Chapter 29:

217 14 0
                                    

Trevvi's POV

"NATAGPUHAN kona ang asawa mo." Napatingin naman ako agad kay luther.

"Saan?" Agad na tanung ko.

Limang araw konang hindi nakikita si mervs. At hindi kona rin alam kung anong iisipin ko. "Nasa isang lumang factory ito." Kumunot ang noo ko sa sinabi ni luther.

"What? Saan 'yan? At bakit nando'n siya?" Tanung ko na naman.

"Siguro doon siya nilagay. Mamayang gabi mapupuntahan natin siya." Agad kong kinuha ang phone ko sa pocket at agad na tinawagan si jm.

Yeah, we're okay now. At nalaman nadin naman niya ang totoo. Nalaman na niya ang totoong pumatay sa kapatid niya. Kaya okay na kami. Nang sagutin niya ito agad akong tumawag.

"We found mervy." Agad na sabi ko.

"How about jayiee and tito marvin?" Tumahimik ako dahil hindi ko din alam kung nasaan sila.

"Not yet found, jm. Pero si mervy nasa isang lumang factory siya sa marikina."

" Kelan natin siya pupuntahan?" Tanung na agad niya.

" Mamaya lang ay pupuntahan na namin si---"

" Sasana ako trevs. Marami ang naging kasalanan ko kay manok. Kailangan kasama ako sa pagkuha sa kanya." Kahit hindi niya ako nakikita ay tumatango lang ako.

" Hihintayin kita." Sabi ko naman.

"See you later."  Pinatay niya ang phone kaya ako tumayo.

" Saan ka pupunta?" Nagsign lang ako pero hindi ko siya sinagot.

Lumabas ako nang hide out namin at sinindi ang sigarilyony hawak ko. Konting tiis pa, magkikita na tayo mervs. Magkikita na tayo. Mamumuhay na tayo ng maayos.

Ini-imagine ko palang ang nakangiti nitong mukha ay napapatawa na ako. Napapangiti na ako. Nang maubos ko ang sigarilyo ko ay pumasok ako ulit sa loob. Nakikita ko silang nagaayos na kaya sinuot kona din ang susuotin ko para mamaya.

Unang beses na hahawak ako nang baril. Matagal na panahon nang mahawakan ko ito. At natutuwa ako na nakahawak na naman ako. At hindi ako magsisisi ipuputok ito sa sarili kong magulang. Kailangan niyang mamamatay.

Hinintay namin mag gabi. Nang sumapit ng 6 ng gabi ay pumasok na kami sa van lima. Magkikita nalang kami ni jm mamaya sa harap ng vactory. Nang marating namin ang factory, nakita na namin ang black car na nakaparada sa tabing daan.

"Kanina pa ako rito. Ang tagal niyo." Tapos tinanggal ang suot nitong shade.

"Bulag ka ata at nagshade ka suba." Ngiseng sabi ni luther.

"Ayokong makita 'yan pangit mong pagmumukha san juan." Then nagtitigan sila.

" Ngayon paba kayo magaaway?" Saad ko.

" Hangang hanga ako sayo suba. Ginapang mona ang kapatid ko. Ang lakas pa nang loob mong ipakita sa akin 'yan pagmumukha mo." Napailot ako sa sentido ko dahil sa nagaganap ba bangayan sa pagitan nilang dalawa.

"Ts. Tandaan mo san juan. Si ava ang nagpagapang hindi ako. At hindi ikaw ang pinunta ko dito." Pero dahil mas gusto kong makuha si mervy ngayon. Inawat kona silang dalawa baka saan pa mapunta ang away nila.

Hinila kona paloob si luther. Bukas ang pinto kaya hindi na kami nahirapan buskan ito. Nakakataka lang talaga dahil walang tao at masyadong tahimik.

"Sigurado kang dito luther?" Tanung ko.

"Oo."

Naramdaman kong kasunod ko iyon apat. Si diego, demon, daemon at jm. Nangunguna kasi kami ni luther. Mahigpit ang hawak ko sa baril na hawak ko ngayon. Papasok kami ngayon sa isang kwarto. Dito na ata ginagawa ang mga tsineles. Maraking makina kasi.

Pero mas kinagulat ko nang magsibukas ang lahat nang ilaw. Bukas ang pinto. Kitang kita sa may dulo si mervy. Nakatali ito dahil wala siyang malay. Puno nang dugo ang katawan niya. Walang damit pangitaas. Nakahang ang dalawa niyang kamay dahil nga naka kadena ang dalawa niyang kamay. Mas lalo akong nangalambot dahil parang wala na siyang buhay. Naka kadena din ang dalawa niyang paa habang nakatayo ito. Ang putla putla niya. Hindi ko mapaliwanag pero pumuno ng galit ang puso ko.

"You're late." Isang boses ang narinig ko.

Hindi ko alam kung nasaan siya. Pero alam ko ang ina kona iyon. Ang walanghiyant Juliet! Hindi ko akalaing magkakaro'n ako nang nanay na ganito. Ni hindi na siya nahawa kay mervy. Dapat ako nalang ang nasa posisyon niya. At hindi siya. Dapat ako lang naghihirap hindi siya. Naiiyak ako dahil sa sitwasyon kinahaharapan ni mervs ngayon.

"You 4 days late, Trevvi. He's suffering now. He's out of breath now. At ilan minuto nalang ikakamatay na niya dahil sa dami ng dugo nawala sa kanya." Mas lalong kumuyom ang kamao ko dahil sa sobrang galit.

Kaya ba ganito na kaputla ang asawa ko? Kaya ba wala siyang malay. Pinalibutan kami nang sindamakmak na nakaitim na lalaki. Alam niyang darating kami. Bakit ba kinalimutan kong tuso pala ang babaeng to. Makakatunog siya agad.

Nakita ko itong lumabas sa may madilim na parte nang factory. May dala dala itong lashes. Binuhusan niya nang tubig si mervs dahil para magising ito.

"U-uhm.." Daing nito.

Pati ang pagdaing niya ay alam kong nasasaktan siya. Alam kong nahihirapan siya. Alam kong hindi na niya kaya. Ni hindi niya nagalaw ang ulo niya para tignan kung sino bumuhos sa kanya nang tubig. Ni hindi siya gumalaw. Hindi man kumilos.

"Kita mo trevvi? Kitang kita mo ngayon kung paano siya nahihirapan. Ikakamatay na niya ito! Hinding hindi na kayo magsasama ng bastardong to!" Umiling lang ako.

Pinaputok ko ang hawak kong baril sa itaas hanggang sa maglapitan na ang mga tauhan niya. Lalaban ako hanggang sa ikamatay ko at maligtas ko siya.

I can lost my life just for him. Because i love him so much. ..

Mervy's POV

""Kita mo trevvi? Kitang kita mo ngayon kung paano siya nahihirapan. Ikakamatay na niya ito! Hinding hindi na kayo magsasama ng bastardong to!" nakayuko lang ako.

Nararandaman ko ang dugo na pumapatak sa mga paa ko. Dumadaloy ito patungong likod ko at sa ulo ko. Kahit gusto kong tignan si trevs ay hindi ko magawa. Namamanhid ang buong katawan ko. Feeling mo mula ngayon at mamamatay na ako. Ni hindi mo man masabi sa kanyang mahal na mahal ko siya.

Pinilit kong iangat ang ulo ko hanggang sa makarinig ako nang gunshot at ang pagsigaw nang mga lalaki. Umiiyak na ako.

Hindi kona alam ang gagawin ko. Hanggang sa magsalita si trevvi. Narinig ko siyang nagsalita.

"MAMAMATAY MONA AKO BAGO MO SIYA MAPATAY!" sigaw nito kay tita juliet.

Tumawa lang ang magaling na juliet. Hindi ko man siya matulungan. Hindi ko matulungan dahil sa kalagayan ko ngayon.

Naglalabo na ang paningin ko nang may magsalita. I know that voice.

"I am late? Sorry guys. Pinatay kopa kasi ang lahat nang tauhan nang juliet na 'yan!"

Napangiti nalang ako bago ako mawalan ng ulirat.

'You're really the best jai..'

Forbidden DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon