Chapter 46

8 3 0
                                    

Nagising na lang ako sa pakiramdam na pawang may nakatitig saking mga mata. Dahan-dahan kong minulat ang mga iyon at doon tumambad ang nakatayong si Damian habang nakakrus pa ang mga braso. Nangunot ang noo ko. 

"Anong ginagawa mo?" inaantok kong tanong habang dahan-dahang tumatayo. Tumabi siya sa hinihigaan ko bago tinitigan ng maige. Ganun na lang ang pananaas ng kanang kilay ko.

"Problema mo? Bakit ganyan tingin mo sakin?" tatayo na sana ako para magbanyo ng pigilan niya.

"Can you repeat what you said last night?" parehong kilay ko na ang naitaas ko dahil sa pagtataka. Anong sinabi ko? Meron ba? Bakit wala-----oh owkey.

Napangisi ako sa loob-loob, nagbabalak magpanggap na wala akong maalala.

"Sinasabi mo dyan? Teka Damian, paihiin mo muna ako" tatayo na sana uli ako ng hilahin niya ako't hawakan sa bewang. Nilapit niya ang mukha niya sakin para manlaki ang mga mata ko.

"Oy-oy, anong gagawin mo??"

"Repeat it" aniya.

"Repeat what?"

"What you said last night"

"Wala akong maalala Damian, paihiin mo muna ako please lang" medyo naiinis kong angil dahil totoong naiihi na ako.

"Go ahead" ganun na lang ang pagtulak niya sakin patayo. Aba't nanunulak! Muntik pa tuloy akong matumba.

Pag-iling na lang ang ginawa ko bago siya iniwan doon pero bago pa man ako tuluyang makapasok sa banyo ay inilibot ko na muna ang paningin ko sa buong kwarto. Teka??? B-bakit may cr sa loob ng kwarto ko? Atsaka.....bakit walang kagamit-gamit dito? 




Huwag mo sabihing.....

Nanlalaki ang mata kong nilingon si Damian na busy sa pag-iisip, nilibot ko pa uli ang paningin ko sa huling pagkakataon. Nang mapagtantong hindi ito ang kwarto ko ay doon na ako humugot ng hininga bago siya tuluyang sinigawan.

"DAMIAN!!! BAKIT HINDI MO AKO INUWI SA CONDO!?!?" halos pumutok ang litid ko sa sigaw na iyon dahilan para makita ko ang mukha niyang narindi sa sigaw ko.

"Umulan ng malakas kagabi kaya hindi tayo nakauwi" normal niyang sagot pero ang noo ay pawang may inaalala pa rin.

"Teka ano? Paano si Dale? Alam ba niya?" tumango lang naman siya bago nagpatuloy sa pag-iisip.

"Faster peeing, we need to talk" pagbuntong hininga na lang ang nagawa ko bago pumasok sa banyo. Doon  ko lang nailabas ang ngiti ko na kanina ko pa pinipigilan. Ang gwapo sana niya kaso bingi siya. Paano ko sasabihin yun sa kanya ng harap-harapan? Iniisp ko pa lang ay nanlalambot na ako.








"Anong pag-uusapan natin?" bungad ko pagkalabas sa banyo, dumaretso ako sa sofa ng makakita ng pagkain.

"I'm sure you said that word Aerah"

"What word? Kumain kana ba?"

"Just coffee, alalahanin mo yung sinabi mo kagabi"

"Ano ba kase yun? Ipaalala mo" tinitigan niya ako saglit bago iniwas ang tingin sakin.

"You surely did not say that thing?" ngayon ay parang nawalan siya ng pag-asa. Nakaramdam ako ng guilt pero nagpatuloy pa rin ako sa pagpapanggap.

"Maybe yes? Maybe no? Hindi ko alam ok? Hindi ko nga matandaan eh" pagpapasensiya ko. Nakamot ko ang ulo ko bago nagsimulang kumain. Narinig ko siyang bumuntong hininga dahilan para makaramdam ako ng pagsisisi. Wahhhhh bakit naman nakakaawa siyang tignan?? Gusto ko lang naman siyang asarin eh. Para siyang batang gusto ng umiyak pero dahil alam niyang big boy na siya ay pinipigilan niya iyon, nakakaawa talaga T_T

Since The BeginningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon