Chapter 48

202 13 0
                                    

Cole's POV

HINAWAKAN ko ang isang kamay ni mervy tapos hawak naman ng isang kamay niya itong trevvi na to. Hindi ako papayag na sumama so mervs sa lalaking to.

"Back off. Bitawan mo siya." Seryosong sabi ko.

"Huh? Sino ka sa inaakala mo?" Sino nga ba ako?

"Manliligaw ako ni mervy! Kaya bitawan mo siya!" Sigaw ko.

Umuulan parin. Pero kaming tatlo wala parin pakealam sa ulan na palakas ng palakas. Halos hindi kona makita sila ng maayos dahil. Puro basa na talaga ang mga pilik mata ko.

"Manliligaw kalang." Mahiwagang sabi nito.

"At ano gusto mong iparating? Na porket manliligaw ako? Wala na akong karapatan sa kanya?" Inis na sigaw ko.

Ngumise ito kaya mas lalo akong nainis. " Hindi naman 'yan ang ibig kong sabihin. Pero dahil depensive ka, naisip mo 'yan." Mas humigpit ang pagkakahawak ko kay mervs nang hilahin sana siya nito.

Para na tuloy kaming naglalaro ng tag in war. Hanggang sa sumigaw na si mervy.

"Ano ba? Napipilay na ako sa ginagawa niyo! Bitawan mona ako cole!" Hindi ko siya pinakinggan. At talagang hinigpitan kopa ang hawak sa kanya.

"Look, dude. Sino kaba ha? Nakikisawsaw ka sa usapan namin ni mervs? You're not even mervy boyfriend. Bitawan mo siya!" Sigaw nito.

Hinila nito bigla si mervy sakin tapos sumugod ito nang suntok. Ang yabang ng tangina! Dahil blurred ang paningin ko. Hindi ko nalang namalayan na nasa sahig na ako. Hahahahahhaha. Tumayo naman ako at sinipa ito at sinapak.

"Putangina ka pala e! Iniwan mo siya tapos gaganyan ganyan ka! Hindi mona siya pag mamayari! GAGO!" sigaw ko.

Napadura ako nang sikmurahin ako nito. Hindi pa siya nakontento at nasapak na naman niya ako. Nang talagang hindi kona mapigilan ang sarili ko. Sinipa ko ito nang sinipa hanggang sa matumba siya sa semento. Pero dahil hambog ang anemal na to. Nakatayo siya ulit at nasapak ako.

Duguhan na kaming pareho. Walang sumusuko hanggang sa sumigaw si mervs.

"Ano ba! Naririnig niyo ba ako? Kanina kopa kayo pinipigilan! Stop this fucking shit now! Tumigil kayo!"

Hinigit ni trevvi ang kwelyo ko kaya gano'n din any ginawa ko. Hinigit ko din ang kwelyo niya.

"Sana marunong kang makiramdam." Seryosong sabi ko.

"At sana marunong ka din dumistansiya! Sana alam mo at ramdam mo kung kanino siya!" Inis na sabi nito.

" Distansiya? Bakit sayo ba siya? E hiwalay naman kayo ha?" Tanung ko.

" Look, man. Kung ako sayo didistansiya na ako bago pa kita ipadala sa ambulansiya. Kaya mamili ka, distansiya o ambulansiya." Ngumise lang ako.

" I rather choose both." Naramdaman ko ang kamao niya na dumapo sa panga ko.

Hindi ako nagpahuli. Sinapak ko din siya. Sapak sa sapak. Sipa sa sipa. Wala na akong pakealam kung may nakakakita na samin. Hanggang sa may maghiwalay samin. Pagkakita ko si dylan at iyon isang lalaki.

"Ano ba cole! Ano na naman pumasok sa utak mo!" Sigaw ng kapatid ko.

Nakita ko din patakbong papunta sina jai dito sa pwesto namin. "Mygoodness trevvi! Ano bang kinain niyong dalawa!" Sigaw naman no'n umawat kay trevvi.

Kita ko ang dugo na umaagos sa ulo niya. Pati ang labi niyang putok na. "Kapatid mo 'yan dy?" Tanung nito sa kapatid ko.

Hawak ako ng kapatid ko kaya hindi ako makagalaw. " Oo, trevs. Sorry talaga."

Forbidden DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon