Chapter 50: Guilt

20 3 1
                                    

"H-hah?" wala sa sariling sambit ko. Para akong nabingi na ewan. Kanina pa ako kinakabahan pero mas dumoble iyon ngayon. Hindi ko alam ang isasagot bwisit! Para kase sakin kame na, sadyang siya lang yung hindi nakagets nung I love you ko na iyon. Hayyy ewan!

"I said....." I saw him swallowed hard before breathing deeply.

"Can I be your boyfriend??" at inulit nga po niya. Napakurap ako ng maraming beses bago hinarap si mama at papa. Ngumiti lang sila sakin with their proud face. Tinignan ko naman ang mga kaibigan ko. Mga nakangiti lang din sila sakin na pawang hinihintay ang sagot ko.

Napalunok ako ng mahagip sila MJ at LA. Mga nakangiti din sila, ngiting hindi kita ang ngipin. Nang mapansin nilang nakatingin ako ay tsaka lang sila ngumiti ng malaki sabay tango nilang pareho. Hindi ko tuloy alam kung anong sasabihin ko.

Ok na kase sakin na kameng dalawa na lang ni Damian ang makakaalam. Ayoko ng binobroadcast sa iba lalo na sa maraming tao pero dahil sinagot ko na naman siya nitong nakaraan at gusto na lang niyang maging official ay wala akong magagawa. Baka gusto niya lang ng kasiguraduhan na sa kanya na talaga ako, at sa akin na talaga siya. Cringe man pero siguro yun nga ang dahilan niya.

Sa huling pagkakataon ay bumuntong hininga na muna ako ng pagkalalim bago binalik ang paningin kay Damian. Sapilitan ko siyang pinatayo kahit pa ayaw niya noong una, wala naman siyang nagawa. Nangunot ang mukha niya habang hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi bago siya nginitian.

"Sorry for waiting you so long Damian........but" bigla ay natahimik ang mga tao. Hinihintay ang sasabihin ko. Si Damian ay tila naging balisa, nanginginig siya habang nanlalamig ang balat. Kinakabahan sa isusunod kong salita.

Kahit naghahalo ang pakiramdam ko ay namuo bigla ang luha kk para lalong mapangiti ng malaki.

"But I think........your hard work has now come to an end." nabalik siya sa ulirat para mapatitig siya ng maige sakin.

"Of course........it's a yes Deym-Deym" dahil doon ay unti-unting nanlaki ang mata niya kasabay ng pagkurap ng mga iyon. Naroon sa mukha niya ang pagkamangha pero mas nangibabaw ang paniniguro.

Napatango tuloy ako bigla kasabay ng pagbagsak ng mga luha ko. Ako na ang yumakap sa kanya dahil hanggang ngayon ay hindi siya makapaniwala. Dahil sa ginawa ko ay nagpalakpakan ang mga tao kasama ng hiyawan ng mga kaibigan ko.

"Ang malandeng Ameerah! May jowa na rin sa wakas!!" napailing na lang ako sa sinabi ni Billy.

"Congrats!!!!"

"Wuhoo!!!"

Ngayon lang ako niyakap pabalik ni Damian, mukhang nagsink-in na sa utak niya na sinagot ko na siya pero ang totoo ay kame na talaga noong pauwi kame sa galing sa Nuvali. Napangiwi ako. Narealize na birthday ko pala ang anniversary namin hys.

"Thank you Aerah. I love you, I love you, I love you" napangiti ako sa sinabi niya't mahigpit akong niyakap.

"I love you too" lumuwag ang yakap niya na kalaunan ay kumawala roon. Nagtataka niya akong tinignan ng maige.

"Can you......repeat it?" naroon ang pagkamangha sa mukha niya ng itinanong iyon. Napailing lang maman ako, magsasalita na sana ng unahan niya.

"Don't say next time cause I can kiss you here. Infront of them." napalunok ako. Bakit grabe siyang mang blackmail???? Wala pa nga eh!!!

Inirapan ko siya na kinangisi niya. Nilapit ko ang mukha ko sa kanya, sinisiguradong siya lang ang makakarinig dahil baka marinig ng mga kaibigan ko. Kung mangyari man iyon ay walang sawa nila akong aasarin hanggang sa kamatayan ko, de joke lang.

Since The BeginningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon