Chapter 48

8 3 0
                                    

"Hey wait up. Aerah! Aerah!!" nahawakan niya ang kamay ko para mapatigil ako sa paglalakad. Ngunit hindi ko siya hinarap, bagkus ay pinunasan ko yung luhang tumulo sa pisngi ko dahil sa inis.

"What is wrong with you?? Kanina ka pa tahimik tapos uuwi ka ng hindi nagpapaalam sakin" nasa labas na kame ng club. Nagsiuwian na yung mga kaibigan nila habang siya ang mag-uuwi kay Lyca. Huminga ako ng malalim bago tanggalin ang pagkakahawak niya sakin.

"Damian pagod na ako, kailangan ko ng umuwi" yun lang ang nasabi ko bago naglakad uli. Malapit na sana ako sa kotse ng higitin niya ako't sapilitan na iniharap. Kunot na kunot ang noo niyang nakatingin sakin habang may nagtatanong na mukha.

Ako naman ay nginitian lang siya ng pilit before looking at Lyca inside his car.

"She needs to rest too Damian, ikaw din. Pare-pareho tayong pagod dito kaya umuwi na tayo, hmm? May sasakyan din naman ako kaya hindi mo na ako kailangan ihatid. Mag-ingat na lang kayo ni Lyca pauwi ok? Sige na" bubuksan ko na sana ang pinto ng iharang niya ang sarili doon.

"We need to talk about something Aerah"

"Ano yun?" I sighed

"About earlier, kelan.....kelan mo ako sinagot? I didn't know you're my girlfriend now, ngayon ko lang nalaman" taalagang hindi niya alam tsk.

"In Nuvali, the time you heard me say that words."

"What.....words?" nagtataka niyang tanong, halatang nag-iisip kung ano iyon.

"The I lov.....uhh....well......hmmm----I'm really tired Damian. Uuwi na ako hah? Ihatid mo na rin si Lyca bago ka umuwi, ingat kayo!" tinulak ko siya sa pagkakasandal sa kotse ko kaya naman mabilis na akong pumasok at umupo doon. Kaso nga lang dahil sa kabilisan niya ay naiharang niya ang kamay sa pinto kaya hindi ko maisara iyon.

"Teka ano muna yun??" nahilamos ko ang mukha ko. Bwisit! Totoong pagod na ako pero dahil sa mokong na ito nahahaluan pa ng sakit sa ulo ang pagod kong katawan.

"Basta yung narinig mo tapos pinipilit mo akong sabihin 'yon pero nagkunwari akong walang matandaan. Sige na. BYEEE!!!" tinulak ko uli siya ng malakas bago sinara ng mabilis ang pinto. Nakahinga ako ng maluwag.

Mukhang hindi ko mauulit ang tatlong salitang iyon dahil sa narinig ko kanina. Pagkatapos kaseng iannounce ni Lyca ang wedding nila ni Damian ay hindi na ako nagsalita pa. Tahimik lang ako na umiinom pero hindi na uli ako nakisakay sa kwentuhan nila. Lumalayo rin ako kay Damian kapag nagtatangka siyang humawak sakin.

Alam ko naman na sila dapat ang ikakasal in the first place, kaso nga lang nalipat kay LA dahil nalaman ni Damian na pinsan niya si Lyca.

Tanggap ko eh! Tanggap ko na minahal nila yung isa't-isa, tanggap ko na first love siya ni Damian kaso ang hindi magsink-in sakin ay kung bakit napapraning ako ng ganito kapag kasama niya si Lyca. Alam kong hindi sila pwede, hinding-hindi talaga pero hindi makakaila sakin na naging sila noon. Na ginagawa nila yung mga ginagawa ng mga couple. Na hanggang ngayon ay gusto pa rin ng mga kaibigan nila na magcomeback sila.

Natatakot lang ako. Natatakot na baka baliwalain ni Damian yung pagiging magpinsan nila at balikan si Lyca. Natatakot ako na baka ipagpalit niya ako kung kelang mahal ko na siya. Kahit pa sabihing lasing si Lyca ng sabihin iyon, kitang-kita naman sa mukha niya kung gaano siya kainlove kay Damian hanggang ngayon. Pinakita niya sakin ng ilang segundo kung paano siya kasaya na ikasal sa taong mahal niya, pinakita niya sakin kung gaano siya kainlove sa taong yon kaya naman kailangan kong gumawa ng paraan para paglayuin silang dalawa. Baka kase sa susunod ay makita ko na lang ang sarili kong sirang-sira uli. Ayoko namang mangyari yon.

Pinunasan ko ang pisngi ko ng biglang may tumulo doon. Mabagal lang ang pagpapatakbo ko dahil sa panlalabo ng paningin ko. Nakita ko pang nagtext si Damian pero hindi ko na iyon pinansin at umuwi na lang. Pagkarating naman sa bahay ay tulog na sila mama at papa kaya naman ganun na rin ang ginawa ko. Sana lang huwag marealize ni Damian na mahal pa niya si Lyca, selfish na kung selfish pero wala na akong pakialam doon.

Since The BeginningTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon