Chapter 1

3.3K 61 2
                                        

"MAY bagong transferee daw." Napatingin ako kay airra.

"Sino naman daw?" Tanung ko.

"Galing daw siya sa Pampanga." Napatingin ako sa baklang kaklase namin si miguel.

" Pampanga? Ang layo? Buti dito sa pangasinan siya napadpad?" Takang tanung ni airra..

" Ewan ko." Miguel.

" Ohmygosh! Ang gwapo no'n transferee ha." Ara shouted.

Naglalakad ito ngayon sa corridor. Freshman siya pero ako nasa sophomore na. Gwapo nga. Matangkad na maputi. Super attractive. Mas lalong nagpahot sa kanya sa pagdadala ng bag niya.

"Punyeta ka ara! Kumalma ka nga. Nakakahiya!" Airra shouted too.

" E sa ang gwapo niya. Aalamin ko ang name niya." Napailing nalang ako.

" OMG te! Dadaan siya rito sa harapan natin!" Miguek shout too.

Nakakahiya ang ginagawa ng tatlong to. Airra is my childhood friend while miguel is airra friend and ara, airra sister.

Nang dumaan sa harapan namin 'yon transferee ay nagkatitigan kami. Parang may something sa mata niya. Pero bago pa ito tuluyan makaalis ay napigilan na siya ni ara..

"Hi? I'm ara." Tangina! Ano bang ginagawa nang babaeng to! Nakakahiya.

" What's your name?" Tuloy na tanung niya na naman.

" Mervy." Ngumiti ito kaya napalayo ang tingin ko. Umiwas ang tingin ko sa kanya. Masyado na 'kong nakatitig sa kanya.

"We heard you are from Pampanga?" Ang chimosa mo ara! Sigaw ko sa likod ng utak ko.

"Ah yes, lumipat kami dito ng house." Ngiti niya ulit.

" Oh, btw. This is my sister, airra." Ngumiti lang iyon mervy tapos nakipag shake hands kay airra .

"Then this is baklang miguel."

"Hi, papa mervy! Miguel poe." Malanding sabi naman ni migs .

" Pfftt .. nice meeting you all." Mervy said.

"Then he is trev. Matagal na namin kaibigan 'yan." Madaldal parin sabi ni ara.

" Hi, nice meeting you bro." And then nakipag shake hands siya.

Puta! Ano bang nangyayari sakin?

Napanggal kami sa pagkahawak na kamay ng may tumawag sa kanya.

"Mervs!"

"Oy mervs!" Isa pang sigaw.

"Wow! Kilala niya mga cheer leader." Airra murmuring.

" Ano bang ginagawa mo dito?" Mataray na sabi ng isang matangkad na babae.

" Shup up, tine. Nakakahiya ka." Rinig ko naman sabi ni mervy.

" Hahahahaha. Bakit kaba nandito mervs?" Tanung na naman ng isa.

" Ang daming tanung kim ha! Ano bang ginagawa niyong dalawa dito?" Pagtataray niya din.

" Tss. Kelangan alam mo lahat? Tuktukin kaya kita." Napaharap dito si mervy tapos at nginitian kami.

"Kaibigan ko pala. This is cristina and this is Kimberly---"

" Kilala namin sila." Pagpuputol ni airra sa sasabihin nito.

" Huh?"

" Hahahaha. Sikat na cheer leader sila rito sa University." Ara.

"Ahh." Mervy.

" Mervs hinahanap kana ng ate mo!" Sigaw no'n kim..

"What? Alam niyang umuwi na 'ko?" Ayoko sanang makinig pero nakakacurious.

Lumipas lang siguro ang segundo. Nang makita namin ang leader ng mga cheer leader. Meron itong kasamang isang lalaki.

"Oy, manok! Bakit hindi mo sinabing uuwi ka pala?"

"Pake mo ba jm?" Mervy.

" Arayyyy! Ano ba!" Sigaw nito.

Nagulat kami ng tumingin sa banda namin si ate jayiee. Siya iyon terror na cheer leader ng university. Ang pagkakaalam ko ay nasa fourth year college na ito..

"Aray! Masakit ate!" Sigaw ni mervy.

Itong kasama kong tatlo ay nagsilakihan ang mga mata. Magkapatid sila?

Jayiee stone. So siya si mervy stone.

"Ts. How many times i need to tell you. Don't call me ate in public!" Sigaw nito.

" Oo na nga! Stop that!"

Tumingin ulit samin si ate jayiee. " Hi guys. Sorry talaga. Naistorbo ba kayo ng kapatid ko?" Saad nito.

" Hindi naman po ate." Ara.

"Kami po nagistorbo sa kanya." Airra.

"Ang gwapo ng kapatid niyo." Miguel.

" Asus! Panget to diba bro? Hahahahahha! Sige at hihiramin lang namin siya." Tumango naman sila.

Pero bago tuluyan umalis sila mervy at tumingin ito sakin.

Mygosh! Why my heart beat faster?...



"KELAN ka pa umuwi?" Napatingin ako kay jai nang tanungin ako nito. Nandito kami ngayon sa garden.

"Hindi ka masayang nakita mo 'ko ngayon?" Tanung ko.

" I'm happy mervs, pero sana alam mo kung ano ang sitwasyon ngayon sa bahay. Sino bang nagpauwi sayo?" Tanung nito.

" Si lolo. Ang sabi niya kailangan mo ng makakasama kaya umuwi ako agad." Napailing ito.

"Alam mong galit si papa sayo dahil sa nalaman niya. Ayokong saktan ka niya ulit." Inaalala niya parin ang nangyari noon.

" Magalit man siya pero wala na akong pakealam. Alam kong galit siya sakin pero kailangan mo ng kasama ngayon." Hinarap ako nito at hinawakan ang buhok ko.

" You grown well, brother. Sorry if ate not around when it comes no'n pinahiya ka ni papa sa maraming tao." Nginitian ko ito na sign na ayos lang.

"Wala iyon."

"Kaya mo bang umuwi?" Tumango ako.

Tumayo ito at hinila ako patayo. " Kim, tine, jm! Mauna na kami. See you tomorrow!" Sigaw ni jai.

Nagsitanguhan lang iyon dalawa. Iyon nakita kong lalaki kanina. Gwapo siya.

Nakarating kami ng bahay. Pero hindi pa man kami nakakahakbang sa sala ay nagsalita na ang ama namin.

"So umuwi na pala ang suwahil kong anak." Napahigpit ako sa paghahawak sa kamay ko.

"Dad, not now please." Pagmamakaawa ng kapatid ko.

"Bakit ba pinauwi mo pa 'yan jayiee! Tinakwil kona 'yan bilang anak ko!" Gusto ko siyang sigawan pero wala akong lakas ng loob.

" Ano ba dad! Anak mo si mervy! Bakit ba ganyan ang turing mo sa kanya! Wala akong pakealam kung tinakwil mo siya! Titira siya dito!" Sigaw niya.

" At pati ikaw ay susuwahil mo din ako!" Galit nitong sabi.

" Si lolo ang nagpauwi sa kanya at hindi ako. Kaya wala kayong karapatan palayasin siya." Ate.

Gusto ko na talagang umiyak. Ayoko na dito.

" Tss. Siya ang magiging dahilan kung bakit mapapahiya ka sa lahat ng tao jayiee." Tinignan lang siya ng kapatid ko.

" Wala akong pakealam, dad! Kahit sabay pa kaming mapahiya ayos lang. Kahit mapahiya pa ako sa maraming tao! Kapatid ko siya at hindi ko siya kinakahiya! Tanggap ko siya kahit ano siya!" Tuluyan na akong hinila nito pataas.

Nang makarating kami sa kwarto niya ay hinarap niya ako.

"Huwag na huwag mong ipapakita sakin mahina ka mervy! Huwag na huwag mong papakita sakin umiiyak ka! Maging malakas ka tulad ng wala ako sa tabi mo noon! Pero ngayon maging malakas ka! Kasama mo 'ko! Ako ang magiging shadow mo! Ako ang magiging kakampi mo sa lahat ng oras! Huwag mong ipakita sa kanyang mahina ka! Nandito lang ako."

Napayakap ako sa kanya dahil sa sobrang saya. She's the best sister to me.

Forbidden DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon