Chapter 8

476 25 0
                                    

Mervy's POV

AFTER what happened last time. Nabaliw na ako hahahaha. Nasa billiards ako ngayon, may practice ako. At mamaya bibisitahin ko si trevvi sa gym para tignan siyang magpractice. And yes! Masaya ako. Officially na kami ni trevvi. 'Wag niya sanang sirain ang tiwala ko sa kanya. Naalala kopa tuloy 'yon usapan namin no'n.

"Magbihis kana." Namula naman ako. Gago talaga ang lalaking to. .

"Namumula ka."

"Eh!"

"Hahahaha. Ang cute mo. Ibig sabihin ba nito? Tayo na?" Napatingin ako sa kanya na hindi makapaniwala.

"Tangina ka pala e! Natikman mo lang ako tapos tayo agad? E kung sipain ko kaya 'yan!" Turo ko sa umbok niya.

" 'Yon ano mervs?" Tawa nitong sabi.

" Ewan ko sayo trevvi! Uuwi na ako! Maayos ka din naman e. Sa susunod 'wag mo nang patulan si jm." Bilin ko sa kanya tapos ay sinuot ang pants ko.

" Hahahahha, i'll try babe. Pero sigurado ako magkakainitan pa kami ni jm." Sumasakit ulo ko sa kanya.

" And don't call me babe! Hindi ako baboy. And anyway, may operasyon pa ako. Mauuna na ako." Pero bago pa takaga ako tuluyan makalayo at nahigit na niya ako sa bewang at hinalikan ako.

"Ang landi mo!" Sigaw ko.

"Sayo lang babe!"

" Eh!"

HAHAHA! Tuwing naalala ko iyon ay natatawa ako. Pumasok na naman ako sa isang relasyon na hindi ko sigurado kung magwo-work ba. Hindi pa man ako nakakapasok sa gym ay hinarangan na ako ni airra.

"Airra?"

"Break him." Diin nitong sabi.

"What? Anong pinagsasabi mo?" Takang tanung ko.

"Ts. 'Wag na tayong maggaguhan dito mervy. Alam mo kung anong sinasabi ko." Tapos ay nginitian ako nito.

" Ts. E sa Hindi ko alam ang sinasabi mo." Diin ko din sabi.

"Hahahaha. Hindi kalang pala malandi e no? Sinungaling kapa!" Sigaw nito mismo sa mukha ko. " Alam kong may relasyon na kayo ni trevvi!"

" What? Sa tingin mo pumapatol ako sa lalaki? Anong tingin mo sakin? Bakla? Umalis ka nga sa dinadaanan ko." Inis na sabi ko..

Lihim parin ang relasyon namin. Kahit ang ate ko walang alam dito. Walang nakakaalam. Ayokong maissue si trevvi dahil sakin.

"Binabalaan kita. Hindi mopa ganoon kilala si trevvi. Sasaktan kalang din niya Tulad ng ginawa niya kay tyren! Kung ako sayo hihiwalayaan kona siya bago ko masabi sa nanay niya na may karelasyon lalaki si trevvi at bago malaman ng buong University ang nakakadiri niyong relasyon!" Magsasalita na sana ako kaso umalis ito agad .

Tangina! Kakasimula palang ng relasyon namin pero ganito na. Nakita ko agad si kim, tine at jai na naghehensayo kasama ang mga kasamahan nila. Kita ko naman si trevvi na kinakausap si jm. Magaaway na naman ba sila!

Nang makita ako nito nawala ang tingin niya kay jm at sakin tumingin. He mouthed 'babe' natawa nalang ako. Ang landi talaga ng lalaking to. Sumasaya na naman ako. Sana pernamente na ang sayang nararamdaman ko ngayon. Umupo ako sa mga benches at tinignan siyang tumatakbo paikot ng gym. Stretching nila. Nang nagsimula ang laro nila tutok lang ako sa kanya. At sa tuwing nakaka 3 points siya. Gustong gusto konang sumigaw hindi ko lang magawa .

At nang tapos na sila agad akong bumaba at nilapitan siya. Dahil hindi ko siya mayayakap, nakipaghand toast nalang ako.

"Galing ha?" Tanung ko.

"Para sayo 'yon babe." Kinurot ko siya sa tagiliran. Ang harot tss .

" Pag ikaw talaga may nakarinig sayo, bubugbugin kita." Sabi ko sa kanya.

" Saan? Sa kama ba?" Tapos ay kinindatan ako.

"Tangina! Pakisabi nga bakit sinagot kita? Gago ka!" Tapos hinampas siya sa braso.

" Sabay tayo uwi maya babe." Paglalambing niya.

"Ang ingay mo trevvi. Nasa kabila lang sina ate." Saad ko.

" Wala naman makakarinig. Ano? Sabay ka sa paguwi sakin mamaya ha. Sa condo ko ikaw matulog."

" Pagiisipan ko. Tsaka wala akong idadahilan kay ate jai." Seryosong sabi ko.

" Ganito nalang. Sunduhin kita sa inyo? 11 pm labas kana." Hays! Ang hirap ng ganito.

" Oo na oo na. Ano bang gagawin natin sa condo mo?"

"Sexy time." Then he winks.

"Puta ka! Shuta ka talaga grrr. Hindi na ako pupunta." Saad ko.

" Hahahaha. Joke lang ito naman. Tulog ka do'n, promise hindi kita gagapangin." Tangina. Mababaliw ata ako.

" Tangina ka talaga! Ang dami mong kalokohan. Last practice mo nalang?" Tanung ko.

" Hindi may second quarter pa." Tumango nalang ako.

" Malapit na sports festival."

" Oo nga. Kinakabahan na ako." Sabi ko.

" 'Wag ka. Kiss kolang katapat niyan." Mahabagin. Ang landi nang lalaking to.

"Ang landi mo no?" Sabi ko.

"Hahahaha. Sayo lang nga babe." Tangina talaga. Iba dating sakin ng babe e.

Nang makita namin si jm at sina ate na papunta dito humiwalay ako ng konti kay trevvi.

"Hoy, jacinto! Tawag ka ni coach." Saad ni jm.

"Una na ako." Tumango naman ako.

" Ang hard mo talaga sa kanya no? Hindi mo ba siya matatawag sa pangalan niya?" Sabi ko.

" Hindi."

" At bakit?" Tanung ko.

" Kasi ayoko. Its gross." Abg arte nang unyangong 'to.

" Ang arte." Sabi ko kaya tumawa sina kim.

"Mervy." Seryosong sabi ni jm.

"Oh?"

" 'Wag ka sanang magkakagusto kay jacinto. 'Wag na 'wag." Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.

" Huh?"

" Basta warning na sayo to. 'Wag kang makikipagrelasyon sa kanya. Pag talagang nalaman kong meron kayo ng tarantadong 'yon. Babalihan kita ng buto." Sabi nito at agad umalis. Bumalik sa kateam niya.

" Ang weird." Saad ko.

"Makinig ka nalang sa kanya. Para din sayo 'yon." Jai.

Paano ko gagawin 'yon? Kung meron nang kami? Halos magchuchukan na nga kami. Paano ko ba mapapaliwanag kay jai to. Maiintindihan niya kaya ako this time? Sino kayang kakampihan niya noon?

"Tara kain." Yaya ni tine.

Tumango kami kaya pumunta kami canteen. Habang naglalakad papuntang canteen hindi ko parin maalis sa isip ko ang sinabi ni jm. Bakit ba lahat sila ayaw kay trevvi.

Ano bang nangyari sa pagitan nila ni tyren. At hindi ko alam na kapatid pala ni tyren si jm. Wala naman sinasabi ang unyangong 'yon. Nang makarating kami ng canteen agad sila nagorder ako naiwan dito sa upuan.

Woah! Nababaliw na naman ako. Pero masaya ako dahil magkikita kami mamaya ni trevs. Sana talaga walang makakita samin.

Sana hindi ako mahuli ni ate at papa...

Forbidden DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon