Chapter 30: THE TRUTH

250 16 0
                                    

Jayiee's POV

""I am late? Sorry guys. Pinatay kopa kasi ang lahat nang tauhan nang juliet na 'yan!" sigaw ko.

Buti talaga nakawala ako sa mga tauhan nang babaeng 'yan. Kasama ko si dad at ang mga nanay ni jm, kim at tine. Pinaiwan ko si tine at kim. Hindi nila kailangan madamay sa ganitong problema. Pero kita si trevvi sa harapan ni jm at luther. At si diego, demon at daemon. Napapalibutan na sila nang mga tauhan ni juliet ngayon. Kasama ko si dad, tita cristel, tita kim at tita camille. Ang mga kaibigan ni juliet noon.

May hinihintay pa daw na dalawa. Hindi ko kilala ang dalawa na iyon. I saw mercy, nasa dulo ito at walang malay. I am really sorry bro.

"Nandito na pala ang anak ko." Nakangiti nitong sabi.

"Wala kang anak! At lalong hindi kita nanay!" Sigaw ko.

Nakita ko naman lumaki ang mga mata ni jm pero binaliwala ko nalang iyon. "HINDI IKAW ANG NANAY KO DAHIL ANG NANAY KO PINATAY MO! HAYOP KA!" sigaw ko.

" Hahahaha. Alam mona pala. Oo at tama ka! Hindi kita anak pero pinalaki kita nang maayos! Tinuring kitang totoo anak kesa sa anak ko!" Mas nagulugan ako.

" Pinagpalit ko si trevvi at mervy! At oo in purpose iyon! Ginawa ko iyon para mapaghiwalay kayo ni mervy! At para hindi mabuo ang pamilya niyo ni marvin at joana! Pero dahil napatay ko ang totoo niyong nanay! Makikita ko habang buhay si marvin na hindi masaya!" Sigaw nito.

Kumuyom ang kamay ko. Hindi to totoo! Paano niya naging anak si trevvi! Sobrang bait ni trevvi!

"You're really so stupid, juliet." Napatingin ako sa babaeng kakarating lang ngayon at ang lalaking kasama niya.

Trevvi's father.

I saw juliet, nagsilaki ang mga mata niya. Halos lumuwa na ang mga ito. "No! Hindi ito kilala!" Sigaw nito nang malakas.

Then i saw daddy, he's crying right now.

"Hays. Hindi ko alam bakit nagkaganyan ka juliet. Akala ko noon una magiging maayos tayo na magkaibigan. Akala ko magiging bestfriend kita kaso pakitang tao mo lang pala iyon. Pinagmukha mo rin akong tanga. Buong akala ko anak ko si trevvi pero ang totoo si mervy pala." Hindi parin pumapasok sa ytak ko ang nangyayari.

" Pinatay na kita! Pinatay na kita at bakit kasama mo si travis!" Sigaw nito.

Travis ay ang daddy ni trevvi. " Travis saved me and thanks to him, nabuhay ako nang pangalawang pagkakataon. Pero pagkakamali niya, nilihim niya sakin na pinagpalit mo pala ang anak namin. Nakakaawa ka juliet! Pinalit mo ang totoo mong anak kesa sa hindi mo anak! Mervy is my son ang your son is trevvi!" Naguguluhan na ako.

" Bakit ba hindi ka nalang mamatay joana! Mamatay ka nalang! Mula nang dumating ka sa buhay namin nagkaletche letche na ang lahat! Kaya nga pinatay na kita para hindi mona kami magulo ni marvin pero dating ka parin ng dating!" Sigaw ni juliet.

" Binabalot ka nang galit at inggit mo juliet." Tito travis.

"Wala ka nang pakealam do'n travis!" Sigaw nito.

" Meron! Dahil pinatay mo 'ko ng pakonti konti! Minahal kita pero hindi mo ako mahal dahil alam kong mahal mo si marvin. Okay sige, no hard feelings. Dahil alam ko naman mahal ni marvin si joana. Akala ko nang malaman ko iyon may pagasa na sa atin dalawa kaso wala. Mas kinagalit ko. Pinagpalit mo ang anak mo sa hindi mo naman anak. Pero ayos lang din 'yon. Inintindi ko lahat juliet! Tinago ko kay trevvi ang lahat. Nagbulag bulagan ako. Kasi mahal kita! Pero nang marinig ko kay joana ang lahat ng ginawa mo sa kanya nawala ang pagmamahal ko sayo. Napalitan ito nang awa. Dahil talagang kinain ka ng galit mo. Mas nagalit ako sayo kasi muntik mo na kaming pinatay nang asawa ko na nanay ng anak kong si trina. Pero buti nakaligtas kami pero si trina nawala ng ilan buwan. At dahil iyon sa kagagawan mo!"

" Minahal kita pero mahal mo si marvin. Pero hindi ka mahal ni marvin dahil mahal niya si joana! Walang wala ka kay joana, Juliet! Mayaman kalang! Pero hindi mo matutumbasan ang pagmamahal ni marvin kay joana. Pinakasalan kalang ni marvin dahil naaawa siya sayo. Pero hindi ka niya mahal---"

" MANAHIMIK KA! MASAYA NA KAYO! OO NA WALA NANG MAGMAMAHAL SAKIN! KASI DAHIL SA MASAMA AKO? WALA AKONG PAKEALAM. PERO DAPAT NAMATAY KA NALANG JOANA PARA MAKITA KO NG HABANG BUHAY NA NAGHIHIRAP SI MARVIN!"

Sino ba ang joana ito? Bakit kamukha ko ang mata niya? Sino siya? Naguguluhan ako. Hanggang sa magpaputok si trevvi, kasunod si jm at luther. Nagsiyukuhan kami. Inalala ko ang kapatid ko na nakatali parin do'n. Mas binilisan ko ang takbo ko pero bago ko malapitan ang kapatid ko ay may humila na sa buhok ko.

"Saan ka pupunta tarantadong babae ka?" Napatingin ako kay airra at at ara.

Anong ginagawa nang dalawang to dito? Hindi ko pinansin ang sakit sa anit ko. Hinabot ko ang kamay ni airra at inikot ito. Narinig ko naman itong napadaing. Hakmang susugurin din ako ni ara pero nauna kona siya. Sinipa ko ito sa tiyan kaya napaupo ito sa sahig. Unang huli't gagawin ko ito.

Kinalabit ko ang gatilyo at pinaputukan ang tigisa nilang mga paa.

"Pagsisisihan mo to!" Sigaw ni airra.

"Wala akong pagsisisihan. Mapapatay ko kayo ngayon na ngayon na. Pero dahil naaawa ako sa inyong magkapatid. Huwag nalang. Masasayang ang oras ko sa inyo."

Iniwan ko sila do'n at nilapitan si mervy. Shit! Dumudugo ang likod at ulo niya. Pilit ko itong niyuyugyog pero hindi siya magising. Kinuha ko ang susi kanina kay daddy. Ito ata ang susi para sa mga kadena na to. Pagkatanggal ko at agad kong sinuot ng damit si mervy at hinalalayan siyang tumayo.

"Mervy? Mervs? Gising!" Yugyug ko rito.

Pero dahil wala siyang malay inalalayan ko nalang siyang tumayo. At nang palabas na kami ng kwartong 'yon nang maramdaman kong may tumama sa bandang dibdib ko.

Rinig ko ang sigaw ng mga tao sa labas. Naramdaman kong nahulog si mervy pero nakita ko naman sa gilid kong nasalo siya ni trevvi. Ang kirot lang sa bandany dibdib ko ang inaalala ko. Hahahha! Tangina! Sapul ako do'n.

Umikot ako at tinignan ang gumawa noon sakin. Ang tanginang ara! Nakaramdam na naman ako nang isa pang putok. Tumama ito sa paa ko tapos sa braso at tagiliran ko.

At nang maalala kong may bata pala sa sinapupunan ko mas natakot ako para do'n. Ang bata sa tiyan ko ang inaalala ko. Bakit ganito? Hindi ko man masabi sa tatay niyong buntis ako.

Tumalikod ako at sunod sunod putok ng baril ang tumama sa likod ko. Pero mahalaga nakuha ko si mervy. Mahalaga ayos na siya.

I heard daddy, he shouting my name. Napangiti lang ako. Tumulo ang luha ko. Hindi ko man masasabi kay dylan na mahal na mahal ko parin siya. Pero bago ako mahulog sa sahig ay may dalawang braso na ang sumalo sakin.

"Jai." Nagaalalang sabi nito.

Pinilit kong ibukas ang mga mata ko pero mahirap. Parang nakakaantok.

"Huwag mong isasara ang mga mata mo! Parating na siya jai! Parating na siya." Pinilit ko talagang ibukas ang mga to pero mas lalo lang ako nahirapan.

" L-luther..."

" J-jai ano ba! Huwag ka nang magsalita. I know nahihirapan kana." Tumulo ang isang butil na luha.

" T-tell him that, i l-love h---"

Hindi kona talaga kaya. Pinikit ko nalang ang mga mata ko at ninamnam ang huling sandali ko.

Te amo, dylan...


Forbidden DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon