago. I tried to push the image away and decided to just invest my time on listening to my lame professor.

Pero kung kailan ko napagdesisyunang makinig sa professor ay saka naman ako nagulat nang makita si Theodore sa labas ng room. Kumaway siya sa akin at ngumiti lang ako pabalik. He was waiting for me.

"Lunch?" He asked when my class finally ended.

Tumango ako and followed him.

"Uyy, kasalan na ba?" Biglang sumingit sina Aileen at ang orgmates namin at nanukso sa amin.

"Nanliligaw pa lang, Ai." Kumindat si Theodore. Natawa na lang ako.

"Ingatan mo 'yan si Ally ha?" Humalakhak siya.

"Ano ka ba, ang tagal ko 'tong hinintay." Nakisabay na si Theo sa kanila.

"Letse kayo, walang forever," Ani Ysa. "Sige, may ate pa yata kayo. Una na kami. Magbebreak din kayo."

"Mga loka-loka talaga orgmates natin," Umiling ako sa kanila.

"Saan mo gusto kumain?" Tanong niya.

"Sa caf lang? May class pa ako later." I suggested.

Tumango siya and we're on our way. Napakagentleman ni Theodore. May itsura din naman siya. Matangkad siya sa akin, makinis ang balat, good boy kung titigan. He never showed interest in anyone, but he's too nice that some girls have mistaken it to be something else.

"Magbibirthday ka na pala," Sinubo niya ang fried chicken niya.

Tumango ako. "Punta ka sa bahay ha? Invited naman lahat ng Entablado members."

"I won't miss it, Ally." Ngumiti siya.

"Nga pala, Theodore. Pwede ba 'ko magtanong?"

"Hm?" Tinitigan niya ko sa mga mata.

"Medyo naguguluhan pa rin kasi ako, eh. Sabi mo noon pa lang tayo gusto mo na 'ko, bakit naghintay ka ng gan'un katagal? Naintimidate ka rin ba ni kuya?"

For His EntertainmentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon