Chapter 15

326 19 1
                                    

Play the song 'till i met you by. Angeline quinto'

Mervy's POV

INUWI ko sa condo si trevvi. Nanginginig parin kasi ito. Pagupo niya sa sala ay agad akong kumuha ng malamig na tubig.

"Ayos kalang?" Tanung ko.

"I-im not. Paano kung makulong ako mervs? " Nanginginig nitong sabi.

" Ssssh. Hindi. Hindi ka makukulong. Inumin mo to. Magpahinga ka pagkatapos." Pati naman ako natatakot trevvi. Pero kailangan natin magpakatatag.

Tinignan ko siya. Hindi nila pwedeng malaman tinulak niya si jm. Wala akong pakealam kung nagsisinungaling na ako. Hindi talaga siya pwedeng makulong! Madudungisan ang pagkatao niya. Lalo na law student siya.

Humiga ito kaya inayos ko naman ang unan niya. Hindi ko aakalaing magmamahal pa ako nang hihigit kay roel. Hindi ko aakalaing mamahalin ko ang lalaking to. Gagawin ko ang lahat kahit na mali pa to oh hindi. Poprotektahan ko siya hangga't kaya ko.

"Babe salamat. Alam konh 1 week palang tayo pero nandyan ka parin sa tabi ko. Salamat kasi kahit sobrang gulo. Kahit hindi ko masigaw sa lahat na nobyo kita. Sorry kung hindi kita mapagsigaw."

" Naiintindihan ko. Alam ko naman hindi kadaling pumasok sa ganitong relasyon. Alam kong mahirap to. Pero ginusto ko to. Minahal kita. Tinanggap kita. Wala akong pagsisisihan na nakilala kita at minahal kita. Basta tandaan mo nandito lang ako lagi sayo." Niyakap ako nito kaya niyakap ko din siya.

Hindi ko naman ginustong maging ganito. Pinilit ko naman magmahal ng babae. Pero wala talaga. Sobrang hirap ipilit ang dapat hindi naman.

"Mahal kita mervy, sana 'wag mo 'kong iwan." Nakayakap padin niyang sabi.

"Hinding hindi kita iiwan trevvi. Hindi kita bibitawan. Pwera nalang kung tinaboy mona talaga ako. Nandinto lang ako sa tabi mo lagi. Lagi kitang gagabayan." Saad ko.

Natawa ito.

KINABUKASAN ay sabay kaming nagising at kumain ni trevvi. Day 4 na ng sports festival ngayon. Ngayon ang araw ng laro ko sana sa billiards kaso nagquit ako. At hindi kami papasok ni trevvi. Ie-enjoy namin ang araw na ito. Wala kaming iisipin. Wala kahit isa. Wala talaga.

Bago kami umalis ay sabi ko idaan niya ako sa hospital. Dadalawin ko si jm. Nang makapasok ako sa hospital. Nakita kona agad ang babaeng kapatid ni jm.

"Kamusta siya?" Tanung ko.

"Walang response. Ang sabi ng doktor. Baka daw hindi na ito magising. Kasi masyado daw malakas ang impact ng pagkabagsak niya. Hindi alam kung mabubuhay pa siya." Gusto kong maiyak.

Nasa ICU siya. Tinignan ko ito thru glass wall. Ang daming nakalagay sa kanya. May nakapalupot din sa ulo niya. I am sorry jm. Sorry kung nagsinungaling kami sa mga police. Sorry kung hindi namin sinabi ang totoo. Ayoko siyang makulonh. Sana maintindihan mo.

"Mauna na ako. Dinalaw ko lang talaga siya." Saad ko.

" Sige po. Ingat. "

Hanggang sa makarating ako sa parking lot Hindi ako kumikibo. Sana magising na siya.

"Kamusta siya?" Alalang sabi ni trevvi.

Forbidden DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon