Chapter 46

207 15 0
                                    

Mervy's POV

NANDITO parin ako sa hospital. Kanina pa kami nanunuod ng movie ni cole. And si jai nakina kim na iyon. Birthday kasi ng garutay. Tapos ako ito kain lang ng kain ng chips. Gano'n din ang ginagawa ni cole. And then siya nasa may sofa. Nakabalot siya ng kumot do'n habang kumakain ng chips at nanunuod. Then out of the blue moon ay nagsalita ito.

"Nagmahal kana ba dok?" Tanung nito sakin.

Noon una hindi ako gumalaw pero noon narealize ko ang tanung niya. Ngumiti ako.

"Ofcourse, that's before." Sabi ko tapos tinutok sa tv ang paningin ko.

"Nasaan siya ngayon?" Nagkibit balikat lang ako.

"He's gone. Iniwan na niya ako." Saad ko tapos ngumiti.

"O? Like kat. Hindi nila mona inisip na masasaktan tayo pag iniwan nila tayo. So, kamusta? Maganda ba ang girlfriend mo?" Napatanga na napatingin ako rito.

" Girl? Pftt..." Natatawa ako. Iniimagine ko lang na mahaba ang buhok ni trevvi natatawa na ako.

"Why? May mali ba sa sinabi ko?" Pftt .

"He's not a girl, cole." Tawang sabi ko.

" What the fuck? So its a boy?" Gulat na tanung niya.

Tumango lang ako. Kita ko naman na napakain siya ng nova. " S-so, bakla ka?" Dahil sa gulat ko sa sinabi niya. Nabato ko sa kanya 'yon can in beer.

"Are you fucking, stupid? Bakla ka d'yan! I'm not gay!" Sigaw ko.

"Woah, so tomboy ka?" Napapoker face ako dahil sa pinagsasabi niya.

" Ang gago mo cole. Kalalaki mong tao ang tanga mo. I am bisexual." Saad ko.

" Ahhh, iyon nagjojowa ng babae at nagjojowa din ng lalaki." Tumango ako.

" Buti alam mona." Sarcastic na sabi ko.

" So, nasaa na siya?" Ang kulit.

"Paulit ulit cole? Wala na nga siya. Nasa london na siya ngayon. Iniwan na nga niya ako. Nagdivorce na kami."

" Wow. Kinasal kayo?" Tumango ako.

" Anong feeling magmahal ng same gender?"

" Masaya."

" Tsaka?"

" Masaya nga sobra." Ulit ko.

" Para sayo ba mervs? Ano ang love sayo?" Tumahimik ako ulit.

" Para sa akin? Pagmamahal, isang pagmamahal ang love. Gano'n naman iyon diba?" Tanung ko.

" Pagmamahal? E bakit may taong nagiiwan? Kung pagmamahal nga ang love. Bakit iniwan ako ni kat?" Umiling lang ako.

" Hindi ko rin alam. Minsan sa mga tao cole, may nafafall out. Minsan pagod na ito o hinahanap niya iyon dating siya, 'yon walang magbabawal sa kanya. Minsan naman nasasakal siya o kaya naman pagod na talaga. Kaya naman wala na talaga 'yon sparks, or kilig. Maybe nabura na lahat ng pagmamahal na nararamdaman nila. Kaya siguro doon na pumapasok ang pagod at sawa na." Totoo naman e. Hindi sinabi ni trevvi sakin na pagod at sawa siya. Ang sabi niya lang, hindi na ako mahal.

"Pero may nagugustuhan na ako ngayon mervs." Ngiting sabi nito sakin.

" O? Edi congrats. Kakabreak niyo lang ng fiance mo tapos agad may nagugustuhan kana." Takang sabi ko.

" Unexpected to mervs. Hindi ko alam saan nagsimula lahat. Naweweirduhan na din nga ako sa sarili ko." Kumunot ang noo ko.

" Why naman? Baka kailangan mo nang madala sa mental." Saad ko.

" No. Its not like that. Sinong tangang magkakagusto sa lalaki?" Napaubo ako dahil sa sinabi nito.

" What the hell! Huwag mo nga akong gulatin. Gago kaba?" Inis na sabi ko.

"Iyon na nga pinoproblema ko mervs. Paano to? Pipigilan koba ang nararamdaman ko o ipagpapatuloy na gustuhin siya? Paano kung mahulog na talaga ako sa kanya? Paano ang puso ko?" Napailing iling ako.

" Liking a guy like you is okay cole. Pero baka nabibigla kalang? Baka nasasabi mong gusto mo siya dahil sa broken ka dahil sa ginawa ni kat sayo. Pero alamin mo mona. If talagang gusto mona ang lalaking 'yon." Advice ko.

" Sana nga.."

" Sino ba ang unlucky man na 'yon?" Saad ko.

" Maka unlucky man ka d'yan. Nasa tabi tabi lang. Masyado pa kasi siyang manhid para maramdaman na gusto ko siya." Nakangiting sabi nito.

" Asus. Umamin kana sa kanya hanggang maaga. Baka mahuli ka." Ngiting sabi ko.

" Sigurado kang aamin na ako?" Sabi nito.

" Its up to you , cole."

" Gusto kita mervs..." Napahinto ako sa pagsubo ng chips dahil sa sinabi nito.

" H-huh?" Takang tanung ko.

" Sabi mo umamin na ako at baka mahuli ako. Ito na umamin na ako. Gusto kita mervs." Umiling lang ako.

" Kalokohan. Tumigil ka cole. Hindi ka nakakatuwa if biro man ito itigil mona. Kasi hindi ka talaga nakakatuwa." Inis na sabi ko.

" Sa tingin mo nagbibiro ako? Hind mervs. Kelan paba ako nagbiro? Lagi akong seryoso." Tinabi ko ang hawak kong chips at tinabi iyon sa side table ng kama ng hospital.

"If your done watching. Pwedeng pakipatay na ang tv cole? Inaantok na ako e. Bukas nalang tayo ulit magusap." Pagkasabi kong iyon humiga ako at pinikit ang mga mata ko.

Nanaginip kalang mervs. Panaginip lang ito. Hindi ka gusto ni cole. Hindi pwede. Kakasabi ko lang sa sarili ko. Hindi na ako papasok sa isa pang relasyon alam kong ikakasakit ko.

Pinipilit ko parin makatulog hanggang sa makita kona ang mukha ni trevvi na nakangiti. Isa kapa! Bakit ba binubulabog niyo ako!

Mas nagulat ako nang nagsalita ito. Ano ba?! Panaginip lang ito! Tangina! Panaginip lang to.

"Masaya ako na masaya ka..." Ano bang sinasabi niya?

" Seeing you happy with someone else is so fucking hard to me. But i will accept everything just for you." Inapis ko ang mga mata ko.

At naramdaman ko itong nakamulagat talaga. Nakita ko din ang tv na nakabukas parin. Hindi to panaginip. Totoo na to.

Nasa harapan ko siya.

Magsasalita na sana ako kaso umalis ito at lumabas ng pintuhan. Agad akong tumayo. Inalis ko ang IV sa pulsuhan ko at tumayo. Siya iyon! Palabas na ako ng kwarto ng may humawak sa pulsuhan ko.

"Hahabulin mo siya?" Tanung ng nasa likod ko.

"O-oo."

"Iniwan ka niya diba? Bakit mo siya hahabulin?" Tanung nito.

Nagtuloy tuloy ang mga luha ko. Agos lang ito ng agos. Bakit koba nga siya hahabulin? Dahil miss kona siya. Gustong gusto kona siyang makita.

"Pero g-gusto ko siyang makita." Nahihirapan sabi ko.

"Bakit ba hindi nalang ako , mervs? Hindi kita iiwan tulad ng ginawa niya. Hindi kita sasaktan..." Hinila ko ang kamay ko sa pagkakahawak ni cole.

" I-im sorry, cole." Pagkasabing kong iyon ay tumakbo ako palabas.

Trevvi nasaan kaba?

Forbidden DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon