Chapter 44

228 19 0
                                        

Mervy's POV

NAKAGISING ako sa hindi familiar na lugar. Hanggang sa umupo ako naalala na bitbit ako ni trevvi! Naramdaman ko naman kumirot ang nasa tagiliran ko. Napatingin ako kay cole na nakaupo sa gilid ko. Pinilig ko ang ulo ko. Ano na naman bang iniisip ko?

Nakita ko naman gumalaw si cole. Gising na siya.

"Mervy gising kana!" Nakangiti nitong sabi.

" C-cole. " Tawag ko rito.

" Yes? Don't worry papunta na ang ate mo at si dylan. " Umiling ako.

" Sino nagdala sakin sa hospital? " Tanung mo. Sana mali ang iniisip ko.

" Ako? Bakit? May problema ba? " Umiling lang ako.

Panaginip! Panaginip na naman. Ngumiti ako sa kanya. " Salamat. Napano iyon tatlong lalaki?" Tanung ko.

"Pinakulong sila nang mayari. "

" What? "

" Ang sabi ni Mr. Mendoza. Mga loko loko daw iyon. Siya narin ang magbabayad sa bill ng pagkakahospital mo. Buti talaga hindi natamaan ang mga organ mo. " Tumango ako.

" Anong sabi ni jai? "

" Hindi galit. Pero si dylan galit na galit. Bat daw sinama pa kita do'n. " Umiling ako ulit.

Nagiging oa na naman si dylan. Napatingin ako sa pinto na bumukas. Pumasok do'n si jai at dylan. May dala dala silang prutas.

" Kamusta pakiramdam mo?" Tanung ng kapatid ko.

"Maayos lang." Sabi ko.

"Puro kanalang hospital, mervy." Umiling lang ako.

" Sorry. Takbuhin ako nang gulo. " Saad ko.

" Dapat kasi hindi kana sumama sa kapatid ko. "

" Walang kasalanan si cole, dylan. Sumama ako sa kanya. " Nakita ko naman umismid si cole.

" Sa susunod huwag na kayong pupunta ng bar okay? At sa canarisrt pa talaga. " Alalang sabi ni jai.

" Bakit anong meron sa canarist?" Tanung ni cole.

"Ang may ari ng bar na iyon ay isang mafia. Mafia ang tatay niya. Tapos ang lugar na iyon ay transaction ng mga illegal na gawain ng iba pang mafia. 'Wag na kayo pupunta do'n sa susunod. " Tumango ako.

" Hindi kona nireport to kay mom and dad. At baka mapagalitan kalang." Salamat naman.

" Birthday ni kim mamaya. Hindi ka makakasama, bawal kapa daw umuwi ." Hays.

"Just sent my regards to her. " Sabi ko nalang.

" Oo. Magpagaling ka nalang. Sasamahan ka ni cole dito." Tumango ako.

Nakita ko naman si cole na nagbabalat ng orange at ng apple. Nang lapitan ako ni jai.

"Napapalapit kana ata sa kanya?" Ang malisyoso ng babaeng to.

"Magtigil ka nga sis. Kaibigan lang turing ko sa kanya. At sa tingin mo papatol sa lalaki 'yan! " Bulong ko.

" Mervs ang daming paraan para mahulog ang isang tao. Gago kaba? Mabilis lang mahulog sayo. Lalo na mabait ka. " Umiling ako.

" Huwag kang ano jai, okay? Walang namamagitan samin. At lalong hindi ko siya papatulan. " Saad ko.

" Ano bang binubulong niyong dalawa d'yan?" Tanung ni dylan.

" Wala! " Sabay namin sagot ni jai.

Hinabot naman sakin ni cole ang nakabalat nang orange. "Ito kainin mo to, mervs. Vitamin 'yan sa katawan, para gumaling kana agad. " Looking him, he is perfect.

He is kind, a handsome man. He is rich and goodlooking. He is gentleman and he is caring. Wala ka nang mahahanap sa isang cole. His kissable lips. Ang makapal niyan kilay. Mahahabang pilik mata. Cute siya. Hindi naman siya mahirap mahalin pero ako? Wala pa sa isip ko ang pumasok sa panibagong relasyon. Ayoko nang sumagal ulit. Nakaka pagod at sobrang masakit.

"Uy!"

"H-huh?" Takang tanung ko.

"Sabi ko kainin mo to." Hindi kopa pala kinukuha ang nakamangkok na orange.

"Sorry."

Nagpaalam sila jai na uuwi at bukas na daw babalik. Wala din kasama sa bahay mga pamankin ko. Lalo na si mommy at daddy na out of town nila. Hanggang sa matapos kong kainin ang orange, sunod naman niyang binigay sakin ang apple.

"Ang dami naman nito. Hindi ko to mauubos." Natatawang sabi ko.

"Nako. Need ng katawan mo 'yan. Kain kalang ng kain."

"Baliw."

"Anong gusto mong inumin? Bibili ako sa labas. " Nagisip ako.

" Gusto ko nang kape na malamig. " Natatawang sabi ko.

" Sige. Dadaretso na ako sa starbucks. " Tumango naman ako.

" Ingat. "

Nang umalis siya ay kinain ko lang ang binalat niyang apple. Inaalala ko parin ang panaginip ko. Parang totoo kasi. Parang si trevvi talaga iyon. Pero ang sabi ni cole naman. Siya ang nagdala sakin sa hospital. Naguguluhan ako.

Baka guni guni ko lang talaga 'yon.


Jayiee's POV

"KAMUSTA siya?"

"Ayos na siya."

"Anong sabi ng doktor? " Umiling ako.

" Maayos na siya. Pero sa susunod na araw palang siya ilalabas." Sagot ko.

"Maayos 'yon. Buti talaga nakausapan ko ang kapatid ng asawa mo na hindi sabihin ako ang nagdala sa kanya dito. " Nakangiti kong sabi.

" Bakit ba hindi mo nalang sabihin sa kanyang nakabalik kana ng pilipinas. Bakit pinahirapan mopa sarili mo? " Tanung ko.

" Jai, ito naman ang tama. Hindi kona guguluhin ang buhay ni mervs. Masaya na akong nakikita siya sa malayo. " Sa ikalawang pagkakataon, umiling ako.

" Ang dami mo nang sakripisyo trevvi. Mula nang pinakiusapan mo ako na huwag sabihin sa kapatid ko na pumunta ka sa london pero ang totoo hindi naman. Doon palang ang laki na ng sakripisyo mo. "

" Wala iyon jai. At tatlong taon na din naman lumilipas. Makakalimutan din niya ako. "

" Trevvi, nanatili kalang dito sa pilipinas sa tatlong taon habang si mervs nasa america. " Inis na sabi ko.

" Alam mo? Naghintay ako. Ilan taon akong naghintay sa paguwi niya. Pero dahil hindi kopa kayang ipakita sa kanya ang sarili ko. Hanggang ganito nalang mona ang magagawa ko. " Naiinis ako ts.

" Kung ako sayo magpakita kana sa kanya." Usal ko.

"Sa susunod na. 'Wag na mona ngayon . " Wala na akong magagawa kung 'yan ang desisyon mo.

" Oo nalang. "

" Ang laki na ng mga anak mo. I envy you." Nakangiti ito pero parang hindi naman masaya.

"Bisitahin mo sila sa bahay sa susunod. Welcome na welcome ka parin sa bahay. "

" Ofcourse. " Ngiting sabi niya.

" Hihintayin kita. " Sabi ko ulit.

" Oo. Mauuna na ako. Nice talking to you. " Tumango nalang ako at nagwave sa kanya.

Ano kayang mararamdaman ni mervs pag nalaman niyang nandito lang si trevvi? Tapos hindi naman talaga umalis ng bansa si trevs. Ang dami na niyang sinakripisyo. Naaawa na ako sa kanya.

Sana talaga may maayos pa...

Forbidden DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon