Chapter 25

254 20 0
                                    

Mervy's POV

"Mama..."

Tawag ko sa kanya. Tumingin ito sa akin. Hindi ko inalis ang pagkakatitig ko sa kanya. Umiiyak ito pero tulad ni jai tuwing umiiyak. Walang hagulgul. Tumutulo lang ang mga luha niya sa pisngi niya.

"D-don't look at m-me. I'm in my worst spot." Nahihirapan niyang sabi.

" M-mama. Gusto ko lang malaman kung masaya kayong makita ako." Tinignan niya ako.

"Masaya. Pero mas sasaya ako kung makukuha ko kayo ng ate mo kay juliet."

Hindi ko napigilan ang sarili ko at niyakap kona ito bigla. "S-sorry. Sorry kung napabayaan ko kayo ng ate mo." This time humahagulgul na ito.

" Naiintindihan ko po. Naiintindihan ko." Sabi ko.

Pauli ulit ko iyon sinabi hanggang sa tumigil kami kakaiyak. At nagpaalam na kami ni trevvi na aalis. Ang daming nangyari sa araw na ito. Feeling ko pagod na pagod ang utak at katawan ko.

"Bukas nalang kaya tayo pumunta sa inyo? Baka pagod kana." Nagaalala niyang sabi.

"Hindi. Kailangan ko nang harapin ang pamilya ko. Ngayon pang alam na natin ang totoo. Kailangan na din malaman ni ate to." Sunod sunod kong sabi.

" Hindi ako makapaniwalang totoong nanay ko ang tinuturing mong stepmother ngayon." Sabi nito pagkasakay namin ng kotse.

" Hindi rin ako makapaniwala. Masyadong magulo. Pero nagegets kona isa isa. Masyado talagang selfish ang nanay mo." Saad ko.

" Wala akong nanay tulad niya." Malamig nitong sabi.

" Pero siya parin ang ang luwal sayo." Saad ko.

"Pero wala akong nanay na criminal." Hindi ko nalang siya sinagot. Dahil alam ko. Kinikimkim niya pa ang galit na nararamdaman niya ngayon.

Nang makarating kami ng bahay. Pumasok lang kami dahil wala ang mga guard. Nakita ko din ang motor ng kapatid ko. Nandito na siya. Baka kanina niya pa ako hinihintay. Pumasok kami sa loob pero pagpasok namin sobrang dilim. Pero nakaaninag ako ng tao. Nakaupo ito sa tig isahan sofa.

Kilala ko ang hubog ng katawan na 'yon.

"Maligayang pagbabalik." Tawang tawa nitong sabi.

Mali ata na pumunta kami ngayon. May binabalak ang demonyong to! Nagbukasan ang lahat ng ilaw. Nakaitim ito na dress. Bagay niya. Mas nagbagay sa kanya dahil mukha naman siyang demonyo.

"Suprised?" Tanung nito.

Hindi ako kumibo. Tinitigan ko lang siya. "Nahuli kayo nang dating. Wala ang ama at kapatid mo dito." Sabi nito. Tumatawa parin siya na parang baliw.

"Hays. Hindi kana natuto mervy. Ang tanga tanga mo parin. Limang taon na lumipas pero ang tanga mo parin." Tumatawa nitong sabi.

" Btw. Wala ang ate jai mo dito at ang tatay mo. Sabihin na natin pinadala ko sila sa lugar na Hindi mo alam." Ngiseng sabi niya.

" Hindi ako nagpunta dito para makipaglaro sayo." Inis na sabi ko.

"Hahahaha. Hindi rin naman ako nakikipaglaro sayo. Nalaman mona din naman ang totoo e." Ts. Alam niya?

" Oh? Gulat ka? 'Wag ka masyadong magulat dahil ayokong hatakihin ka puso." Nakita ko si trevvi na kumuyom ang dalawa niyang kamay.

"Anak. Alam mona din na ako ang nanay mo? Edi congrats." Tapos pumalakpak ito.

" Ano bang droga ang kinain mo at sobrang high na high mo." Sarcastic na sabi ni trevvi.

" Hahahaha. Alam ko naman alam niyo nang lahat. Kaya pinaghandaan kona ito. Hahahahaha. At alam kong hindi mo ako ituturing na nanay. At hindi ko rin masikmurahan na naging anak kita at niluwal kita sa mundong to." Nagiba ang mukha niya .

May lumabas na anim na black in men. Hahawakan kona dapat si trevbi nang hawakan ako nang tatlong black in men. Gano'n din ang ginawa nila sa asawa ko.

"Putangina! Ano ba! Bitawan niyo siya!" Sigaw nito.

"Don't you ever touch her! I'll gonna kill you!" Naglulupasag na din ako. Pero sobrang lakas nila.

Nakita kong hinawakan na din si trevvi. Wala na kaming nagawa. Napaghiwalay na nila kami.

"Ipaghiwalay ang dalawang 'yan. At patulugin niyo." No!

" Trevvi!" Sigaw ko.

" Mervs! Ano ba! Bitawan niyo! Anong gagawin niyo sa asawa ko!" Naririnig ko parin ang boses ang niyang sumisigaw pero nagbablurred na ang mga mata ko.

May pinaamoy sila sakin na dahilan ng pagbigat ng talukap ng mata ko. Ano bang nangyayari?




Trevvi's POV

"SAAN niyo siya dadalhin!" Sigaw ko.

Hindi ako makagalaw dahil tinali nila ako sa silya. Putangina! Makawala lang talaga ako dito! Papatayin ko kayo isa isa. Mas uminit ang ulo ko nang tumatawang tumingin lang sakin ang babaeng sinasabi nilang nanay ko. Paano ko naging nanay ang babaeng to? Wala akong nanay na baliw!

"Ang laki mona. Huling kita ko sayo ang liit mo lang." Hindi ako kumibo. Tinignan ko lang siya ng masama.

" 'Wag ka naman ganyan anak. Ako parin ito ang nanay mo. Sorry kung pinagpalit ko kayo ni mervy. Kailangan lang talaga. Dahil ayokong nakikitang masaya si joana. Hahahahaha." Baliw kana!

" Wala akong nanay na demonyo!" Sigaw ko.

" Ts! Wala din akong anak na tulad mo! Kamukha mo lang ang tatay mo! Masyado kayong mahina." Sigaw nito.

" Patulugin 'yan!"

Nagpumiglas ako. Hindi! Kailangan kong makawala dito! Pinilit kong alisin ang tali. Hindi ko alam kung saan nila dadalhin ang asawa ko. Kailangan kong makawala dito para maligtas siya. Nang tuluyan kona itong maalis. Ito naman ang saktong pagdating ng tatlong lalaki. Agad akong tumayo at sinipa ang isa. Tinaas ko naman ang kanina kong inuupuan na silya tapos ay hinampas sa isa. Pasugud na din sana din iyon isa nang makahawak ako ng paso tapos ipunukpuk sa kanya ito.

Patakbo na ako palabas nang maramdaman ko ang kirot sa bandang braso ko. Nakita ko ang dugong dumadaloy ngayon sa braso ko. Hindi ko ito ininda at tumakbo ako palabas ng bahay iyon. Nang makapasok ako sa kotse ko do'n kona mas naramdaman ang kirot sa may bandang braso.

Daplis lang to! Babalikan kita mervs.

Wala akong mapupuntahan ngayon kundi kay jm. Siya nalang ang kakailanganin ko ngayon. Alam kong may galit siya sakin. Pero kakapalan kona ang mukha ko. Pero kailangan ko siya.

Hindi ko alam kung saan dinala si mervs. At wala din si ate jai. Natatakot ako na baka anong gawin nila sa asawa ko. Gamit ang isang kamay ko. Nagmaneho ako papuntang kina jm. Namamanhid na ang kaliwang kamay ko at sobrang kirot narin ito.

Nang marating ko ang bahay nila. Agad kong binuksan ang gate. Pakatok palang ako nang bumukas ang pinto at niluwa do'n si jm at teacher ava.

"Trevvi?" Takang sabi ni jm.

"Dumudugo ang braso mo!" Sigaw naman ni teacher ava.

"T-tulungan niyo..."

"Ano?"

"S-si mervs... Tulungan niyo si mervs..." Pero bago ko pa man masabi ang lahat ng gusto kong sabihin.

Nawalan ako ng balanse at naramdaman kong may sumali sakit. Ang huli natatandaana ko hinalalayan nila akong mahiga sa sofa.

Mervy...



Itutuloy...

Forbidden DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon