Chapter 10

437 24 0
                                    

Play the song 'kahit kunwari by. Tj monterve'

SABAY kaming pumasok ng school ni trevvi pero hanggang gate lang. Baka kasi may makakita samin at magkikita kami ng kapatid ko. Nakita ko ang text niya kagabi pero hindi ko nalang siya nireplayan. Nang makarating ko ang garden ay nakita ko itong nakaupo na at may hawak hawak ng libro. Ilan ulit na niyang nabasa ang 'hell university' na 'yon. Nang makita niya ako ay binaba niya ito at tinignan ako ng seryoso.

"Where have you been?" Tanung nito.

"Hm ."

"Hindi mo ako sasagutin? Nakitama daw ni papa na lumabas ng gate! Buti talaga nalapagdahilan ako. Now. Saan ka nanggaling! Saan ka natulog!" Ayoko talagang nagsinungaling sa kanya pero kailangan.

" Bumalik ako sa hospital. Nagovertime ako. May operasyon kasi ako by 1 am." Pagsisinungaling ko.

" Bakit hindi mo sinabi sakin? Edi sana alam ko kung saan ka pumupunta." Tinignan ko nalang siya para wala nang mahaba pang sasabihin.

" Sorry. Urgent lang kasi talaga."

"Kumain kana?" Nakangiti nitong sabi.

" Oo." Saad ko.

" Btw. Malapit ng umuwi si mama at sina lola at lolo." Tumango lang ako. Magiging impyerno na naman ang buhay ko.

Well, sabihin na natin. Magkapatid lang kami ni jai sa ama. Namatay ang mama ko noon sinilang niya ako. At ang uuwing babae ay ang nanay ni jai. Ang totoong asawa ni papa. At ako, anak lang sa pagkakamali. Noon una masakit kasi halos tingin ng mga tao sakin basura. Dahil kesyo anak ako ng babae ng papa namin ni jai. Kesyo marumi ako. Anak ako sa labas.

Wala akong kilala sa mga magulang or mga kamaganak sa side ng mama ko. Halos kilala ko lang sa side ni papa. Unfair nga e. Hindi sakin pinakita ni papa sakin ang mga kamaganak ni mama sakin. Well gano'n talaga ang buhay.

"Kamusta ang billiards?"

"Ayos naman."

"Next week na ito kaya maghensayo ka nang mabuti." Tumango ako.

Umupo ako sa tabi niya. Tapos naalala ko na kapatid pala ni jm iyon tyren. "May tanung ako sis." Saad ko.

"Ano?"

"May kapatid palang namatay si jm?" Takang tanung ko.

"Ahh oo. Si tyren, nakakatandang kapatid ni jm. Bakit mo natanung?"

"Kasi may naaalala akong nabanggit ni ara na namatay si tyren e." Kumagat ka naman! Bakit ba hindi mo nalang sagutin ang tanung ko.

"Ang alam ko. May sakit si ty kaya namatay ito. Pero bali balita na baka daw suicide ang naganap kay ty." Sumakit ang puso ko nang malaman ko iyon.

Bakit ba nacucurious ako sa pagkamatay ng kuya ni jm? Oras ng klase. Walang practice ngayon. Pumunta lang ako sa room ko. Nadatnan ko do'n sina jm. Yeah, kablockmates ko sila. Chemistry ang subject namin. Nagdidiscuss lang si prof ava pero hindi ako nakikinig. Napapansin ko si jm na minsan sumusulyapnkay prof ava.

Forbidden DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon