Mervy's POV
"COLE?" takang tawag ko sa pangalan niya.
"Good morning, mervs." Ngumiti ito kahit na alam naman niyang busarang ang mata niyang isa. Sobrang grabe pala natamo niyang sugat.
"Ayos kalang?" Nagaalalang tanung ko.
"I am fine, pero pwede tayong magkita mamaya?" Tumango nalang ako.
Day off ko naman. Kakalabas ko lang kanina ng hospital. Pero siguro pwede naman akong lumabas. 2 days has passed. Pero may bugbug parin tong mokong na to.
"What time? And where?" Tanung ko.
"Malapit lang dito. Alam mo iyon bagong bukas na coffé shop?" Tumango ako ulit.
" Do'n nalang. Mamayang 1pm." Pagkasabi niyang iyon ay umalis siya. Pero nang tumalikod ito napansin kong parang dumudugo ang likod niya. Ano bang nangyayari?
Hindi ko nalang pinansin iyon. Pumasok ako nang bahay. At makikipaglaro nalang ako sa mga pamankin ko. Nanunuod sila ngayon ng cartoon dahil umaga. Routine lang naman ng tatlong itlog na to, matulog, magaral, manuod, kumain tapos aral. Then tulog ulit. Pero dahil weekend wala silang ginagawa. In the age 2. Tinuturo na silang magsulat at magbasa ni dylan. Well, maganda iyon para fast learning sila. At pagpasok nila sa school alam na nila ginagawa nila. Fast learner naman sila kaya walang problema do'n.
"Yow, kiddos." Sabi ko.
"Good morning, tito." Devin.
"Morning." Damien.
"Good morning." Damian.
Sa totoo lang nalilito parin ako sa pangalan ni damien at damian. Pero keri lang.
"Wala kayong class with daddy yow niyo?" Tanung ko.
"Wala po tito. Sabado po ata pahinga namin ang sabado at linggo." Seryosong sabi ni damien.
Grabe. Ayoko talagang kausap ang triplets na to. Dumudugo utak ko. Kung bibiruhin mo naman sila, 'wag kang magbalak. Masyado silang seryoso. Last time. Biniro sila ni jm. Kaso natanggap lang ni jm, poker face.
"Sabi ko nga."
"Tito? Bakit wala ka pang asawa?"
"What?"
"Bakit po wala kapang asawa?"
" Aba, hanep! Inulit mopa." Asar na sabi ko kay devin.
" Kasi po tinanong niyo siya na 'what' " hindi ko talaga maintindi ang takbo ng isip ng tatlong to.
" Tito, tsaka magasawa kana po at magkaanak. Para may kalaro na kaming tatlo." Iniimagine ko lang. Na kalaro nila ang anak ko.
Baka pati mga anak ko. Mahawa sa kabaliwan ng tatlong to.
"Wala nga akong nobyo, asawa pa kaya? Kayong bata na kayo ha. Ang babata niyo para malaman ang bagay na 'yan." Sabi ko.
" Ano pong mali do'n?" Hindi ko nalang sila sinagot.
Nang makita ko ang magasawa na pababa. Nakangiti ang mga ito.
"Mommy!" Sigaw nang tatlo.
Yuck! Mommy's boy. Paano pag nagasawa ang mga to. Grrrr!
"Oh dahan dahan. Baka madapa kayo." Si dylan ang tipo nang ama na sobrang stirkto pagdating sa pagaaral. Pero sobrang caring naman niya.
Noon baby nga ang tatlong 'yan. Halos ayaw umiyak ni dylan. Kasi daw porke nasasaktan siya makita na umiiyak sila. Si jai naman hinahayaan nalang. Sobrang oa ng pamilyang ferrer na to. Naiinis ako.
"Damian! Huwag tatakbo sabi!" Sigaw ni dylan.
Agad naman napatigil iyon bata dahil sa sigaw ng ama. At isa pa napansin ko mula nang umuwi ako. May takot ang tatlo sa ama nila. Pero mas lamang ang respeto nilang tatlo sa magulang. Hindi ko aakalaing mapapalaki sila ng maayos ni jai at dylan. Siguro talagang mabuti lang silang magulang. Kaya nahahandle nila ng mabuti ang mga anak nila. Hindi tulad ng iba d'yan na porket may trabaho, makakalimutan na nila ang mga anak nils. At susulsulan nalang ng pera at gamit.
"Papa, kelan po tayo lalabas?" Dinig kong tanung ni devin. Ako nagcecellphone lang.
Si devin ang pinaka makukit sa tatlo. Siya ang pangalawa. "Bukas baby, may gagawin pang work si daddy ngayon e." Malambing na sabi ni dylan.
" Dad? Diba nagpapabili ako ng books? 'Yon about sa law or mga animals ha." Nagsalita naman ang panganay. Si damien.
Sa magkakapatid si damien ang mahilig magbasa nang mga libro. Siya din ang masipag na magaral. Baka nagmana siya sa papa niya.
"Bukas anak, pupunta tayo sm tas daretso tayo NBS." Spoiled talaga.
" Papa! Diba sabi mo ibibili mo din ako maraming foods!" Itong isa naman to. Ang takaw takaw ang taba taba na.
Hindi ko talaga maintindihan saan pinaglilihi ni jai ang tatlong to. Naistress ako sa kanila. Iniwan ako sila sa sala at pumasok ng kwarto ko. Napansin ko naman ang saging na nakapatong sa kama ko.
Natatandahan ko na naman to. Lahat naman ng mga bagay na binigay ni trevvi noon sakin. Nandito parin. Pati iton kwintas na binigay niya sakin no'n valentines. Lahat iyon sentimental kaya mahirap itapon. Pumasok ako nang banyo para maligo na. Napansin ko kasi kanina sa relo na 11 na. Baka malate ako.
Ano kayang sasabihin ni cole? Kinakabahan ako.
Pagkatapos kong maligo. Nagpalit na ako agad. Khaki shorts lang at polo. Tapos nang rubber shoes lang ng white. Pagbaba ko kumuha lang ako pan sa kusina at lumabas na ng bahay. Wala iyon pamilyang ferrer. Baka bonding day nila. Pagpasok ko sa kotse at agad kong pinaharurot ito papuntang coffé shop. Nang makarating ako do'n. Nakita kona si cole.
"Ang aga mo?" Takang tanung ko.
"Its okay. Kakarating ko lang din naman." Napatingin ako sa relo ko. Mag 1 palang.
" Ang aga mo talaga. Ano ba iyon sasahihin mo?" Tanung ko pagkaupo ko.
"Gusto kita."
" 'Wag mo nga akong gulatin!" Sigaw ko rito.
"Hindi ko alam kung tama tong nararamdaman ko mervs pero para akong nababaliw pag hindi kita nakikita. Hindi ko rin alam bakit ikaw lagi laman ng isip ko kahit hanggang sa pagtulog ko ikaw parin." Myghad!
" Siguro na nagustuhan na kita noon pa man nakaluhod ka sa kalsada at umiiyak." No'n panahon iniwan ako ni trevvi. Araw ng engagement.
" Mervy."
"O-oh?" Tanung ko.
"Hayaan mong patunayan ko sayo na totoo tong sinabi ko at hindi ako nagbibiro."
" Hm."
" Hayaan mong mas gustuhin kita." Ano bang dapat isagot.
Ang hirap!
" Mervy." Tawag nito ulit.
Inaalala ko. Kaya ko nabang makipagrelasyon? May asawa na din si trevvi. Hindi na kami pwede. Pero pwede pa silang maghiwalay. Pero hindi ko ipipilit ang hindi pwede.
"Ano?"
"Let me court you..."
Hindi ako nakakibo sa sinabi niyang iyon. Hindi ko naranasan ligawan. Ang hirap naman ng maganda! Pottacca! Ano bang isasagot ko. Nakatingin lang ito sakin. Sagot na self. Naiilang na ako.
"Pagiisipan ko." Ngiting sabi ko.
"Maghihintay ako kahit anong oras." Hays.
"Cole, ayaw kitang paasahin sa wala. Kaya kung ako sayo ititigil mona ngayon palang." Bilin ko.
" No. Matutunan mo din akong gustuhin. I'll assure that."
Umiling nalang ako. Nagorder ito nang coffé and cake. Pagdating ng order namin. Ininom ko lang ang kape na order niya. At ang black forest na cake.
Masasaktan ko lang si cole. Dahil alam ko sa sarili ko. Mahal kopa si trevvi...
BINABASA MO ANG
Forbidden Desire
Genel Kurgu"We have all story, that we didn't tell." Since before. Mervy Stone is always a second choice of their family. A black sheep of the family. And his parents favorite is his older sister-Jayiee Stone. They always putting Mervy in down. And everything...