Chapter 3

896 34 2
                                    

GABI na at nandito na nga kami sa club na sinasabi ni ara kanina. Ang pangalan ng club ay 'the port' may bangka na design sa loob. Mahilig ata sa mga barko ang may ari nito.

"Pumunta kayo." Bungad ni ara sakin at nginitian ako.

"Yeah." Simpling sabi ko nalang.

"Kaninong club to?" Kim ask.

"Kay trev po ito ate kim." Airra said.

"Wow? Sa batang edad ni trev may club na?" Tine.

" Since grade 7 pa po ito." Migs.

" Wow. May ibubuga pala siya." Sinamaan siya ng tingin ni jai. Halatang ayaw niya kay trev ha.

" Gusto mong pasabugin ko ulo mo." Tanung sa kanya ng kapatid ko.

" Hahahaha. Easy, im just trying to making joke here. Tss, mga babae nga naman." Agad na sabi ni jm.

Ang ganda ng loob. May nakasabig na malaking chandelier sa taas kaso barko siya. Cool talaga! HAHAHAHA. Gwapo na may ari, cool pa. Yeah whatever.

"Hindi nagpapasok ng ibang tao si trevs dito. Kasi tambayan lang talaga namin to." Ara said.

" Ang laki at ganda naman ng tambayan niyo." Natatawang sabi ni jai.

" Hahahaha. Ito ang gusto ni trevs. Tsaka sinadya pa ito nang tatay ni trevs para maayos makapagaral si trevs dito." Tumango si jai.

" Ano nga palang course ni trevs?" Tine asked again.

" Law siya."

Tangina? Law? Pwede bang maging criminal. Hahahaha char!

"Kayo tatlo anong course niyo?" Tanung na naman ng chismosa kong kapatid.

"Si airra law, hinding hindi niya maiwan si trevs e. Then kami ni migs, nasa business administration kami." Wala akong pake, charrr. Hahahah.

" Hahahahaha, nice. Mahirap ba?" Kim.

Sabog na naman to.

" Magkekwentuhan nalang ba kayo d'yan? Tara na at umupo." Ang sungit ng unyango na to.

Sumama nalang ako sa kanya. Hindi ko napansin hinahanap na pala ng mata ko si trevs.





"HINDI kapa ba lalabas?" Napatingin ako kay airra.

"Malapit ng matapos to. Bakit ba inimbitahan niyo ang mga 4th year?" Asar na sabi ko.

" Si ara nagimbita. May gusto ata siya kay mervy." Ts. Nakakabwesit talaga ang ara na 'yon. .

" Ilagay mona to sa leaving room. Tatapusin ko lang ito." Tumango naman ito.

Hindi pa kasi tapos tong niluluto ko. Nasa kalagitnaan ako ng paghuhugas ng pinggan ng may biglang pumasok. Nagulat pa ako.

"U-uhm, a-ahhh. Hahahahaha, makiki-inom sana ako. Hehehhee." What the fuck!

Ano bang nangyayari sakin? Kaya nga umiiwas na ako. Nagiging abnormal na tong tanginang utak ko. Ano ano nalang iniimagine ko. Putanginang buhay!

"Ito 'yon baso. Kuha ka nalang sa ref." Turo ko sa may ref.

Habang naghuhugas ako ng plato ay nagsalita ito. " Sayo daw ang club na to?" Tumango ako.

"Ang ganda ha. Mahilig ka sa barko?" Ngiting sabi niya.

" Ahhh, oo. Since birth." Tapos inayos ko ang mga platong nilinisan ko. .

Forbidden DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon