Chapter Fourteen

103K 3.3K 407
                                    

Hindi ako nakapasok ng umaga kinabukasan. I'm damn hungover. Alas onse na ako nagising pero isang oras pa ang itinalaga ko just to look at my ceiling and reminisce what happened last night.

Alas dose na nang may kumatok sa pinto ko. Tamad akong bumangon at binuksan ito.

"Ally, pinapababa ka na ng daddy mo para kumain." Si Manang Lia. "Okay ka lang ba? Mukhang may sakit ka."

Ngumiti ako. "Okay lang po. Pakisabi bababa na rin ako."

Tumango siya at tumalikod. Naligo muna ako at nagsipilyo. Nang bumaba ako ay kumpleto sila sa hapag. I smiled. Minsan ko lang maabutan ang ganito, iyong kumpleto kami lahat. Nilingon ako ni mommy.

"Oh, Ally. It's late. Halika, sabayan mo na kami." Tinuro niya ang upuan sa tabi ni Kuya Steven. Umupo naman ako doon. Naglagay na rin ako ng sariling pagkain sa plato. I'm freaking starving.

"How's school, Ally?" Tanong ni dad.

"Okay lang po." Sumubo ako ng pagkain ko.

"Good."

They discussed about stuff afterwards tulad ng mga kung anu-ano tungkol sa business namin and how their Japan trip went. Aalis na naman pala sila for Europe sa susunod na linggo, at hindi na ako nagulat doon. They are busy persons kaya't kung saan saan sila pumupunta.

Nang lahat kami ay natapos kumain, may kinuha si dad sa kan'yang bulsa. A rectangular red box tied by a light blue ribbon. Inabot niya iyon sa akin. I looked at mom with a confused gaze, pero tumango lang siya at ngumiti.

"What's this?" Tanong ko habang unti-unti itong binubuksan. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang laman nito. "Oh my goodness!" Car keys!

Nag-angat ako ng tingin kay dad. "Happy birthday," he said.

Whoa. This is mine? Halos mapunit na ang mukha ko kakangiti. Ang tagal ko na 'tong hinihingi sa kanila! Damn. My own car. Tawa ako ng tawa kahit wala namang rason. I'm just so happy! Nang sinamahan ako ni Kuya sa garden ay nakita ko ang kulay silver na Honda Cr-Z. Dayum perfect!

"You know how to drive?" Masungit na tanong ni Kuya.

Gusto ko siyang irapan pero hindi ko magawa dahil hanggang ngayon ay sobrang saya ko pa rin. "Duh, Kuya, of course naman 'no!" Pinindot ko ang key fob ng sasakyan ko. Oh my God. Sasakyan ko. Napangisi ako. Tumunog ito at halos tumalon ako dahil doon.

"Para kang baliw." Naglakad si Kuya papunta sa sasakyan. Bubuksan niya iyon pero agad ko siyang pinigilan.

"Hep!" Pinalo ko ang kamay niya. "Ako muna hahawak sa kan'ya."

Umirap siya. Binuksan ko ang sasakyan at muling napangisi nang makita ang interior nito. Ang ganda ganda ganda ganda! Parang 'yung may-ari. Nagmamadali akong pumasok sa bahay at nagpasalamat kina mom at dad. Tumango lang sila at pinaalalahanan ako ng mga responsibilidad ko sa pagkakaroon ng sasakyan.

"Steven or the driver will accompany you today para masanay ka sa sasakyan." Mom announced.

Hindi na ako pumalag pa, I'm just elated! Agad akong bumalik sa kwarto ko para mag-ayos ng itsura. I'm so excited! Nang matapos na ako ay bumaba na ako para magpaalam kina daddy. Kuya Steven was already waiting for me sa garage.

Mom and Dad enrolled me and Kuya sa driving lesson years back so I was able to acquire my license but I didn't really get the chance to practice because I never really had my own car samantalang si Kuya ay binilhan agad nina mommy for business purposes. When I was already behind the wheel, hindi na talaga natanggal ang ngiti sa labi ko.

"You look like an idiot. Fasten your seatbelt."

Hindi ko na siya pinansin, I just did what I was told. I started slowly at hinayaan kong turuan muli ako ni Kuya. In just a few minutes, we were on the highway along with other cars.

I didn't notice how time flew by so fast. It was already 4pm when Kuya said we need to head home dahil may meeting pa daw siya.

"Don't drive this yet, you still need to practice." Aniya.

Ngumuso ako. Fine, magpapaturo na lang ako sa driver.

Nakabalik kami sa bahay in one piece, thank heavens. Kuya Steven went ahead while I looked for the driver to no avail.

***

Napadaan ako sa dance studio one day at natigilan nang makitang nakabukas ng kaunti ang pinto. See You Again was playing in the background. Out of curiosity, I tried to peek inside and saw Spencer.

He's alone and he's dancing. Where are the others?

Sumandal ako sa pinto at binuksan pa ito. Nakasuot siya ng isang puting t-shirt, sweatpants, at cap. I continued watching him dance and unknowingly, I smiled. He's so passionate whenever he dances. It's like he's expressing how he feels, pero ngayon ay ramdam ko ang bigat ng pakiramdam niya. Parang may kung ano sa paraan ng pagsayaw niya.

Nang matapos ang chorus ay padabog niyang tinapon ang cap niya sa sahig. Ginulo niya ang buhok niya at sinabunutan ito, that's when I knew that something is wrong. Pinatay niya ang tugtog at sumandal siya sa salamin. Tumago ako sa likod ng pinto. It's so unusual seeing him like this. Sumilip muli ako at nakita siyang pabalik balik na naglalakad. He's on his phone.

"Tang ina mo Tyrone! Mas gago ka pa sa akin!" Aniya sa kabilang linya. Naghintay siya ng sinasabi nang kausap bago muling nagsalita.

"I told you! I already fucking warned you! Sabi ko handa akong saluhin si Yvette, but what the hell did you do? Pinigilan mo ako! I knew I can take care of her better than you, asshole!"

Nakaigting ang kan'yang panga at tagaktak ang pawis. Kunot ang noo at napakaseryoso. Mukhang galit na galit nga siya dahil ramdam ko 'yun hanggang dito. Huminga ako ng malalim. I know Tyrone. Siya iyong pinsan ni Spencer na nag-aral sa ibang bansa after high school. I also know Yvette. She's my schoolmate in high school. Ang alam ko ay naging si Tyrone and Yvette, pero madalas ko rin makita si Yvette at Spencer na magkasama noon, pero ang tagal na non!

Parang may kung anong pumupukpok sa dibdib ko. Naninikip na ito and I'm starting to feel a lump on my throat. Sa isang iglap, nawala lahat ng kasiyahan na naramdaman ko.

"Hindi ko alam kung nasaan siya, kung ano na ang nangyari sa kan'ya. If only I know what asshole you can be, sana matagal ko na siyang inagaw sa'yo. She doesn't deserve a coward fucker." Binaba niya ang cellphone at nakita ko kung gaano kahigpit ang hawak niya dito.

And again, I had a dose of my own medicine. Buong akala ko, something was already up between me and Spencer. I was sure that he felt that too. But seeing him like this, upset over another woman, it makes me want to vomit all the feelings I had for him. It's just funny how your source of happiness can also be the source of your misery.

I was bound to be just for his entertainment.

For His EntertainmentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon